You're the one that I want if that's really so wrong.
Then they don't know what the feeling is like- Chainsmokers
Jhoanne
"OMG, Valentines nanaman bukas parang kahapon lang bitter pa si Jhoanne sa Valentine ngayon may Valentine date na siya."- Asar nitong si Era nandito kami sa unit namin, tatlo lang kami nila Gette yung dalawa ewan hindi raw sila makakapunta, si Ellesse labas pasok lang ng bansa. Si Camilla naman busy sa bagong business na mga cosmetics.
"FYI, meron siyang date noong nakaraan. Dinalaw nga siya nun dito. Ano nga palang ginawa niyo noon nagmovie lang kayo?" Asar naman nitong Gette.
"Sige lang mang-asar lang kayo pag ako nakahanap ng butas makakaganti ako sa mga pang-aasar niyo saakin."
"So anong plano niyo ni Clark bukas?" mukhang excited pa itong si Era.
"Ewan, Hindi naman niya sinabi saakin. Saka mukhang busy siya kaya hinahayaan ko na lang tutal maraming beses naman na kaming lumabas. Hindi naman siguro ako mamatay bukas kung wala akong kavalentines." Walang ganang sabi ko.
"Pero kasi ito ang first valentines niyo as couple hindi ba? Kaya dapat kahit yun lang may time kayo." Depensa naman nitong si Era.
"Hindi ko pa siya sinasagot noh, Kaya hindi pa kami." Nakasimangot na sabi ko.
"What! Hindi pa kayo? I thought you already a couple. Hindi pa pala. Kailan mo naman siya sasagutin?"
"Siguro kapag alam kung sigurado na ako. Yung hindi na ako natatakot magtiwala ulit sakanya. Don't worry malapit naman na naghahanap lang ako ng time." Ang totoo nakahanap na talaga ako ng time alam ko nang deserved niya na ring marinig ang gusto kong sabihin sakanya. Ilang buwan na rin siyang nanliligaw. Nakapagtataka lang bakit hindi siya nagtatanong kung kailan ko siya sasagutin basta hinahayaan niya lang ako. Mahilig siyang mang-aasar pero hindi niya nababangit ang mga tungkol sa bagay na iyon. By tommorrow I wanted to say those words to him hindi dahil Valentine it's because that day is one of my painful day. So I'm gonna make that day to be memorable kahit hindi man kami magkita bukas I'm going to call him na lang.
"Nasayo na yan, we're only here to support you. Kami kaya ang number one fun niyong dalawa kahit noong nasa survival show pa tayo." Napangiti naman ako ng maalala ko dati. Todo ang suporta nila nun mga walang magawa lang.
"Wag niyo na nga ipapaalala saakin yan. Dahil naaalala ko lang ay mga kabaliwan ninyong apat." Nagtawanan naman sila. Kaya napasimangot na lang ako. Napatahimik naman sila ng bigla may narinig kaming nagriring na phone kaya tinignan ko agad ang phone at nakompermang ako ngayon. Calling...Steven Pangit!!
"Hello." Bagot na sabi ko
"Miss mo na ako noh?" Asar nito sa kabilang linya. Kahit kailan talaga ang lalaking ito.
"Wala ka nanamang magawa. Bakit na patawag ka?"
"Wala namiss kita. Nasa Macau ako ngayon baka bukas na ako mamakarating ng gabi diyan dahil marami kaming inaasikaso ngayon." Medyo nalungkot naman ako sa sinabi niya. Aaminin ko medyo umaasa rin akong magkikita nga kami bukas pero mukhang hindi na matutuloy. Nakakapanghinayang lang pero kung sabi ko nga kanina marami pa naman marami pang araw pwede kaming magkasama. "Pagdating ko diyan bukas magdiner tayo sa labas."
"Huwag na, ipahinga mo lang yan masyadong hassle kung magkikita pa tayo bukas. May trabaho rin ako."
"Nagtatampo ka ba?"
"Hindi ako nagtatampo, inaalala lang kita kung magkikita tayo bukas at alam kung pagod tayong dalawa wala ring mangyayari hindi rin tayo mag-eenjoy. Marami pa namang araw na pwede tayong magkita hindi ba?"
"Tama ka, pasensya na talaga medyo sumabay pa ngayon. Don't worry after ng lahat trabaho ko magdi-date tayo."
"Sira, sige na maghinga ka na. Night."
"Ikaw rin, I love you." Napakagat naman ako ng ibabang labi ko para mapigilan ang pagngiti ko. Ito pang isa mula ng niligawan niya ako parati niya na lang akong sinasabihan ng mga salitang yan. Nagkukunwari na lang akong walang naririnig akala ko nga magkocomplain siya pero ngingiti lang siya saakin.
"Sige bye. Good Night." Ako ng unang nagbaba dahil kung hindi baka marinig niya na ang tili ko,
**********************
**********************
Nalimpungatan naman ako ng biglang tumunog ang phone ko, tamad na hinanap ko sa side table dito sa kwarto ko. Tinignan ko naman kung anong oras na at kung sinong walang hiya ang tumatawag.
5: 00 am pa lang Calling...Steven Pangit!!
"Ano ba namang kailangan nito?" Natanong ko sa sarili ko. "Hello, Napatawag ka may nakalimutan kang sabihin?" inaantok na sabi ko
"Nakalimutan kong Valentines na pala. Dahil wala ako diyan babatiin na lang kita ng HAPPY VALENTINE wag kang magiging bitter sa mga couple diyan." Mukhang gising na gising ito at ako ang ginambala niya.
"Yun lang bang sasabihin mo? Wag kang mag-alala hindi ko gagawin yun sa katunayan nagpapasalamat pa ako dahil alam kung marami akong mabibintang bulaklak mamaya. Ano masaya ka na?"
"Very.. Narinig ko na rin yang sarcastic mong boses masaya na ako." Asar pa nito.
"Wala ka rin namang sasabihin kaya ibaba ko na." walang ganang sabi ko saka antok na antok pa talaga ako kaya lalong hindi ako makakausap ng matino.
"Wait lang.. Gusto pa kitang makausap."
"Mukhang ang aga mo ngayong nangbulabog ..Anong meron?"
"Maaga kasi yung meeting namin. Kaya nagpreprepare na ako para makaalis. Saka aamin ko talagang nakalimutan ko talagang Valentines ngayon. Sorry."
"Walang kaso saakin yun akala ko kung ano nang nangyari sayo."
"Pero dahil inistorbo mong tulog ko kaya galit na ako."kunwaring galit na sabi ko. OMG, Jhoanne kailan ka naging pabebe. Para naman tumaas lahat ng balahibo ko. This is not so me.
"Sorry na,, promise talaga sa ngayon I LOVE YOU muna. Bye itulog mo muna."
"Bye I love you..." Tamad na sagot ko pero bigla akong napadilat ..Sh*t anong nasabi ko? Parang nagising ang dugo ko dahil doon. Bigla ko namang pinatay ang tawag OMG! Sana hindi niya narinig pero impossible dahil biglang tumatawag na ito kaya off ko. Kaya ito ang ayaw ko kapag iniistorbo ang tulog ko kung ano anong nasasabi ko.
Dahil sa nangyari kanina hindi ko na rin naisipang matulog na uli dahil naging talaga ang dugo ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ako makapakali.
***************
"Ma'am may nagpapabigay ho sainyo." Inilapag naman ng sekretarya ko ang sinabi nito. Napakunot naman ako at tinignan kung anong ibinigay. Isang cute na panda at isang basket ng chocolate. Nagkaroon naman na ako ng idea kung kanino galing binasa ko ang maliit na note na nakalagay sa basket.
Misis, sorry if I'm not the one who gave you this personally, hope you like it. Hindi na ako nagbigay ng bulaklak dahil alam kung sawa ka na roon pero saka na lang kita bibigyan nun. Sa araw ng kasal natin HAPPY VALENTINES AGAIN. P.S I heard what you've said.. Meaning you're already my girlfriend. I'm already excited to see you.
I LOVE YOU
MISTER
Pagkatapos ko namang mabasa ang sulat nito para saakin. Para akong tanga dahil sa lapad ng ngiti ko ganito palang feeling ng kinikilig buti na lang at wala siya sa harapan ko kung hindi mahihiya ako. Siguro para akong timang na ngingiti mapang-asar pa naman yun.
*******************
*******************
"Ma'am alis na ho kami." Paalam saakin ng mga empleyado ko.
"Pasenya na kayo at nakapag-overtime tuloy tayo ng wala sa oras." Hindi rin namin inaasahan na mas maraming costomer ngayon keysa last year buti na lang at walang nag-absent na mga tauhan ko.
"Ayos lang yun Ma'am as if naman may date kami ngayon. I-date na lang namin ang sarili namin. Kayo ho baka naghihintay na rin yung date niyo uwi na rin ho kayo." Napangiti na lang ako sa mga pinagsasabi nila parang dati ganyan rin ako sa sitwasyon nila. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit minsan maraming bitter.
"Busy rin siya.. Baka bukas na lang kami magkita."
"Sabagay nagpadala na nga pala ng regalo sainyo. Pero malay niyo naman ho makahabol pa yun sa Valentines." Natawa naman ako sa sinabi nito.
"Sige na umuwi kayo. Kita na uli tayo. Ingat kayo sa pag-uwi. " Tutal nabawi naman namin ang kita ngayon kaya pinagday-off ko sila bukas.
"Kayo rin Ma'am." Tinapos ko naman na lahat ginagawa ko para naman makauwi na rin ako. Nang-alam kong medyo late na saka na ako nag-disisyon na umuwi sa bahay doon ko na lang tatapusin baka pagalitan ako ni Papa. Kanina pa kasi tumatawag nag-aalala na raw dahil wala pa ako. Chineck ko naman kung may nakalimutan pa ako at nang nacheck ko na lahat saka na pumunta sa parking lot.
Habang naglalakad parang may naramdaman akong nakasunod saakin hindi ko naman pinahalatang may nakasunod pero pinapakiramdaman ko lang. Nang makalapit ako sa kotse ko saka mabilis itong binuksan pero bago yun may biglang humila sa akin kaya bigla akong napasigaw.
"Hey, It's me. You okay?" Bigla naman akong napadilat ng marecognized ang boses nang humila saakin at pinagpapalo ito.
"Bw*s*t ka papatayin mo ako sa takot. Paano kung may sakit ako sa puso?" Hingal na sabi ko habang hindi pa rin ako tumitigil sa pag palo gamit ang bag ko.
"You look priceless, sana navideo ko pala yung reaction mo." Natatawang sabi nito kaya lalo akong nainis at nilakasan ang pagpalo. "hoy!Tama na." Pagtigil nito saakin at hinawakan ang kamay ko.
"Wag mo akong kakausapin Bw*sit ka." Saka pumunta sa kotse ko pero bago pa ako makapasok ay hinila ako nito hindi na tulad kanina na gulat ako ngayon medyo dahan-dahan lang ang pagkakahila nito.
"Wag ka munang umalis, Namiss kita. Hindi mo ba namiss ang BOYFRIEND mo." Niyakap naman niya ako habang sinasabi yun at talagang i-nemphasized talaga niya yung boyfriend.
"Hindi ka nakakatuwa alam mo ba yun." Kunwaring inis ko sakanya.
"Sorry na naexcite lang ako, pumunta ako sa bahay niyo wala ka pa roon, sabi ng daddy mo nandito ka pa kaya nagmadali ako buti na lang at naabutan pa kita rito."
"Sana tumawag ka na lang."
"Gusto kitang i-surprise."
"Pwes hindi ako nasurprise sa ginawa mo dahil natakot pa ako."
"Sorry na, Tara date tayo. Makakahabol pa tayo sa Valentines." Natawa naman ako sa sinabi niya parang kanina lang yan ang pinag-uusapan namin ng mga empleyado ko.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nito.
"Wala, hindi ka ba pagod dahil sa byahe mo?" Nag-aalalang sabi ko, alam ko kararating lang nito.
"Hindi yan, nakita na kita kaya namawala na yung pagod ko." Manghang tinginan ko naman ito.
"Ang corny mo kahit kailan."
"Psh, kinilig ka naman. Aminin mo na." Binuksan naman nito ang passenger seat ng kotse niya kaya pumasok na ako sumunod na rin itong pumasok pero bago yun may kakaiba lang akong napansin.
"Hoy,ngiti ka ngiti diyan nakakalilabot ka ha. Mukhang may hindi magandng binabalak ka." Nagdududang sabi ko pero lalo pa itong ngumiti.
"Wala lang, bawal bang maging masaya ngayong Valentine."
"Normal na araw lang ngayon. Maghunos dili ka nga diyan Steven." Creepy tuloy tignan sakanya.
"Di, gawin nating special ngayon." Makahulugan sabi nito kaya tinignan ko lang ito ng impossible. Bahala siya diyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nakalimutan ko palang itanong kung saan kami pupunta?
"Saan pala tayo pupunta?"
"Secret. Surprise nga di ba." Makahulugang sabi nito at ngumiti. Inirapan ko naman ito. Sabi ko nga hindi na sana ako nagtanong. Pero habang nakatingin ako sa labas parang nagiging familiar saakin ang daan na tinatahak namin. Para bang alam ko kung saan ito. Don't tell me.. Hanggang naging familiar na nga. Bakit? Maraming tanong na gusto kong itanong kaya nagtatakang tinignan ko si Steven.
"I know you have a lot of question on your mind but I'm going to answer that later." Bumaba naman ako kotse nito. Hindi ko alam bakit nakabukas ang mga ilaw dito alam ko hindi naman ito binubuksan lahat. Nagtataka ba kayo kung nasaan kami o meron na kayong hinala. Nandito lang naman kami kung saan ang first heartbreak ko sa eskwelahan kung saan kami nag-aral na dalawa. Hindi ko alam kung kailan ako huling nakapasok dito. Hindi naman rin ako nakakapunta ng reunion.
"Shall we?" hinawakan naman nito ang kamay ko at pinagsakop. Tahimik lang ako habang naglalakad inaalala ang mga alala ko sa eskwelahang ito. Hindi naman ako natatakot kahit gabi na at alam kong kami lang ang nandito dahil yung mga guard nasa kanilang guard house. Hanggang makaakyat na kami 3rd floor saan ba niya balak pumunta ito. Lahat ng classroom na nadaraanan namin ay nakasindi ang ilaw. Siya bang maykagagawan nito. KAting-kati na talaga akong magtanong.
"We're here." Maikling sabi naging familiar naman saakin ang kwarto kung saan kami tumigil. Dito nga. Pumasok naman kami nakita kong pinaganda ang room na ito. Nilagyan ng iba't ibang desenyo, peron rin table for two person. Inihatid na niya ako sa isa mga upuan at umupo sa kabila niyon.
"Speechless?" Tumango naman ako kung hindi ko lang naalalang nasa isang classroom kami iisipin kong nasa isang restaurant kami at kami lang ang nandito. It looks fancy. Pumalakpak naman ito ng dalawang beses kaya nagtaka ako. Nakita kung may mga pumasok na waiter at inilapag mga pagkain bigla ko namang naramdaman ako gutom ko.
"Pwedeng huminga Misis." Natatawang sabi nito dahil hindi parin ako makapaniwala at manghang-mahang ako sa paligid. Pero anong sabi niya.
"Hoy, tigil-tigilan mo nga ako diyan sa ka mimisis mo. Ang baduy noh."
"But I find it cute. Kaya wala kang magagawa kung gusto mo gayahin mo."
" ang baduy talaga kahit kailan." Komento ko ngumiti lang ito kaya naiinis ako sa kadahilanan hindi ko rin alam.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming kumakain dito dahil hindi namin matapos tapos itong kinakain namin dahil itong kasama ko kwento ng kwento ng kung anu-ano kulang na lang ay pati problema ng gobyerno maisama na rin namin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit naisipan niya dito kami magdate sa totoo kinalimutan ko na nga rin ang lugar na ito. Wala rin namang magandang nangyari rito.
"Siya nga pala bakit dito mo napiling magdate naman, aber?" Kasalukuyang kumakain kami ng dessert na favorite kung ice cream.
"It's memorable to me. Why?" Simpleng sagot nito kaya napakunot lang ako pero hindi na ako nagkomento pa. Siguro nga dahil classroom naman niya ito dati kaya siguro namiss yung mga kaklase niya? "This room, it signifies me an eye opener." Seryosong sabi nito habang kumakain hindi ito nakatingin saakin pero mararamdaman mong may ibig itong sabihin. "Dito ko narealized na nasa dulo talaga ang pagsisi." Hindi tuloy ako komportable na seryoso itong nagkoconfessed dahil nasanay akong palabiro sa anong oras para bang bumalik yung dating siya, natatakot ako kung sakali mang bumalik siya sa dati mas gusto ko yung ngayong ugali niya na masiyahin.
"Okay na, change topic na uli." Natatawang sabi ko mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapang ito kung hindi kami titigil. Nakalimutan ko na pero sana wag niya ng ipaalala dahil nag-uumpisa na uli kami ng magandang memories.
"Jhoanne, makinig ka," Hindi ko namalayang nasa harapan ko na ito at nakaluhod kaya bigla akong nataranta.
"Anong ginagawa mo?" Nagugulahang sabi ko.
"Listen, alam kong marami kang hindi naging magandang karanasang sa lugar na ito kaya gusto kong alisin yun ngayon. Gusto ko kung sakali man ulit na magpunta ka rito may magandang ala-ala kang maiisip."
"Ano bang sinasabi mo? Okay na tayo nakalimutan ko na yung nakaraan. Bakit kailangan ipaalala mo ulit? Gusto mo bang mag-away uli tayo?" Umiling naman ito ng mabilis.
"Hindi yun ang intensyon ko alam kung hangang ngayon pinipilit mong kalimutan yung masasakit na karanasan mo kahit okay na tayo, gusto kong tulungan kita sa pag-alis ng mga masasamang ala-alang yun. Your cousin told me na tumigil ka sa pag-aaral simula noong mangyari iyon dahil nabully ka. I'm really sorry alam ko ring gusto mong makapagtapos na sana sa school na ito dahil ito ang Alma matter ng Mama mo. Pero dahil doon napilitan kang tapusin yun sa ibang school." Sa hindi ko alam kadahilanan bigla nanaman naalala ko.
Noong araw na naghiwalay kami yun rin ang alis ni Steven ng bansa akala ko magiging normal lang yun. Pero hindi dahil sa popular nga siya lalo ng sa mga babae nabully ako not physically but mentally. Matatangap ko pa yung pangduduro, sabunot o ano pang physical na p*******t nila pati rin yung verbal na salitang hindi magaganda halos narinig ko sakanila ang hindi lang ako nakatiis ay noong pati pamilya ko ay idinamay na nila kaya nagdisisyon na akong umalis kahit masakit para saakin.
"I'm sorry." Sabi nito at niyakap ako pero may naramamdaman akong ikinabit sa leeg ko at nakita doon ang isang kwentas hindi lang basta kwentas pala iyon dahil may sing-sing na nakasuksok. It's a simple gold ring na parang sa mga marriage couple kaso iisa lang iyon. "You like it? I have the other one." Ipinakita naman nito ang kapareha niya nakasuot rin hindi ko napansin kanina dahil nakailalalim iyon sa suot niyang polo. May naka engrave doon na Initial letters at alam kung initial naming pareho yun.
"Para saan ito?" Kinakabahan tanong ko.
"Don't worry hindi pa yan engagement ring. Ayaw pa kitang makitang magpanic hindi ka pa handa" Natatawang sabi nito mukhang pinalalaruan ako ng lalaking ito sinamaan ko naman ito ng tingin. Pero atleast medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sakanya. "That's our wedding ring" Hindi raw engagement ring pero nauna na ang wedding ring. Matindi talaga.
"Huh! Paano ka naman nakakasigurong ikakasal tayo aber?" Paghahamon ko mukhang may plano siyang hindi ko alam.
"Sinabi ko. Hindi ka pwedeng magpakasal kahit kanino. Ang tagal kaya kitang hinintay at mahirap mangblackmail sa mga manliligaw mo. Hindi ko na pwedeng palagpasin itong pakakataon na ito." Pag-aamin nito.
"Sino bang may kasalanan?" Paninisi ko pero kahit papano natouch ako sa sinabi niya.
"Kaya nga sorry na." Pinunasan naman nito ang luha sa gilid ng pisngi ko. "Hindi ko maipapangako na hindi ka na iiyak uli pero gusto kung sakaling umiyak ka dahil saakin eh dahil yun sa tuwa. I LOVE YOU Jhoanne Kelly Cavalero."
"I LOVE YOU too Clark Steven Robertson." Ngiting sabi ko at mukhang nagulat ito pero panandalian lang unti-unti nitong inangat ang baba ko at nilapit ang labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganun lang pero ng igagalaw niya na labi niya akala ko ay lalalim pa iyon pero nagsalita lang ito habang magkalapit ang labi naming dalawa.
"Will you Merry Me." Nagulat naman ako ng bigla itong may isuksok sa palasing-singan ko. Kaya ako na mismo ang unang humiwalay sakanya.
"Pinagloloko mo ba ako?" hindi pa rin ako makapaniwalang nakatingin sa palasingsingan ko. "Nagtanong ka pero hindi mo hinintay ang sagot ko. Isinuot mo agad. bwisit ka talaga kahit kailan" Natatawang sabi ko napakamot lang ito sa ulo niya. His really unbelievable. siya ang sisira sa mga pangarap ng mga kababaihan ng magandang proposal. buti na lang mahal ko itong lalaking to.
"Para wala ka nang kawala." Niyakap naman ako nito kaya gumanti na rin ako "Kung sakali mang tinanong kita anong sagot mo?"
"Syempre Hindi." Walang sabi-sabing sagot ko. Sino ba namang babae kakasagot mo palang kanina sakanya na boyfriend kayo tapos kinagabihan sasagutin mong magpakasal na kayo. Baka hindi na rin ako magugulat kasal na ako bukas. "I wanted take this one step a time. pwede ba?"
"Buti pala isinuot ko na." Nakakalokong tumawa naman ito kaya siniko ko ito. "Joke lang I want you to keep that for the meantime. Para hindi ka magulat kapag nagpropose na talaga ako." Mukhang tama nga yung sinabi niya medyo nakakalimutan ko yung mga masasamang nangyari noon dito sa lugar na ito dahil ngayon isa na rin siyang memorable para saakin.