CHAPTER 42: TRAINING Rhys's POV "Haie, sinabi ko na—" Itinaas ko ang kaliwang kamay ko para pigilan siya sa nakakasawang paalala niya. "Relax, hindi ako sasali sa ginagawa ninyong ensayo. Hindi naman ako tanga para saktan ulit ang sarili ko. Sabi mo nga, hindi pa 'ko magaling." "Kung gan'on, anong ginagawa n'yo rito?" Sinamaan ko ng tingin si Zion, kailan kaya siya titigil sa pag-arte na parang tatay ko? "Gusto ko lang magbigay ng suhestiyon. Aminin mo na lang kasi na hirap kayong ipaliwanag sa kanila ano ang unang dapat gawin." Napabuntong hininga siya, alam niya naman na hindi siya mananalo sa akin pagdating sa ganitong bagay. Lumapit ako kay Cush at sumunod naman sa akin si Zion. Naabutan ko siyang nag-aayos ng espadang kahoy. "Ipunin mo ang mga tao, ako ang magtu-turo sa kanila.

