CHAPTER 83: UNRAVEL Hindi na nakagalaw pa sa kanyang kinatatayuan si Izrael dahil sa presensya ng paligid na nanggagaling kay Cecily. Pare-pareho silang hindi makapaniwala sa kanilang nakikita... ang taong akala nila ay sa alamat lang nangyari, ngayon ay nakaharap na nila. Ayon sa alamat ng kanilang lahi, ang taong tumapos sa Ignium na nasa loob ng isa sa kambal ay isang Espis na may simbolo ng ibon sa kanyang kaliwang kamay. At nang gamitin niya umano ang kanyang kapangyarihan, tila nabuhay ang simbolong iyon. Isang umaapoy na ibon ang lumitaw mula sa kanyang kamay at nagdulot ng matinding pagkabahala sa ignium, sa isang atake lang ay natalo niya ito. Natapos ang panggugulo niya sa isang iglap at hindi na muling nakabalik pa sa mundong ibabaw ang mga ignium. Tinawag ang ibon na 'yon bi

