CHAPTER 18: INSECT BITE Rhys's POV Maaga kaming umalis ni Zion papunta sa susunod na viyon, kagaya ng nagpakasunduan namin ay ito na ang huling beses na magbebenta ako ng mga ginawa kong halamang gamot. Iginayak ko ang mga pangbenta kagabi pa at nagbukod ako ng ilan na maaring magamit namin sa panahon ng pangangailangan. "Haie, paano ka pala nag-aalok ng gamot sa mga binebentahan mo?" Umaandar na ang karwahe, tahimik lang ako sa loob. Pero kapag tumatagal na ang katahimikan, binabasag ito ni Zion. "Bakit mo ba tinatanong? Magbebenta ka rin ba?" tanong ko habang nakakunot ang noo at nakatanaw sa pwesto niya sa harap. "Hindi. Naisipan ko lang itanong kasi naalala ko 'yung kwento mo na minsan ayaw nila bumili. Baka kasi masungit ka magbenta." Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. "Sinas

