CHAPTER 82: SOLID TEAM Nagkaroon ng matalim na tinginan sa pagitan ng dalawang binata. Tila pareho nilang gustong patunayan ang pagkakamali ng isa't isa. Noon, pareho ng maguim na pinagsisilbihan sina Zion at Izrael. Pareho silang nangako na aalagaan at po-protektahan nila si Shioban buhay man nila ang maging kapalit. Pareho rin silang tapat sa Sivenis at walang ibang inisip kundi ang mapabuti ang kanilang haie. Isa si Zion sa mga Flame Knight na nagkaroon ng gampanin na maging personal na tagabantay kay Shioban. Ito ang naging unang trabaho niya pagpasok niya sa Kastia. Hanggang sa naging Duhe ang binata ay kasama pa rin siya ng Sivenis. Ito rin ang naging daan para ipagkatiwala sa kanya ng Sivenis ang paghahanap at pagligtas kay Rhys. Noong una, tinanggap niya lang ang utos na 'yon b

