*** Kc Flashback.. "Kc anak, kain na. Makakasama sayo ang malipasan ng gutom. Kailangan mong magpalakas. Sayo na didi ang anak mo," it was Nanay Lilian. Magmula ng ako ay manganak ako ay naging malungkutin na. Minsan tinitingnan ko lang anak ko na iyak ng iyak. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. May time naman iyak ako ng iyak. Gusto kong makita si Allen. Maraming beses kung hiniling kay mommy. Pero hindi nila ako pinapagbigyan. Ayaw ni kuya Steven. Si dad naman nagdadalawang isip. Kaya mas lalo akong nalungkot at minsan nakatulala lang ako. Wala rin ganang kumain. Kaya nagwoworry na si mommy sa akin. Minsan nakikita kung umiiyak si nanay Lilian dahil naaawa siya sa akin. Minsan nagkwekwento siya about kay Allen. "Ala

