CHAPTER 16: SOLUTION Rhys's POV Wala nang nagawa ang Sumor nang dumugin siya ng mga tao at sapilitang iginapos. Tumiklop na rin ang mga tauhang ipinagmamalaki niya dahil wala naman silang laban sa dami ng mga residente dito na may galit sa pinaggagagawa nila. Isa pa, ano pang silbi ng paglaban nila kung nauna nang mahuli ang amo nila. Habang abala ang mga tao sa paggapos sa kanilang Sumor, si Zion naman ang umasikaso ng pagsunog sa mga patay na lakiavis sa factory, bilib ako sa kanya kasi nagawa niyang pasukin ang loob nito sa kabila ng mabahong amoy na dulot nito. Salamat na rin talaga sa aming Insigne dahil p-in-rotektahan kami nito sa epidemya. Pinapirma ko rin ang Sumor sa dokumentong nagsasaad na ipinapasara na niya ang Factory para sa kaligtasan nila mula sa epidemya. Labag man s

