CHAPTER 49: INFORMATION Rhys's POV Mula sa pagsulpot ni Safara sa harapan namin, alam ko nang gulo ang susunod na mangyayari. Ilang beses kong pinaalalahanan ang mga kasama ko na hindi sila dapat magtiwala sa babaeng 'yon. Ilang beses kong sinabi na magaling lang gumawa ng kwento ang wayim na 'yon at paiikutin lang niya ang mga ulo nila. Walang nakinig sa akin. Walang naniwala sa akin. Sa ilang beses na nanganib ang buhay ko, sa ilang beses na pinagtangkaan akong patayin, sa ilang beses na ipinaglaban ko ang sarili ko para mabuhay... sa unang pagkakataon, ngayon lang ako natakot ng ganito. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na makikita mo ang kaibigan mo na umiiyak sa harapan mo dahil sa takot niya sa posibleng mangyari sa inyong dalawa. Hindi ako natatakot para sa sarili ko

