CHAPTER 43: LABAN NINA ZION AT CUSH Rhys's POV Hindi nawawala sa labi ko ang ngiti, dahil sa wakas... makikita ko na kung paano lumaban si Zion at kung paano niya tatalunin si Cush. Alam kong siya ang nanalo sa Tournament of Flames pero ramdam ko na mas malakas talaga ang kasama ko kaysa sa kanya! Sa kabila ng excitement at tiwala na mananalo si Zion, hindi ko alam bakit ako kinakabahan... alam ko kasi ang kapasidad ng lakas ni Cush, tiyak na gagamitin din niya ang pagiging halimaw niya sa pakikipaglaban. Lahat ng tao ay nasa palibot ng Training Ground, habang ang dalawa ay nasa gitna. Naghihintay na lang kami na magsimula sila. Malayo sila sa pwesto ko at maingay pa ang paligid dahil madaming tao, maugong ang kwentuhan nila. Nakikita kong nag-uusap ang dalawa pero hindi ko naman ito

