CHAPTER 52: GUARDING THE TOWN Rhys's POV "Kahit ako lang ang nandito, kaya na kitang patumbahin," ani Zion. Sa totoo lang, nag-aalala ako sa puwedeng mangyari. Tama ngang napatumba na niya ang mga sumugod kanina at itong limang lalaki na lang ang natitirang tauhan ni Safara, pero hindi sila birong kalaban dahil may mga insigne sila. Kahit pa ang dalawa sa kanila ay may hawak na bihag, lugi pa rin ang tatlo sa isa tapos pagod pa ito. Gusto ko nang lumabas, gusto kong tulungan si Zion sa laban. Pero hindi pa puwede hanggang hindi ko nakikita ang lahat ng balak ng babaeng wayim na 'to. "Sigurado ka ba riyan? Baka hindi mo nakikita, bihag na namin ang dalawa sa kasama mo tapos wala pa ang iyong mahal na haie para tulungan ka sa laban. Paano ka naman mananalo?" ani Safara. Sinubukan kong

