I wanna feel your skin, your lips so close to me. I wanna go back when I called you mine.- Six-part Invention
Jhoanne
Nagising ako na humihilab ang tiyan ko kaya napatakbo agad ako sa malapit na banyo. Inilabas ko naman lahat ng kinain ko hanggang sa maramdaman kong nakakarecover na ako. Maya-maya pa'y may naramdaman akong humahalos ng likod ko kaya napatingin ako sa salamin ng lababo. Nakita ko si Clark na mukhang nag-aalala.
"Ayos ka na?" Mababang sabi lang nito. Nakatingin pa rin ako sa salamin. Iniisip ang nangyari. Naghugas naman na ako ng kamay ko bago umalis alam kung nakasunod ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Ang huli ko natatandaan naglalaro kami kagabi tapos tinanong niya ako at sinagot ko. Tapos...Nanlaki naman ang mata ko ng maalala ko kung anong ginawa niya. Ang huli noon wala na akong matandaan. "Nasaan si Ellesse? Bakit ikaw ang kasama ko sa kwarto?"
"pwede bang mamaya na ako mapapaliwanag. Matulog muna tayo It's only 2:30 in the morning." Oo nga madilim pa pala.
"Anong akala mo matutulog ako ng katabi kita!" Galit na sabi ko.
"Can you lessen your voice.. Baka magising ang mga tao rito akala nila nag-aaway tayo." Mahinahon na sabi nito. "And to tell you natulog tayo a few hours ago na magkatabi. So it's not a big deal. And I'm the one who took care of you"
"Pwes, Ngayong nasa katinuan na ako makakaalis ka na. kaya ko nang sarili ko."
"Come on don't be hard-headed, Mamaya na tayo mag-usap, lahat ng meron tayo."
"Fine, doon ka sa sofa sa kama ako."
"What! Pati ba naman kama ipagkakait mo saakin."
"Anong gusto mo sa sofa ako? Okay." Lumapit naman na ako sa sofa at kumuha ng unan at kumot.
"Ako na diyan, Sa kama ka na." Masungit na sabi nito kaya napangiti na lang ako. Panalo pa rin ako "Buti na lang mahal kita." May ibinulong ito sa sarili niya pero narinig ko naman. Hindi ko na lang pinansin baka makahalata.
**************
**************
"Wala ka bang trabaho ngayon?" Inis na sabi ko, nandito kami sa office ko dito sa flower shop at buong araw ng nakatambay si Steven dito although dala niya yung laptop niya ang kung anu-anong ginagawa mukha ring busy pero hindi siya umaalis sa pwesto niya. Ilang beses ko na siyang tinanong kung anong ginagawa niya rito pero mukhang walang naririnig.
"I'm working." Maikling sabi lang nito. Sa totoo lang hindi ako sanay na ganito ito ewan ko ba hindi ko maexplain. Pagkatapos ng pag-amin ko sakanya para bang ayaw niya ako mawala sa paningin niya or assuming lang ako.
"What I mean, hindi ka ba pupunta sa OFFICE niyo?" Naiinis na talaga ako wala siya kwentang kausap.
"Don't worry hindi pa naman nababawasan ang kayamanan ko sa kompanya." Pilosopo nito. Hindi pa rin ito nakatingin saakin dahil mukhang busy sa ginagawa niya.
"Bakit hindi mo na lang kasi gawin yan sa kompanya MO at nang hindi ka nahihirapan na nakaupo diyan?" Hindi rin tuloy ako maka consintrate sa ginagawa ko dahil mukhang hindi siya sanay sa pwesto niya.
"Nah. Komportable ako dito. Don't mind me, just do your work." Psh wala talaga akong mapapala sa kanya kaya bago pa ako mainis sakanya nagpasya na akong lumabas para tignan ang shop ko.
****************
****************
"Hindi ka ba naduduling diyan sa ginagawa mo?" Tanong ko rito ilang oras na kasi itong nakababad sa laptop. Minsan mapapansin ko titigil lang ng ilang minuto tapos tuloy uli. Nilapitan ko na ito para makita ko kung anong ginagawa nito pero wala pa rin akong naintindihan sa mga ginagawa niya maraming nakabukas na files at bilis lang na pagtitipa ang sadyang naiintindihan ko. Paano kaya nito napagsasabay ang mga trabaho niya at ang pagbabanda niya dati? Masasabi kong malaki na nga talaga ang pinagbago niya dati.
"Halika, upo ka rito." Umayos naman ito ng upo kaya tumabi na ako sakanya. "Nagugutom ka ba ulit?" sabi nito habang nakatutuk pa rin sa ginagawa niya. Mukhang busy talaga siya pero bakit nga dito pa niya naiisipang magtrabaho. Ayaw ko ng tanungin for sure wala nanaman akong makukuhang matinong sagot.
"Hindi naman, kakain lang natin. Baka ikaw ang gutom uli?" Napakunot naman ang noo ko ng makita ko sa files na ginagawa niya ang kompanya ng Papa ko. "Matagal na kayong magkasusyo ng Papa ko?"
"Oo, Ako ang pumapangalawang malaking share sa kompanya niyo. Pero simula ng maaccidente ang Papa mo halos ako ng tumutulong sakanya."
"Bakit hindi niya sinabi saakin yan?"
"Dahil ayaw ka na niyang mag-alala. Balak na nga niya ibigay ang kalahati ng shares niya saakin." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"At tinanggap mo?"
"Hindi ako ganung klaseng tao, alam kong pinaghirapan niya yun. Pero ayaw rin naman niyang ibenta saakin kaya hindi ko alam kung anong balak niya"
"Satingin ko deserve mo rin naman yung binibigay niya. Dahil tinutulungan mo siya saka hindi naman ibibigay ni Papa basta-basta ang isang bagay kung hindi mo deserve makuha yun." Napatingin naman ito ng pagkamangha saakin. Waring may iba pang ibig sabihin yung sinabi ko.
"So gusto mong kunin ko na nang ganun-ganun lang?"
"Nasa sayo ang disisyon, alam ko namang hindi mo gagamitin sa mali yung ibinigay sayo hindi ba?"
"Sabagay tama ka, pero saka na lang kapag maayos na lahat."- makahulugang sabi nito at itinuloy ang ginagawa. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Maya-maya kumatok ang secretary ko sinabi nito may naghahanap saakin. Tinignan naman ako ni Clark ng nagtataka.
"Dito ka muna, baka isa sa mga costumer."
"Psh, costumer kailangan ipatawag ka. Masyado naman atang VIP yan." Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito kanina okay naman itong kausap ngayon ewan ko ba.
"Hayaan mo na, babalik rin naman ako."
"5 mins." Inirapan ko naman ito kala mo naman kung ganun lang kadaling makipag-usap. Lumabas naman ako at tinanong ang secretarya ko itinuro naman nito na nasa waiting area. Lalaki, yun agad ang napansin ko. Nakasuit ito na black mukhang importanteng tao nga dahil naka formal.
"Good afternoon sir, you're looking for me?" humarap naman ito at ngumiti kaya napatanga lang ako. Akala ko na kung sino.
"You're too formal, Jhoanne."
"Anong ginagawa mo rito Seth?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Paano mo nalamang dito ako nagtratrabaho?"
"I told you I have a lot of information." Natatawang sabi nito. "Surprise?"
"Oo, sana nagsabi ka na lang napupunta rito. Please sit down."
"Nah, baka mag alibi ka uli."
"Actually gusto ko sanang sabihing..." Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil may nagsalita sa likuran namin.
"Sinasabi ko na nga ba."
"Hey man, you're also here."
"Anong ginagawa mo rito?" Clark, naseryosong nakatingin kay Seth mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko.
"I'm visiting her, mukhang busy masyado kaya ako ng bumisita sakanya.. Ikaw? Bakit nandito ka? Dito ka na rin ba nagtratrabaho? Driver ka ba dito or Delivery boy?" medyo nainis naman ako sa pagkakasabi ni Seth nun. Hindi ko ba alam. Sa pananamit ba naman kasi ni Clark rin na naka t-shirt at pants lang pero kahit ganun mukha pa rin itong model.
"Actually I'm her BOYFRIEND." Maangas nitong sabi kaya nagulat naman ako.
"Is that true... Jhoanne?" Mukhang hindi rin makapaniwalang sabi nito. Kahit ako rin ano bang pumasok sa isip nitong Clark na ito. Naghahanap rin ng g**o. Ano? Sasabihin ko ba yung totoo?
"Ahm.. Ano kasi.." Tumingin muna ako kay Clark pero tahimik lang ito mukhang hindi niya rin inaasahan yung sinabi niya "Actually yun rin sana yung gusto kong sabihin sayo. Na may boyfriend na ako?" mukhang hindi ka pa sigurado doon Jhoanne. Buti na lang at mukhang hindi nito napansin yung patanong na pagkakasabi ko.
"I see mukhang nahuli na ako." Mababang sabi lang nito.
"I'm sorry." Humarap naman ako kay Clark "Pwede bang iwan mo muna kami para mag-usap." Pero tinignan ko ito ng humanda ka mamaya pagnatapos akong makipag-usap sakanya. Pero ang loko ngumisi lang ito bago umalis aba mukhang naghahamon pa.
"Seth, I'm really sorry." Hingi ko uli na tawad kahit hindi ko alam kung bakit nga ako humihingi sa kanya ng tawad.
"Am I really that too late?" Hindi naman ako umimik dahil hindi ko rin ako alam kung anong isasagot ko. "Hey, don't be too upset alam ko namang hindi mo kasalanan. Ako ang may kasalanan nakalimutan kong magandang dalaga ka at hindi malabong maraming pwedeng manligaw sayo. Nagulat lang ako na si Clark pa pala, His a lucky man." Tumahimik naman ito mukhang nag-iisip pa ng sasabihin nito.
"I hope we could still be friends, right?" Pag-alok ko. Kung hindi ko rin talaga mahal si Clark baka pinayagan ko na siyang manligaw rin kahit wala pa siyang sinasabi. Malandi lang noh.
"Of course, basta kung sakali mang nagbreak kayo tawagan mo agad ako." Seryosong sabi nito "Just kidding gusto lang kitang mapatawa." Natawa na lang rin ako sa sinabi niya. Kung alam mo lang.
"Paano ba yan mukhang hindi nanaman kita mayayang magdinner kasama ko. Mukhang mahigpit ang bodyguard mo. See you next time." Tumayo naman na ito pero akala kong aalis na ito bigla niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi kaya nagulat pero bago yun may ibinulong pa ito. " I know when you said that he is your boyfriend your lying but I let him for now 'cause I know you really love him. Para rin sa pang-aasar nito kanina saakin." Pagkatapos nun ay kumindat ito saakin at ngumiti bago tuluyang umalis ako naman ay nakatanga pa rin habang nakatayo.
"You really let him do that." Rinig kong sabi ni Clark nasa likuran ko siya pero alam kung mukhang naiinis ito sa ginawa ni Seth ibig sabihin nakita niya.
"Hindi ko inaasahang gagawin niya yun." Depensa ko.
"Psh, mukhang gustong-gusto mo nga. Tignan mo namumula ka pa." inis na sabi nito. Siya rin naman pulang-pula dahil ba sa inis.
"Teka nga, bakit parang ako may malaking kasalanan dito. Baka nakakalimutan mo kung anong sinabi mo sakanya kanina."
"Bakit sumang-ayon ka rin naman."
"Nakisama lang ako sa kalokohan mo. Para magtigil na siya."
"O di kasalanan mo rin pala." Inirapan ko na lang ito. Dahil bumalik nanaman siya sa walang sense kausap.