*** Kc Balik na naman kami ni Allen sa dati walang kibuan. Magkasama kami sa bahay pero casual lang. Hanggang halikan lang ang nangyari sa may hardin. May dumating kasi na isa sa mga kasambahay at pinatawag si Allen nina mommy. Allen stays in the house same as me. Pero nauuna itong pumasok sa hospital. Minsan nasasaktan ako sa nangyayari pero ewan ko parang namanhid na ako. Hindi ko alam kung kailan ako huling ngumiti ng totoo. Kahit sa hospital nag iba ako. Tulad na lang ngayong umaga. Nang mag rounds ako sa ward. Dati rati nakiki join ako sa mga nurses. Kwentuhan at tawanan. Pero ngayon masyado na akong naging aloof. "Oy, alam niyo ba? May bagong doctor ang MNH. Fellow palang daw. Pero pogi, may bago na nama

