CHAPTER 22: THANK YOU Rhys's POV "Bakit naman, hindi ba narinig n'yo naman ang sinabi ni Safara... para rin sa ikabubuti ninyo ang ginagawa niya, ano namang masama kung hindi siya rito nakatira? Ang mahalaga r'on ay tinutulungan niya kayo," sabi ko. Alam kong lalo silang maiinis kapag narinig nila iyon mula sa akin. "Sinungaling ang babaeng 'yan! Palaging ganyan ang rason niya pero wala namang pinupuntahan ang perang iniaabot namin sa kanya! Puro pa siya perwisyo rito!" "Oo nga! Saka totoo naman ang sinabi ng Savenis, maraming bulung-bulungan na hindi talaga taga-rito ang babaeng 'yan!" "Kapag may gusto siyang kunin, gagawa pa siya ng kwento para makuha niya. Sinungaling ka! Manloloko!" "Manloloko!" "Sinungaling!" "Umalis ka na rito sa Igare! Ikaw ang malas!" Sa totoo lang, gusto

