CHAPTER 55: DO CHORES WITH HIM Rhys's POV Maaga akong bumangon para magluto ng kakainin namin ni Zion para sa almusal. Sa totoo lang, wala ako masyadong tiwala sa nagiging lasa ng mga niluluto ko kasi pang-apat na beses ko pa lang itong gagawin at nangangapa pa talaga ako sa mga timpla nito. Ang unang beses ay 'yung eksperimento ko sa bahay ni Freya, tapos 'yung ipinagluto ko silang tatlo ng almusal, at 'yung huli ay kahapon na pinagluto ko si Zion ng sinigang. Wala pa naman akong naririnig na reklamo mula sa kanila na hindi ito masarap kaya tingin ko ay hindi naman ito masama at huwag na rin nilang subukang magreklamo dahil hindi nila magugustuhan ang mangyayari. Nawala sa utak ko bigla ang journey ko sa pagluluto nang may marinig akong kaluskos, baka si Zion na 'yon... naghahanda n

