CHAPTER 70: SHIOBAN Rhys's POV Nakatingin siya sa akin habang may tipid na ngiti sa labi, nasa likod ang dalawa niyang kamay. Nakasuot siya ng isang puting damit na bumagay sa kulay ng balat niya, para siyang yelo na nagkatawang tao dahil sa sobrang puti. Malago at diretso ang buhok niya, matangos ang ilong, at pareho kami ng hugis ng mukha na hindi gaanong bilugan. Pareho rin kami ng hugis ng mata, at sa tingin ko ay pareho rin kami na mahaba ang pilik-mata. Ang sabi nila, ang Reha raw ang kamukha ko... at kamukha ng Sivenis ang Quina. Pero 'yung lalaking kaharap ko ngayon, para siyang isang perpektong replika ko. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko talaga ang mukha ko sa kanya. "Haie!" Agad na bumalik sa realidad ng isip ko nang biglang lumuhod ang katabi ko. Totoo nga, siya ang Si

