Kc
After that incident, walang maganda na naidulot sa akin at hindi na ako nakapagtrabaho ng maayos. Good thing walang masyadong cases sa delivery room and behave lahat ng patient.
My mind was clouded with so many questions and doubts. Ayaw kung isipin kaso pilit siyang pumapasok sa isipan ko.
My mind is telling me to listen to Allen's explanation first. Mahirap kasi paniwalaan ko lang bigla ang aking mga naririnig.
Hindi ako pumunta sa penthouse ni Allen after my duty. Instead I went straight to my condo without even eating dinner. Wala kasi akong ganang kumain. Ganito pala ang feeling pag may nalalaman ka na hindi kanais-nais tungkol sa taong mahal mo. Kahit alam mong pwedeng walang katotohanan.
I lie awake in my bed staring at the ceiling. I don't know for how long I've been doing that ng maramdaman kung nag vibrate ang aking phone. Naka silent kasi ito.
"Hello..." matamlay kung sagot. Hindi ko man lang tiningnan ang caller.
"Baby... where are you?" tanong nito. I bit my lips. Ayaw ko sanang magsalita. Ayoko ko kasi siyang makita baka awayin ko lang ito.
"Home..." tipid kung sagot.
"What's wrong? Do we have a problem? Punta ako ngayon. Open the door for me, okay?," utos nito. Binabaan ko ito ng tawag.
Pumunta ako sa may pintuan at binuksan ang lock. Ayoko ng tumayo mamaya pag nakarating na siya.
Bumalik ako sa pagkakahiga ko at pumikit. Mga ilang minuto ang lumipas ng maramdaman kung bahagyang lumubog ang kama. I smelled a familiar scent. His scent. I know he's beside me and staring at me. Ramdam ko ang mga titig niyang malalim. Tumatagos sa kaibuturan ko.
Nakiramdam lang ako. Takot akong magmulat ng mata at magkasalubong ang tingin namin. Baka mawala lahat ang pagtatampo ko rito.
"Baby... I know you're awake."
Palpak pala ang aking pagpapanggap na tulog. Nagmulat ako ng aking mata. Tama ako, mga asul nyang mata ang una kung nakita. Bigla nalang akong nalungkot at bumalik yung kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kanina.
"What's wrong? Are you mad at me? Why?" tanong nito na puno ng pagtataka ang mukha. Ang mga mata nito na tila naguguluhan.
"No, I'm just tired..." tangge ko rito. Biglang umurong ang dila ko. Antayin ko na lang mismo na siya ang magsabi sa akin. Baka mag away pa kami kung bigla ko siyang tatanungin.
Bumangon ako para maglinis ng katawan at para matulog na. Sinusundan lang nito ng tingin ang bawat galaw ko hanggang sa natapos ako at nahiga ulit sa kama.
Tinitingnan ko rin ito paminsan minsan. Hanggang sa biglang tumunog ang aking tiyan. Tanda na nagugutom na ako. Arggh! Malalaman tuloy nito na hindi pa ako nagdinner.
"You didn't eat dinner right?" tanong nito. Tumango naman ako. Kinuha nito ang phone sa bulsa at may tinawagan. Nag order ito ng pagkain.
"Baby, what wrong?"
Hinawakan niya ako sa kamay at kinandong ako nito bigla.
"You're so cold towards me. You even skipped your dinner. Tell me please," malumay nitong sabi na may halong lungkot.
"No, I'm not. Pagod lang talaga ako hon," sabi ko rito. Nginitian ko na ito at niyakap.
Maya maya dumating ang pagkain na inorder niya. Sabay na kami kumain. Kunti lang kinain nito, kumain na daw siya kanina. Hindi ko na ito tinanong pa kung saan ito kumain or nagpunta. Kung gusto niyang malaman ko, kusa itong magkikwento.
Hindi rin ito natulog sa aking tabi ngayong gabi. May gagawin daw ito sa bahay niya na importante. Gusto ko sanang sumama kaso hindi rin niya ako niyaya. Ayoko ko naman ako mismo ang mag-aya para sa sarili ko.
Time flew so fast like a hurricane and weekend came. It was Sunday. Naging busy rin ako sa case presentation kaya halos hindi kami nagkita ni Allen ng tatlong araw. Nagkakausap naman kami sa gabi bago matulog. Nawala na lang din sa isip ko ang mga nangyari. Mabuti na rin 'yon at hindi na ako nastress.
I was on morning duty when CL saw me. Sasakay na sana ako sa elevator.
"Loves!" sigaw nito at kumakaway pa.
"Hi loves!" bati ko naman at hindi muna ako tumuloy sa elevator.
"Out tayo ng three, Sunday naman diba? Mall tayo. Sige na," naglalambing nitong sabi. Kaya wala na akong nagawa at sumang ayon.
" Oo na, ikaw naman ang nasusunod," sabi ko rito at inirapan ko ito.
Natapos ang duty at nag punta kami sa mall sa Trinoma. Ito ang malapit na mall. Nag ikot ikot kami. May mga binili ito ako wala. Waka kasi ako sa mood mag shopping. Bukas nlang siguro kasi off ko. Nagpromise ako kay mommy na sasamahan ko rin ito.
Nang mapagod si CL nagdecide kami na maghanap ng makakainan. Sa loob na lang din sana ng mall kaso parang wala 'ata itong gusto. Maarte kasi ito sa mga pagkain. Bigla naman itong may kinausap sa telepono at nagtataray na naman.
Naalala ko tuloy si Allen. Kumusta na kaya ito. Busy ba siya ngayon? Kagabi pa last message niya. Mula paggising ko hanggang ngayon wala itong tawag or text man lang.
Patingin tingin naman ako sa paligid baka may makita ako na pwede naming kainan. Until I saw a restaurant sa may gilid. Kunti lang ang tao sa loob. It's a fine dining restautant. So bet ito ni CL.
"Loves, doon tayo kain. Walang masyadong tao at mukhang masarap." Nilingon naman ako nito at agad na tumango. Tinapos na nito ang tawag at inakay na ako papunta sa sinabi ko na restaurant.
Pagpasok namin sinalubong agad kami ng manager, base na rin sa suot nito at may nakalagay manager.
"Hi ma'am, table for two?" magalang na tanong nito. Tumango naman kami ni CL.
Habang papalapit kami sa aming table bigla naman akong kinabahan. Kakaiba ang nararamdaman ko. Nagpalinga linga ako sa paligid hanggang sa mapako ang tingin ko sa kabilang mesa. I saw a group of people with familiar faces. Anim sila, they are all Doctors. Mga Doctors ng MNH. Hindi lang basta Doctors kasi ang isa doon ay ang taong kanina pa laman ng isip ko.
Nanlamig ako bigla. Yong pakiramdam na nanghihina ka at any minute para akong matutumba. Kalma ka lang Kc. Paalala ko sa aking sarili. Kumakain lang sila. Kala mo naman nahuli mo na nagtataksil.
"Loves okay ka lang?" nag aalalang tanong ni CL sa akin. Hinawakan pa ako nito at pinaupo.
Umupo na rin ako at nag order na kami ng pagkain. Paminsan minsan pa rin akong pasulyap sulyap sa table nina Allen. Hindi kasi nila kami nakita. Busy sila sa pinag uusapan. Mukhang seryoso. Kasi seryoso ang mukha ng isa. Imessage ko nga ito.
Me:
Where are you hon?
Nakita kung kinuha nito ang phone at binasa ang message ko siguro. Hindi ito nagtype. Binasa lang at ibinalik na sa bulsa ang kaniyang telepono. May kung anung sakit ang dumaan sa dibdib ko.
Nakapako pa rin ang tingin ko sa mesa nila, particulary on that one person. Sinunandan naman ni CL ang tinitingnan ko. Nagulat pa ito sa nakita.
"Kaya pala, parang kanina kapa wala sa sarili. Kinakausap kita pero hindi ka nakikinig. Lutang ka lang," komento nito at hinawakan ang kamay ko.
Tiningnan ko ito ng nakanguso at malungkot na mukha. Hinawakan naman nito ang mukha ko.
"It's okay Love, baka may meeting lang sila. All of them are Doctors at balita ko close ang family nila. Cheer up!" pag alo nito sa akin.
Dumating ang pagkain namin at kumain na kami. Kahit wala na akong gana pinilit ko na lang na kumain para naman magka laman ang tiyan ko. Hanggang sa natapos kaming kumain. Sinabi ko kay CL na umalis agad kami pagkatapos magpahinga saglit.
My phone vibrated. May message ako. I saw on my screen that it came from Allen.
Hottie Hon:
Office, may tinatapos lang na importante. Call you later.
Napako ang tingin ko sa screen at hindi ko magawang isarado ang telepono ko dahil nanginig bigla ang kamay ko at gusto kung maiyak. Bakit kailangan niyang magsinungaling? May problema ba? Pwede naman niyang sabihin na he's having a dinner with his family. Okay lang naman 'yon. I guess.
Nanikip naman ang dibdib ko at biglang may nakapa ako na sakit. I don't know how it feels to be betrayed kasi hindi ko pa nararanasan. Baka ito na 'yon. Yung sakit na nararamdaman ko. I wanted to cry pero di ko magawa pero alam ko any minute babagsak na ang namuong luha sa mga mata ko.
Pag angat ko ng tingin deretso sa table nina Allen. Nagtama ang mata namin. Gulat ito na nakatingin sa akin. Hindi ko na napigilan, kusang pumatak ang kanina pang nagbabadya na mga luha habang nakatingin pa rin sa kaniya.
"Hey, loves. Why are you crying?" nataranta naman ito sa akin.
"Loves, let's get out of here. Nasusufocate ako," utos ko sa kaniya.
Dali dali naman itong sumunod at tumayo na kami after niyang makuha ang sukli sa table. Nasa may kabila pala ang exit kaya dadaan kami sa table nina Allen.
Lalampasan na sana namin ang kanilang table ng tawagin kami ni Dra. Santibañez.
"Oh hi there, Dra. Riva and Dra. Montero. Dito rin pala kayo," tumaas naman agad ang kilay ni CL.
"Oh hi! Dra. Satntibañez and family. Hello po Dr. and Dra. Smith and family," bati ni CL sa mga ito. Tipid na ngumiti rin ako sa kanila at nag hi rin. Hindi ako tumingin kay Allen. Pero ramdam ko ang mga titig nito sa akin.
"Aalis na po kami. Kumain lang kasi kami. Sige po enjoy kayo," paalam ni CL at inakay na ako palabas.
"Let's go home, ihahatid kita," sabi nito
"Sa bahay mo ako ihatid." Tipid kung sabi rito. Ayoko kung umuwi ng condo siguradong pupunta si Allen. Ayoko ko itong kausapin. Sinungaling siya.
Habang nasa biyahe kami. Tahimik ang loob ng sasakyan. Tahimik lang din akong lumuluha. Hindi rin nagsasalita si CL.
Maya maya narinig ko nag riring ang aking phone. Kinuha ko ito mula sa aking bag. Allen is calling. Tinitigan ko lang ang screen ng aking phone. Wala akong balak sagutin ito.
"If you don't want to answer him. It's okay loves. Don't force yourself. Nasasaktan ka. Hayaan mo munang mawala ang sakit na nararamdaman mo bago mo siya kausapin," sabi nito.
Ibinalik ko sa aking bag ang telepono. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Hindi na ito bumaba at may pupuntahan pa raw.
" Enjoy bonding with Tita, okay? If you want to talk to me, don't hesitate to call me loves.bDon't cry anymore. He doesn't deserve it." Tumango lang ako sa kaniya and I said thank you.
The moment I steeped the house I saw nanay Lilian watching tv. Wala ata sina mommy.
"Oh anak, dito ka ah. Wala ang mommy mo at daddy, may pinuntahan sila," salubong nito sa akin.
"It's okay nay. Akyat lang ako at magpapahinga. Kumain na rin ako. I was with CL a while ago," ngiti at tango ang tanging naging sagot nito.
Bawat hakbang ng aking mga paa ay kay bigat. I felt so down. Ganito pala masaktan. So totoo nga ang sabi ni Dra. Santibañez about the dinner. And parang gusto ko na rin maniwala about sa narinig ko sa kaibigan niya. Argggh, napasabunot ako sa aking buhok.
Sakit sa ulo ang mag isip. Masakit din sa puso. Nakaupo ako sa gilid ng aking kama. Hindi ko alam ang gagawin. I opened the tv and watch a movie in Netflex. Nagbihis na rin ako ng aking lingerie para ready ng matulog.
Pinatay ko rin ang akin cellphone. Non-stop kasi ang tawag ni Allen. Naka ilang missed call na ito at messages. Wala akong balak sagutin. Hanggang sa nakatulog ako habang nanunuod ng tv.
Morning came and about to go down to have my breakfast. I saw mom and dad sa sala mukhang malalim ang pinag uusapan nila. Natigil pa ang pag uusap ng dalawa ng makita nila akong pababa.
"Morning princess, buti gising kana. Come let's eat. Inantay ka talaga namin. You okay?" tanong ni mommy.
Tumango ako rito at ngumiti. Ayoko ipahalata na hindi ako okay. Lalo na ang ipaalam na hindi kami okay ni Allen. Ayoko kasing may masabi sila kay Allen. Baka sisihin pa nila ang isa.
Habang kumakain kami nakita ko paanong magsulyapan sina mommy and daddy. Parang hindi sila mapakaling dalawa. Anu kaya ang problema nila? May gusto ba silang sabihin?
"ehem... Princess.. " it was dad who called me. Napatingin ako rito. Both of my eyebrows raised at him. Mababanaag ang pag aalinlangan nito. May gusto siguro itong itanong or sabihin.
"Spill the bean. What is it Dad?" tanong ko rito at patuloy pa rin ang pagkain.
"Anak, gusto mo bang makilala ang mga tunay mong magulang?" I heard it right and clear. Natigil ako sa pagkain at tiningnan ko silang dalawa. Pati si Nanay Lilian napatigil rin at tiningnan ako nito.
Mga magulang? They are my parents. It never crossed my mind even once to know them. I'm not mad at them. Whoever they are. But I have no interest in knowing them. Mom and Dad are enough for me.
" Why would I? I have both of you. More than enough." Sabi ko sa kanila at nagkatinginan ulit sila.
"Anak, gusto ka nilang makita. You were abducted inside the NICU the moment you were born. Hindi nila ginusto na mawala ka. Hinanap ka nila. Up to this day they never stop looking for you, specially your biological mom," paliwanag ni mommy. Makikita mo na puno ng pakiusap ang kaniyang mga mata. How can I say no to this woman? She's such a gem. A geniune person with a kind heart.
"Ibabalik niyo na ako sa kanila?" may bahid na takot ang lumukob sa buo kung pagkatao. Ang daming nangyayari ngayon. Hindi kami okay ni Allen tapos ito na naman another problem.
Kung ibang tao na naghahanap sa magulang nila siguradong sobrang tuwa ang mararamdaman. Pero ako takot ang namumuo sa puso ko. Takot na baka iba sila kaysa kina mommy. At ayokong mawalay sa mga taong nandyan na sa tabi ko hanggang sa paglaki ko.
"Of course not, Princess. Hindi ka namin ibibigay. Ipapakilala ka lang namin. Would that be okay? Actually they will still conduct a DNA test. Is it okay if we get a sample from you?" he said that in his convincing tone. Kaya napatango na lang ako.
"Kahit mapatunayan pa, na sila ang mga magulang ko I won't change my name for them, got it?" sabi ko sa kanila. Mabuti na ang maliwanag.
I'm old enough to decide on my own. I have enough free will. Siguro naman ako ang masusunod if gusto ko sila or hindi.
Kinunan ako ni Dad ng hair sample. Once the DNA test turns positive they will set a meeting with my biological parents. Pumayag ako once mapatunayan.
Mom and I went on shopping in the afternoon. Sobrang nag enjoy kami na nakalimutan ko ang bumabagabag sa aking isipan. We pampered ourselves after were done shopping. Nagpa whole body massage pa kami.
Gabi na ng mapagpasyahan naming umuwi na. Pero sa labas pa lang nakita ko na ang pamilyar na sasakyan na nakaparada. A familiar built is leaning on his car. It was Allen. Anu naman ang ginagawa niya rito. Pumunta pa talaga ito sa bahay.
"Oh, it's Aaron anak," sambit ni mommy. Lumingon naman sa gawi namin si Allen at dahan dahang lumapit at binati nito ang aking ina.
"Good evening po, Tita. Dadalawin ko lang si Cassie," magalang nitong paalam at tumungin sa akin.
"Good evening rin, hijo. Pasok ka sa loob kayo mag usap," aya nito kay Allen.
Pumasok kami sa bahay. Umakyat ako para magbihis muna. Akala ko ako lang ang umakyat. Naramdaman ko na lang na nakasunod pala ito sa akin.
Hindi ko ito kinibo. Narinig ko pa ang tunog ng lock sa aking kwarto, tanda na ni lock niya ito pagkapasok niya sa loob.
"Baby... please. Kausapin mo ako. I'm sorry," bulong nito at niyakap ako mula sa aking likuran.
Pilit kung tinatanggal ang mga braso niyang nakayakap sa akin. Pero mahigpit ang pagkakayapos nito at mas di hamak na malakas ito kaysa sa akin.
"Baby... please. I didn't mean to," may bahid ng lungkot at pakiusap ang boses nito.
"If you didn't mean to. Why did you lied to me? Inantay kung sabihin mo. Noong gabi pa lang sa condo. Nag antay akong marinig mula sayo kahit about lang doon sa dinner. Pero wala kang sinabi. Kasi wala kang pakialam sa nararamdaman ko," sabi ko sa kaniya habang tinuturo ko ang aking sarili gamit ang sariling hintuturo. Mas humigpit naman ang yakap nito sa akin at pinigilan ang kamay ko.
"I'm not used to this kind of feeling Allen. Ikaw ang first crush ko at first love ko. Sayo unang tumibok ang aking puso. Sayo ko naramdaman paano maging masaya kahit wala kang ginagawa. Ikaw ang una at lahat sa akin, you know that. Hindi ko alam paano magselos, pero noong marinig ko kay Dra. about sa dinner. That was the first time I felt an undescribable kind of pain brought by jealousy. It's like stabbing and shooting my heart directly. Hindi ko alam paano ihahandle kasi first time ko."
"Then I accidentally saw you having dinner with your family. I texted you hoping you will tell me a piece of information kung nasaaan ka kasi hindi ka nagparamdam mula umaga at buong maghapon. I'm not asking you to tell me kung anu ang pinag uusapan niyo. Sayo na 'yon kung sasabihin mo o hindi. Ang sa akin lang sana hindi ka nagsinungaling. Office my ass!" Tumaas na ang boses ko.
Kumawala ako sa pagkakayakap niya at bigla ng tumaas ang aking boses. Hindi ko na mapipigilan ang namumuong galit at sakit na nararamdaman ko. Then I started crying. Hindi ko na mapigilan.
"Sana if you're not serious about me, you should have told me. Huwag mo akong paglaruan kasi hindi ako marunong makipaglaru sayo. Lahat ng pinapakita ko at nararamdaman ko para sayo ay toto lang. Kasi 'yon lang ang alam ko."
"Baby, I'm sorry. The last thing I would want to do is to hurt you. Hindi naman importante sa akin ang pag uusapan namin. So, I decided not to tell you. Ayoko lang masaktan ka. Hindi ko lang matanggihan sina mommy," paliwanag nito. Napasabunot na ito sa buhok niya. Namumula na rin ang mga mata nito. He's about to cry too. Pinipigilan lang nito.
"I'm sorry. Ayoko kung makita kang umiiyak. Lalo na kung ako ang dahilan nito. I love you. I'm doing my best not to hurt you. Kasi nasasaktan din ako." Napaupo na ito sa dulo ng aking bed at nakatungo habang ang mga kamay ay nasa mukha nito.
"About sa pinag usapan namin. It's about the arrange marriage tha they set for me and Laarni. Matagal na 'yon. They decided to do it this time. Tumangge ako. Kaya nabubusy ako kasi naghahanap ako ng ibang investor na pwedeng mag invest sa hospital in behalf of them. Kasi hindi mag iinvest ang family ni Laarni sa gagawing research center kung hindi kami magpapakasal. Mga tuso ang mga magulang no'n."
" I asked some help from a friend na doctor din. Busy pa siya. I'll do everything para makaiwas sa kasal na 'yon. Kung may gusto man akong pakasalan ikaw 'yon at wala ng iba. Please, forgive me, baby." Nakatingala ito sa akin. Nakatingin deretso sa mga mata ko.
I saw in his deep blue eyes the sincerity. The regret of not telling me. Tumayo ito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang aking mukha at tinitigan.
"Ikaw lang ang mamahalin ko, magunaw man ang mundo. Ilang pagsubok man ang dumating sa buhay natin. Ikaw lang. Mawala na ang lahat sa akin basta huwag lang ikaw. I don't know what to do if that happens."
"If they asked me to describe you in my life. I would say that, you are someone I can't live without. I love you, baby. You are the most beautiful view I wanted to see everyday. I'd rather go blind if I won't see you anymore. I'd rather go deaf if I can't hear you soothing voice and I'd rather become an anosmic person if I can't smell your lavander scent anynore. You're all of me."
I thought lusting you for the first time would still be that way forever. But, I didn't expect that a lust will turn into love in a small span of time."
Nakatitig lang ako rito. Habang patuloy itong nagsasalita. Ramdam na ramdam ko ang emosyon sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Please hang on there okay? Don't let go of my hand no matter what happend. Promise, I will fight for you... for us. I love you, baby." After all that he said. He kissed me on the forehead. I felt his tears cascading down his face. He's crying.
I hugged him back, so tight that I don't wanna let him go Napaluha na rin ako.
"I promise, I love you more, hon. Now and always."