*** Kc Ilang beses nagpunta sina mama Ellain sa bahay para sunduin ako pero hindi ako sumama. Ilang beses itong nagsorry. Gusto ko ng maawa. Hindi ko nakita si Allen simula ng araw na 'yon. Hindi na rin ako pumasok sa hospital. Hindi ko alam if kakayanin ko pa. Ang mga sasabihin ng mga tao tungkol sa akin. Naiisip ko pa lang ang mga usapan nila. Magiging pulutan ako sa bawat pag-uusap ng mga tao. Ayaw kong makita ang awa sa mga mata nila. Hindi ko 'yon kailangan. Pati si papa Aaron pumunta na rin para sunduin ako. Pero hindi ako sumama. Masama pa rin ang loob ko sa kanila. Kaya bagsak ang balikat na umalis ito. "Anak, patawarin mo na ang parents mo. I think hindi naman nila sinasadya 'yon. Nasasaktan sila. Alam ko

