CHAPTER 51: FINDING THE CULPRIT Rhys's POV Patuloy na nagsalita ang lalaki, "Wala kaming kamalay-malay sa nangyari. Palihim kaming inatake, sinunog nila ang mga bahay namin. Dahin sa nangyari, maraming napahamak at namatay." "Ang Sumor, nasaan?" tanong ulit ni Zion. "Dinakip siya ng mga lalaking 'yon. Ang sabi nila, kung gusto raw naming mabawi ng buhay ang Sumor... ibalik n'yo sa kanila ang anak ng kanilang Sumor." "Pero wala naman sa akin ang wayim na babaeng 'yon! Alam n'yo naman na iniwan namin siya rito kahapon at ipinaliwanag namin ang nangyari. Bakit—" Napatakip na lang ako ng bibig, hindi ko na maituloy ang sasabihin ko. Alam ko namang wala na rin 'yong saysay. Set-up na naman niya ang lahat, halata naman na gusto niya lang talaga magalit sa akin ang mga tao rito. Gusto niya

