CHAPTER 65: KALAYAAN Rhys's POV Bakit... bakit sila nandito? Anong ginagawa nila rito? Babawiin din ba nila ang Reha? Bakit ngayon lang? Bakit lilitaw sila kung kailan narito na kami? Ano ito, palalabasin nila na sila ang nakakita sa Reha at sila ng nagligtas? Ganoon ba ang ugali ng grupo na pinanggalingan ni Zion? Tumabi sa akin sina Zion, Cush, Cecily, Gieve, at Isha. Napalunok na lang ako nang gumilid ang mga tao at lumitaw ang grupo ng mga taong nakasuot ng isang kalasag gaya ng suot ni Zion nu'ng una kaming nagkita. "Flame Knight ba talaga sila?" rinig kong tanong ni Isha mula sa likuran ko. "Oo, at isa sa limang Duhe ang nangunguna sa kanila ngayon," sagot naman ni Zion. Sa tulong ng mga sinindihang sulo ng mga kasama namin ay lumiwanag ang paligid, nakikita ko ng malinaw ang

