CHAPTER 15: DEFEAT THE EPIDEMIC Rhys's POV Hindi ganoon kalinaw ang naging kwento ni Freya, pero sa pagkakaintindi ko, may kung sinong mga tao ang gumagawa ng pagpatay sa ibon at doon nagsimula ang epidemyang ito. "Paano mo nalaman 'yan, Freya? Sino ang nagsabi sa 'yo?" usisa kong muli. "Pumupunta po doon si Am-pa," sagot ni Freya. "Haie." Hinila ako ni Zion palayo kay Freya. "Bakit?" tanong ko nang makalayo kami, habang nakatingin kay Freya. "Naiintindihan ko na ang nangyayari. Nabanggit din ng isang residente ang gaya sa sinasabi ni Freya." Binaling ko sa kanya ang tingin ko. "Anong sabi nila?" "Sabi ng nakausap ko, mula raw ng may ipinatayong Factory dito sa viyon nila, nagsimula na ang epidemya," aniya. "Kung gan'on, ang Factory na sinasabi ng nakausap mo ay pumapatay ng mga

