*** Kc "Mommy, are we not going inside? We've been here for that long. Are you okay now? You are crying mommy," narinig kung sabi niya. "Okay, let's go anak," aya ko sa kaniya. Pinunasan ko ang luhang nasa gilid ng aking mata. Nakasalubong namin si Caleb. Nagpapanic at puno ng pag-aalala ang boses na naririnig ko dito. "My god Kc! Akala ko ano na ang nangyari sayo. Kanina ko pa kayo hinahanap. Mag start na ang program," sabi niya. "Sorry po Tito, nabangga kasi si mommy po," paumanhin ng anak ko sa kaniya. "It's okay baby. Okay ka lang, Kc? Shall we?" aya nito at hinawakan niya ang kamay ko para ilagay sa may braso niya. Tumango ako sa kaniya. Pumasok kami sa loob. Medyo maingay na, kaya ramdam ko na marami ng tao siguro sa

