CHAPTER 40: THE PRINCESS OF IGAPIRE Rhys's POV Natapos ang araw namin sa paglilibot sa paligid, sinilip namin ang mga sira para mapag-usapan paano ang gagawing pag-aayos sa mga ito. Madilim na nang bumalik kami sa bahay. Naabutan naming gising na si Cush, mabuti na lang at maayos na siya. Humingi kaagad siya ng tawad na hindi siya nakatulong sa huling bahagi ng laban. Tapos kinuwento na lang sa kanya ni Cecily ang nangyari habang kumakain kami ng hapunan. Tinanong ko rin kay Cecily kung paano ang trabaho niya rito sa viyon kapag sumama siya sa amin, sabi niya hindi naman siya empleyado sa Inn na 'yon dahil sa kanila 'yon mismo. Kaya tiyak na maiintindihan daw ng pamilya niya kapag sumama na siya sa amin. Habang si Cush naman ay mag-isa na sa buhay kaya wala siyang aalalahanin na maiiwa

