CHAPTER 50: RUSH Rhys's POV Hindi ko masyadong kilala si Zion, kaunting bagay lang ang alam ko tungkol sa kanya. Kagaya na lang na gusto niya palaging nang-aasar, tipong hindi siya titigil hangga't hindi ka napapaiyak o hindi umuusok ang ilong mo sa galit. Naalala ko na palagi ko siyang inaambahan ng apoy kapag pikon na pikon na 'ko sa pinagsasabi niya. Tapos ilang beses na ring nangyari na hindi ko siya kinausap dahil pikon na ako sa kanya. Tapos nu'ng makilala namin sina Cecily at Cush, natutunan na rin niya asarin si Cecily. Minsan na niya itong napaiyak dahil sa sobrang asar sa kanya tapos sa sobrang guilty niya n'on hindi niya muna ito kinausap o nilapitan. May pagkakataon din na kasama niya ako sa pang-aasar sa kanya, kaya kapag gan'on mas doble ang saya kasi nahihiya si Cecily na

