Chapter 1
" Kung hindi man lang din kita mapapakinabangan mas mabuti pa, lumayas ka na sa pamamahay ko." galit na saad ni daddy.
" Dad! Please huwag naman po." pag mamakaawa ko.
" Bigyan mo ako ng isang mabigat na dahilan Gerard kung bakit bibitawan mo na ang ating kumpanya.?" ma autoridad na tanong ni daddy.
" Daddy hindi po ako masaya doon at isa pa gusto ko magkaroon ng sarili kung negosyo dad." wika ko.
" Ikaw lang ang inaasahan namin ng mommy mo na mamamahala ng ating negosyo, Gerard ang babata pa ng mga kapatid mo." Saad niya.
" Pero daddy hindi po ako masaya, bigyan niyo po ako ng break dad, gusto ko makapag isip ng maayos." saad ko.
" Ahhh ganoon pala ang gusto mo? break ba kamo? Yaya Meding ibaba lahat ng gamit ni Gerard." galit na wika ni daddy.
" Dad hindi po sa ganitong paraan, dad please! wag niyo po gawin ito sa akin.!" wika ko, halos lumuhod na ako sa harapan ng aking ama, kulang na lang halikan ko na ang kanyang mga sapatos upang huwag niya ituloy ang kanyang mga balak na paaalisin na ako sa mansiyon.
" Sir. He heto na po! wika ni yaya Meding.
" ohh diba ito ang gusto mo ang makapag isip- isip. Lumayas ka na Gerard, at wag kang bumalik hanggat hindi buo ang iyong isipan na hahawakan ang kumpanya." Pasigaw na wika ni daddy.
"Sige daddy, aalis ako, pero pag balik ko patutunayan ko sa inyo na hindi ako ganoon sa iniisip mo." wika ko.
" Layas wag ka nang madaming salita." Wika niya naman na halos maputulan na ng ugat sa leeg.
" Honey, Please! huminahon ko." wika ni mommy habang pinapatahan ang galit ni daddy.
" Mom!" sambit ko.
"Gerard, anak sige na umalis ka na muna, baka mapaano pa ang daddy mo anak.!" wika ni mommy na may pag aalala.
Umalis ako ng mansiyon, ayaw ko naman talagang mangyari iyon kaso hindi maganda ang tagpo namin kanina. dumiretso na muna ako sa condo na niregalo ni daddy sa akin, doon nalang muna ako mananatili habang hindi pa maganda ang aming tagpo ni daddy.
Ngunit pag dating ko doon, hinarang ako ng isa sa mga guardiya, sapagkat tumawag daw ang daddy, kani kanina lang at pinaban na ako sa aking condo, sa tapat ng condo may malapit na atm machine, mag wiwithdraw sana ako ng pera sapagkat wala ng laman lahat ng bank accounts na binigay nila sa akin nag close na lahat. Wala na ako ni sentimo ngayon na hawak nag iisang sasakyan lamang kukunin ko na sana ngunit pinahold ito ni daddy. Walang wala ako sa mga oras na ito, mas mahirap pa ako sa daga ngayon.
Wala akong pag pipilian kundi tumawag sa aking mga kaibigan upang mag pasundo sa condo, dahil wala naman talaga akong pera na dala, ang kaisa isang kotse na dala ko kanina pinahold na ni daddy at hawak na ngayon ng mga guwardiya ang susi. Si Wendel ang aking tinawagan dahil mas malapit lang siya sa aking lokasyon, ilang sandali lang wala pang biyente minutos dumating na si Wendel nagulat pa nga siya kung bakit may mga bitbit akong maleta.
" Heyy sis! anong nangyari at biglaan naman ata, ano iyan mag aabroad ka ba?" wika niya na may pang iinis.
" Wag dito sis, pwede ba sa condo mo na muna ako makikituloy." wika ko.
" Ayy sis bongga! bakit ano bang nangyayari?" tanong niya.
" Sa condo na tayo mag usap sis, sa condo mo na ako mag paliwanag."
Tumango na lamang si Wendel, saglit lamang ang biyahe, sapagkat malapit lamang ang lokasyon ni Wendel sa aking condo. Doon ko na pinaliwanag kay sis Wendel ang lahat.
" Hay naku sis. Anong balak mo ngayon?" may pag aalalang wika niya.
" Hummmmmm hindi ko pa alam sis!" malungkot na wika ko.
Tumayo si sis Wendel at pumasok siya sa silid na kanyang inuukopang kondo dalawa ang silid nitong condo niya, kaya pinatira muna niya ako dito at dito daw muna ako hangang sa makabawi ako, palabas na si sis Wendel sa kanyang silid at papunta na siya sa aking direksiyon.
" Ohh! ito!" may mga inabot siya sa akin na mga bank book at atm card,.
"Ano ito sis?" Tanong ko sa kanya.
" Remember iyong nag ipon tayong mag kakaibigan noong kolehiyo pa lang tayo? at iyang isa pang bank book ng may atm din, mga pinahawak mong pera sa akin mga allowances mo." wika ni Wendel.
" Hummm naku sis wag mo nang asahan iyan, mag kano lamang iyan." saad ko sa kanya.
" Bakit hindi mo tingnan kung magkano iyang ipinatabi mo sa akin. sambit ni Wndel.
" Inabot ko ito at dahan dahan tiningnan ang laman nito, ganoon na lamang ang aking pagkamangha, dahil hindi ko akalain na umabot ng ganoon kalaki ang naipatabi ka kaibigan ko na pera..
"sis b bbbakit ganito naman lalaki ito? tanong ko sa kanya.
"Simula Elementary pa lang tayo at noong nag highschool tayo, nag pa open account ka na sa akin, kasi sabi mo wala nang mapaglagyan ang mga barya mo. Di ba sis kahit barya barya lang yan pag naipon ganoon kalaki ang kalalabasan. Hindi ko ginalaw iyan dahil alam ko magagamirt mo pag dating ng panahon at ito na nga ang panahon na yon.
" Napaisip ako at napatunganga nalang sa aking kaibigan, tunay nga na siya ay tunay na siya' mapag katiwalaang kaibigan. saad ko saking isipan.
Sinunod ko ang sinabi sa akin ni sis Wendel, subrang nagulat ako sa aking nakita.
"Is this real? Napanganga kung wika.
" Yes! anytime pwede mong withdrawhin iyan." nakangiting wika niya.
"I can't believe I saved this kind of amount." Wika ko naman..
Ganoon din ang bank account namin ng mag babarkada, mas mataas nga lang ng kaunti ang aking naipon, since elementary, noong elementary pa lamang ako, hindi talaga ako ganoon ka gastador, si daddy binibigyan niya si yaya ng 1500 para sa allowance namin araw araw po iyan, kahit sabado at linggo, si yaya naman binibigay sa akin at dahil wala naman akong pagagastosan, kasi may baon naman na inihanda ang mommy, kaya naisipan ko na ipatago ito kay Sis Wendel, si Wendel ay childhood friend ko, mag kakapit bahay kami ngunit noong nag migrate ang mga magulang niya sa Canada hindi siya sumama nag paiwan lamang siya dito sa Pilipinas. Noong Nag highschool naman ako, may isang daan libong allowance ako kada buwan, dahil mas gusto ko mag baon ng luto ni mommy, kaya hindi ko nagagastos ang pera na iyon, kinukuha ko iyon sa account ko ng buong buo at ipinatago ko iyon kay Wendel. Noong una balewala lang sa akin iyon, kung totuosin mas malaki ang savings account ko kay daddy, milyones ang pumapasok doon kada buwan, ngunit pina hold niya ito sa banko.
Wala na ako ngayong pag pipilian kundi ang gamitin itong akong naipon.
Isang buwan na ang nakalipas simula noong pinalayas ako ng daddy sa mansiyon, si mommy naman panay ang tawag sa akin, pero sinisigurado ko naman kay mommy na nasa maayos akong kalagayan para hindi siya mag aalala sa akin, napaka hands on kasi ng mommy ko ramdam ko ang pag aalala niya sa akin.
Noong nakaraang linggo, nag usap usap kaming mag kakabarkada, may nabuo kaming planu tungkol sa negosyo na matagal na naming pinaplano, sa susunod na buwan pasukin namin ang modeling business sapat na ang pera namin upang mag invest sa isang clothing brand at dahil sikat ito, kailangan namin mag sanib pwersa sa aming plano.
Walo kaming mag kakaibigan at lahat kami binabae, yes! lahat bakla mag ka sis, ito ang gusto namin na negosyo, since college. Sa negosyong ito kailangan namin ng mga modelo. Mayroon kaming target na modelo at iyon ay mga walang karanasan ngunit modelo ang tindig, hindi kami titingin sa hitsura, basta maganda ang katawan at maganda ang tindig.
Nag iikot ikot kami sa lansangan ni sis Wendel, Vince at Dave, sila lang kasi ang available iyong iba naming kaibigan nasa probinsiya iyong dalawa nasa ibang bansa, family business nila.
Habang nasa kahabaan kami ng isang highway sa Maynila may nakita kaming isang napakagandang babae at may bitbit itong sako, parang namamasura.
" sa tantiya ko nasa dose anyos pa lamang siya, ngunit iba ang tangkad niya." wika ko.
Huminto kami upang kunin ang information niya siya si Barbie, at tinanong din namin siya kung gusto niya mag modelo, noong una nahihiya siya ngunit kalaunan dinala niya kami kung saan siya nakatira upang hingiin ang opinyon ng nanaya niya, dahil minor de edad pa lamang siya, kailangan namin humingi ng pahintulot sa kanyang mga magulang, binigyan namin sila ng aming address sa shop nangako ang kanyang mga magulang na ihahatid nila doon sa address na aming ibinigay ang kanilang anak bukas na bukas din at dito na nga nag uumpisa ang lahat.
Si Barbie ang kauna- unahang modelo ng aming maliit na clothing company, noong una pumatok ito sa karamihan nag daan ang halos tatlong taon si Barbie ang nangunguna sa aming kumpanya, at nakapag recruit na rin kami ng dagdag na apat pa na modelo, ngunit we all want's more.. kaya tuloy tuloy ang pag hahanap namin ng mga bagong modelo, hangang sa umabot ng ng sampu(10) ang aming naging modelo, maganda ang takbo ng aming negosyo, ngunit gusto pa namin ito palaguin, kung kaya't tuloy tuloy ang pag hahanap namin ng modelo kahit saan man sulok ng Pilipinas.
Hanggang sa isang araw habang kami ay kumakain, may napansin kami na isang babae, malungkot at sa tantiya ko nasa 21 anyos lamang ito, napakaganda ng hubog ng pangangatawan niya, hindi siya kagandahan ngunit sa layunin ng aming negosyo ganda ng katawan ang aming hinahanap hindi ang ganda ng mukha.