CHAPTER 84: BENZELIUS Hinayaan ni Shioban na dakipin nina Zion at Cush ang kaibigan niyang si Izrael. Kahit masakit para sa kanya, ito ang alam niyang ito ang nararapat para sa kaibgan niya. Sumunod sina Cecily, Gieve, at Isha sa paglalakad. Alam nilang madami pa silang dapat asikasuhin sa viyon. Pinanood ni Shioban na maglakad si Izrael palayo sa kanya. Puno ng pagsisisi ang ekspresyon nito, sa huling pagkakataon, hindi manlang niya nakausap ng maayos ang kaibigan. Bumalik sa realidad ang isip niya nang maramdaman ang kamay na umakbay sa kanya. Bahagya siyang nagulat nang makita niya na si Rhys ang may-ari ng kamay na 'yon. Gaya niya, nakatingin din ang dalaga kay Izrael. Seryoso ang tingin nito at tila may ibig sabihin ang pagkurap nito ng kanyang mata. "Hindi pa tapos ang gabing i

