You're brighter, you are light into my heart
You are noise into my silence. - Marian Sean
Jhoanne
"Hindi mo na ako kailangang ihatid pa. baka masyadong makaabala na ako sayo." Tinanggal ko ang seatbelt na nakabit saakin at binuksan ang pinto ng kotse.
"Hindi ba yun naman ang dapat gawin ng isang boyfriend." Napahinto naman ako dahil sa sinabi nito.
"Alam nating pareho na hindi naman totoo yun. Ni hindi ka nga nanligaw." Inis na sabi ko at lumabas ng kotse. Asar na lalaki yun.
"Kailangan pa ba yun? Ibig sabihin kung manliligaw ako sasagutin mo na ako?" Bigla naman akong napaharap sakanya. Hindi ko alam na nakasunod pala ito saakin. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya yun he's too full to himself.
"You want a bet?" lakas loob kung sabi akala niya pahihirapan kita.
"What is it?"
"Once na narinig mo na sinabihan kita ng 3 words 8 letter that means pinapayagan na kitang maging boyfriend ko."
"Yun lang ba. Psh ang dali naman yan... Call!" Tignan lang natin kung hanggang saan ka.
"Wag kang pakakasiguro baka nakakalimutan mo. I forgive but I will never FORGET." Makahulugang sabi ko ngumiti naman ako ng nakakaloko. Ngayon masasabi kong nanalo ako dahil bigla itong natahimik sa sinabi ko. "Salamat uli sa paghatid. Mr. Robertson." Asar ko sakanya ayaw na ayaw siyang tinatawag sa apilyodo niya lalo na kung mga kaibigan lang niya na pang-asar ang magsasabi nun.
"Oh, I'm sorry Mrs. Robertson pupuntahan ko ang daddy mo or should I say daddy natin." Asar nito at naunang pumasok sa bahay namin. Bwisit na lalaki yun ako ba yung tinawag niyang MRS? Tsk what a gentleman.
"Hi! Pa." Hinagkan ko naman siya sa pisngi nakita ko namang nakaupo na itong magaling na lalaking nag-iwan saakin kanina sa labas. Psh. Paano ko siya masasagot kung ganyan ang pinapakita niya. Humanda ka saakin akala mo pahihirapan kita. Inirapan ko naman siya bago umakyat sa kwarto ko pero bago pa lang ako makaayat tinawag ako ni Papa kaya humarap ako sakanya habang hindi ko naman pinansin si Steven.
"Anak may sinabi itong si Clark ngayon lang." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Papa dahil doon. "Ipinapaalam ka niya na may pupuntahan raw kayo bukas. Ikaw ng bahala dito sa unica iha ko Clark huwag mo siyang pababayaan."
"Yes po tito. Iingatan ko po ang anak niyo." Seryoso sabi nito. Napairap naman ako dahil sa inasal niya akala mo kung sinong mabait sa harap ng magulang ko. Psh hindi niyo lang alam Pa.
"Sige. Pinagkakatiwalaan kita. Kailan ko naman kaya maririnig na Papa ang itawag mo saakin."Biglang sabi nito.
"PA!!"
"Bakit hindi ba pwede?" Asar na umakyat na ako patungo sa kwarto ko. "Bilisan mong magbihis para makakain na tayo." Pahabol pa nito.
****************
****************
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko rito, wala akong alam sa plano niya ang alam ko lang ay ipinaalam niya ako sa Papa ko.
"Sa mall." Simpleng sagot lang nito kaya naman napaharap ako. Tumingin lang ito saakin saglit at itunutok ang tingin sa daan.
"Hindi kaya..." hindi naman na ako nito pinatapos.
"Don't worry wala nang hahabol saatin. Baka nakakalimutan mong hindi na ako sikat ngayon kaya wala na sa mga tao yun." Pero kasi.. Hindi ko ba alam naninibago lang siguro ako. "Don't worry akong bahala sayo walang mangyayari masama." Assurance nito. Kaya tumango na lang ako.
"Gusto ko lang matuloy yung naudlot na date natin. Naalala mo yun? Kaso biglang nagkaroon ng emergency kaya hindi tayo nakanuod ng sine. Sayang tuloy yung binili nating ticket nun." Napangiti na rin ako dahil halos makalimutan ko na rin yung time na yun pero siya naalala pa niya. "Naalala mo nun, para tayong nasa movie noon na kailangan nating tumakas." Natatawang paalala niya.
"At yung mukha kang tanga na nagdisguise. Pero nakita ka pa rin hahahahaha" Paalala ko rin sakanya kaya napasimangot lang ito habang nagmamaneho.
"Psh, hindi ko alam yang sinasabi mo." Patay malisyang sambit nito.
"Baka gusto mong ipaalala ko sayong mukha kang traffic light nun." Asar ko sakanya.
"Oo na wag mo na ulit babangitin yun." Inis pa rin na sabi nito. Hanggang sa makapasok kami sa mall inaasar ko pa rin siya. Napangiti naman ako ng pumasok na kami sa mall. Malapit na naman ang pasko marami nang nagdidikorasyon sa loob ng mall. Napatingin naman ako kay Clark na mukhang walang pakialam sa paligid nito. Napansin ko namang marami pa ring nakakakilala sakanya sabagay kalahating taon palang simula ng maisipan niyang umalis sa banda nila. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naitatanong kung ano nga bang rason niya. Saka na lang siguro ang mahalaga naman ay nakikita ko pa naman siyang masaya kasama ng mga kaibigan niya ngayon mukhang wala nga saka nila na umalis siya. Dahil nagkikita pa naman ang mga ito.
"Pumili ka kung anong panunuorin natin." Seryosong sambit nito napatingin naman ako sa mga showing ngayon. Napasimangot naman ako ng walang horror movie yun lang naman kasi ang gusto kong mapanuod. "Oh, Alam ko yung mukhang yan, walang horror movie noh?" tinignan naman nito ang mga nakapaskil na showing. "Ito na lang RomCom." Bangit nito sa isang movie.
"Nanunuod ka ng love story?" Nagtatakang tanong ko, alam ko kasi madali siyang makornihan sa mga ganya. Nanunuod naman ako ng Romance basta unique saakin yung kwento.
"Ayus lang ikaw naman kasama ko." Errrr. Pinagsisihan ko ng sinabi ko yun mas korni pala siya.
"Ito na lang action movie mukhang maganda." Tukoy ko alam kong mahilig ang mga boys sa mga ganito.
"Psh, wag na. alam ko yang ugali mo sinabi saakin ng mga kaibigan mo madali kang mabagot pag-action ang pinapanuod niyo baka itulugan mo lang ako sa loob ng sinehan. Ito ng RomCom." Iniripan ko naman siya. Sino kayang nagkwento nun sa mga kaibigan ko, mga madadaldal talaga.
"May 20 mins pa tayong maghihintay bili muna tayo ng makakin." Ibinigay naman nito ang ticket saakin at pumunta sa isang stall ng mga pagkain at kung anu-anong binili hinayaan ko na lang tutal siya namng magbabayad.
*****************
*****************
Natapos naman kaming magdiner sa isang sikat na restaurant kaya naisipan naming maglakadlakad sa mga store na nakikita namin. Pagkatapos kasi naming manuod nagyayang kumain itong kasama ko kaya wala na akong nagawa kahit puro kain ang ginawa namin sa sinehan parang hindi ko nga naintindihan yung pinanuod ko dahil kain lang ng kain at minsan mang-aasar si Clark lalo na kung kissing scene kainis. Bigla ba namang magsasalita at sasabihnig "Sana all" tapos titingin saakin ang sarap sapakin. Nahihiya tuloy ako sa mga katabi namin. Buti na lang at madilim sa loob ng sinehan kung hindi magugulat sila na si Clark yung nagsasalita kanina na parang timang.
"Pumasok tayo saglit dito. May bibilphin lang ako"- Biglang sabi nito at hinila ako papasok sa isang baby clothe hindi ko alam kung anong gagawin niya rito.
"Good evening sir, ma'am How may help you?" sabi ng saleslady pagkapasok namin.
"Saan dito yung mga damit na pang baby miss?" Tanong naman nito.
"This way sir, ano po bang gender ng baby niyo? May mga iba't ibang klase po yun sir kung infant baby po toddler hanggang school age."
"Para magiging baby palang." Simpleng sabi nito napatingin naman saakin yung saleslady pero wala naman itong sinabi pa at itinuro kung saan.
"Here sir, Nandito po yung mga iba't ibang damit kung hindi po kayo sure kung anong damit ang pwede sa magiging baby niyo may mga unisex naman po kaming damit rito." Ngumiti lang ito na para bang may pinapahiwatig kaya napakunot na lang ako.
"You like this one?" Tanong naman nito saakin habang pumipili ng mga damit.
"Oo maganda, para kanino ba yan?"
"Gift. Para sa magiging baby ni Janine." Napatango naman nakalimutan kong malapit na rin pa lang manganak yun parang kahapon lang kasal niya ngayon manganganak na. Ang bilis nga naman ng panahon hindi mo nanamalayan.
"Really, Ano bang gender ng baby niya?"
"Girl." Pumili naman na ako. Buti at sinabi niya kumuha naman ako ng mga bottles at kung anu-ano pang kailangan ng baby. Ewan parang excited akong ibigay na itong mga pinamili ko. Medyo kaunti lang ang pila kaya madali agad kaming nakasunod.
"Ihiwalay mo yung akin diyan." Sabi ko dahil hinalo ko sa cart niya yung mga ibibigay ko rin para hindi na ako kumuha uli ng cart. Hindi naman na ito nagsalita pa at nang sumunod na kami inilagay niya na lahat sa counter ang pinamili namin. "Ako ng magbabayad ng saakin." Ibinigay ko naman ang pera sakanya.
"Keep it." Maikling sabi nito at ibinigay ang credit card niya sa casher.
"No, ito bayad ko sa mga pinamili ko."
"Itago mo na yan. Ako ng magbabayad."
"Pero, pinamili ko kasi yang mga yan."
"Hayaan niyo na po misis na ang mister niyo na po ang magbayad." Ngiti naman ng casher kaya napangiwi naman ako sa sinabi niya at mukhang naaliw itong mokong na ito sa sinabi ng casher.
"Pagpasenyahan niyo na po itong Misis ko dala lang ng pagbubuntis kaya ganyan." Nilakihan ko naman ito ng mata pero para bang wala lang ito sa kanya. Ngumiti lang ang casher pagkatapos niya ipunch lahat ng pinamili namin. "Tara na Misis." Kinuha naman nito ang mga dala kukunin ko sana yung ibang bitbit niya pero inilayo nito sa akin at kinuha ang kamay ko saka na kami umalis. Paglabas naman namin sa mall bintukan ko naman ito ng malakas.
"What was that for." Siya pang may ganang maiinis ah.
"Para yan sa mga pinagsasabi mo nang walang kwentang bagay kanina."
"Psh kunwari ka pa gusto mo rin naman. Hayaan mo darating rin tayo diyan. Aminin mo na kasing mahal mo ako kasi ako aaminin kong mahal kita." Walang pagdududang sabi nito.
"Bawas bawasan mo ang pagiging mahangin mo Clark baka matanagay ka." Pagkasabi ko nun ay dumeresto na ako sa kotse nito hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako nito dahil may kamay naman ako. Hanggang sa makauwi kami sa bahay kulit pa rin ito ng kulit saakin.
"Dito na ako." Paalam ko sakanya buti naman at tumigil na rin itong mang-asar. Binuksan ko naman ang pinto ng kotse at bumaba.
"Jhoanne, Here." Iniabot naman nito ang mga pinamili namin para sa baby ni Janine.
"Hindi mo ba kukunin yung sayo?"
"Ibalutan mo na rin yung saakin.. Ibibigay natin yan sa kanya bukas. Goodnight." Sabi lang nito at bumalik sa sasakyan niya. Pero bago pa ito makaalis tinawag ko ulit ito kaya binaba nito ang windshield ng sasakyan niya.
"Ano yun? May nakalimutan ka?" Nagtatakang tanong nito.
"Nakalimutang kong sabihing Thank you for this day. Ingat sa pag drive." Paalam ko, hindi ko alam pero parang iba nakita ko sa mukha niya kanina parang may ibang siyang inaasahang sasabihin ko. Baka guni-guni ko lang.