CHAPTER 39: PAKIKIPAGLABAN PARA SA BAYAN Rhys's POV Hindi pa rin nauubos ang mga alagad ni Oscar, pakiramdam ko nagtawag pa sila ng marami. Patay na siya pero ayaw pa rin kami tantanan ng mga 'to, may iba pa ba silang sinusunod na utos? Kung meron man, sino? Nandito rin ba siya? Malapit nang mag-dapit hapon pero hanggang ngayon nandito pa rin kami sa laban. At sa totoo lang, pagod na pagod na 'ko. Tumingin ako sa mga kasama ko, maging sila ay pagod na rin. Wala pa kaming kain at pahinga mula kanina. Paano ba natatagalan ng mga nagpupunta sa giyera ang ganito? "Hindi ko na kaya..." Sinalo ko si Cecily nang bigla na lang siyang mapa-upo dahil sa sobrang pagod. Ako rin... hindi ko na rin kaya. Pero ayokong maging pabigat, kailangan kong lumaban. Kailangan nang matapos ang laban na ito,

