CHAPTER 23: HARD TIMES Rhys's POV "Sigurado ka na bang kaya mo na, hijo?" May ilang minuto na yata kaming nakatayo rito sa tapat ng arko ng Sivol, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakaalis. Walang ibang ginawa ang mga tao rito kundi magpaalam sa amin at magpa-abot ng mga pabaon nilang pagkain, pakiramdam ko nga ay wala na 'kong uupuan sa loob ng karwahe dahil sa dami nitong karga. Ito namang Sumor, kanina pa nag-iiwan ng habilin sa aming dalawa. Para kaming mga bata na aalis sandali at kailangan niya munang busugin sa paalala bago payagang umalis. "Opo, Sumor. Nawala na ang marka ng kagat sa akin at maayos na rin ang pakiramdam ko, kaya ko nang bumiyahe ulit," ani Zion. "Haie." Lumingon ako nang tawagin ako ng may edad na lalaki. "Maraming salamat ulit sa tulong na ginawa

