CHAPTER 54: LIVING WITH HIM Rhys's POV Isang maaliwalas na kapaligiran, makulimlim, hindi mainit ang klima, sapat lang ang lamig ng paligid. Isang magandang umaga sana para magsimula ng trabaho. "Mali, dapat dito mo na lang ilagay." "Bakit? Mas maayos ang pwesto kung nandito 'yan." "Huh? Paano kung masanggi 'yan kapag may dumaan?" "Sinong dadaaan? Ako lang naman ang papasok dito." "Kapag ba ikaw lang, hindi na masasanggi 'yon?" "Malamang. Saka, bakit ka ba nangingialam? Bahay mo ba 'to?" "Oo." "Ano?" "Dito rin ako nakatira." "Ulitin mo nga sa pagmumukha ko." "Ang sabi ko—" "TA-CE! Magligpit ka na lang diyan." Kulang na lang yata ay magpatayan kaming dalawa dahil lang sa pag-aayos ng mga gamit. Ito kasi ang unang beses na ginawa namin ito nang magkasama. Iyon na nga... dahi

