bc

UNCLE NINONG (SPG)

book_age18+
33
FOLLOW
1K
READ
forbidden
age gap
opposites attract
doctor
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
enimies to lovers
wild
like
intro-logo
Blurb

WARNING MATURE CONTENT!“He’s my dad’s bestfriend but I want him so bad.”Si Aurora Angelina Sebastian ay isang mahinhin na dalaga. Mabait at mapagmahal sa kanyang magulang. Kasalukuyan rin siyang nag-aaral sa kolehiyo. Hanggang sa isang araw ay kailangan niyang pumunta sa doktor dahil kailangan niyang magpatingin.At nagulat siya dahil ang doktor na titingin sa kanya ay ang kanyang uncle ninong. Ang kaibigan ng kanyang ama na ubod ng gwapo at sobrang hot. Ito ay si Marley Oscar El Santiago, ang isa sa sikat na Obstetrician-Gynecologist sa buong Pilipinas. Araw-araw ay mahaba ang pila sa kanyang clinic para lamang masilayan ang kagwapuhan nito.Ngunit paano kung isa na siya sa mga babaeng ‘yon? May mabubuo kaya na pagmamahal lalo na alam ng lahat na ninong niya ito? Or is it just a desire and lust na hindi nila kayang pigilan.

chap-preview
Free preview
C1
AURORA ANGELINA Sobrang nagmamadali ako habang pababa ako sa hagdan namin. Pero bigla na lang akong napatigil at napahawak sa tiyan ko dahil sumakit ito. Huminga na lang ako ng malalim at bumaba na ako dahil ayaw kong ma-late. “Rora, are you okay?” tanong sa akin ni mommy na makakasalubong ko dahil paakyat na siya. “I’m fine, mom. Pasok na po ako sa school,” paalam ko sa mommy ko dahil kailangan ko ng umalis. Sinabi ko lang sa kanya na okay ako kahit ang totoo ay sumasakit talaga ang puson ko. Masakit ang puson ko kahit pa wala naman akong period. Irregular period ko kaya nahihirapan rin talaga akong malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. My mom and dad are always busy kaya ayaw ko na mag-alala pa sila sa akin. Siguro ay mawawala naman ito mamaya kaya aalis na ako ngayon. May big bike ako at ito ang ginagamit ko kapag papasok na ako sa school. Kaya ko naman ang sarili ko kaya hindi na ako nagpapahatid pa sa driver namin. Si mommy na lang ang hinahatid ng driver sa flower shop niya at ang daddy ko naman ay isang engineer kaya busy rin talaga siya lagi. Alam ko na busy sila and I understand dahil gusto nila kaming bigyan ng isang maayos at maginhawa na buhay. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso sa aming tatlo. Maagang nag-asawa ang mommy at daddy ko kaya sunod-sunod lang kami ng mga kapatid ko. Isang taon lang ang tanda namin sa isa’t isa. 21, 20 at ako naman ay nineteen. Dalawang lalaki ang kapatid ko. Mabuti na lang talaga at hindi na nabuntis pang muli ang mommy ko. They decided to have a family planning lalo pa nahirapan sa akin si mommy noong nasa tummy pa niya ako. Lumabas ako ng bahay at sinuot ko na ang helmet ko. Ang mga kuya ko naman ay may motorsiklo rin. Minsan nga ay sinasama nila ako sa mga rides nila. Sobrang nag-eenjoy ako sa pagmomotor at mas mabilis pa dahil kaya kong sumingit kapag traffic. Mas maaga ang schedule ko kaya maaga akong aalis ngayon. All goods na ako kaya pinatakbo ko na ang motorsiklo ko. After thirty minutes ay nakarating na ako sa school. Bumaba na ako at pumasok na ako sa class ko. May mga friends naman ako pero sakto lang. Hindi lang talaga ako mahilig sa party kahit naman hindi strict ang parents ko. Maluwag sila sa amin at gusto nila na nag-eenjoy kami pero minsan talaga ay tinatamad ako dahil mas gusto ko pa na matulog. “Rora, are you sure that you’re okay?” tanong sa akin ng kaibigan ko na si Cammy. “Masakit ang puson ko, kanina pa ito,” sagot ko sa kanya. “Alam mo pumunta ka sa O- Santiago clinic,” sabi sa akin ng kaibigan ko. “Anong gagawin ko doon?” “Doon mo matatagpuan ang isa sa pinakamagaling na OB-GYN,” sagot niya sa akin. “Kailangan ba ng appointment doon?” tanong ko sa kanya. “No need na, alam ko walk-in lang sila dahil marami ang pumupunta,” sagot niya sa akin. “Sa susunod na lang ak–” “Alam mo, dapat pumunta ka na. Wala naman tayong class after this. Kailangan mo ng pumunta sa doktor, baka ano na ‘yan,” sabi niya sa akin. “Okay, pupunta ako doon mamaya,” sabi ko sa kanya. “Okay, ibibigay ko sa ‘yo ang address,” nakangisi na sabi niya sa akin. “Bakit naman ganyan ang ngiti mo?” tanong ko sa kanya. “Wala,” sabi niya sa akin kaya naman nagtataka ako sa kaibigan ko. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Hinayaan ko na lang siya. Alam ko naman na hindi niya ako ipapahamak. She’s right sa tingin ko ay dapat lang na pumunta ako sa doktor para alam ko kung ano ba ang dapat na gawin at kung may kailangan ba akong inumin na gamot. After class ay pumunta na ako sa address na binigay sa akin ng kaibigan ko at talagang nagulat ako sa haba ng pila nila. Pero kahit na mahaba ang pila ay nagpalista na ako dahil ayaw ko naman na umalis dahil nandito na ako. Sayang naman kung hindi ako maghihintay. Umupo na lang muna ako dito sa tabi. Kahit naman mahaba ang pila ay may mga upuan naman at tinatawag naman nila ang pangalan kaya okay lang. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari at kung bakit parang kinikilig ang mga babae dito. Ngayon ko lang talaga nalaman na kahit may sakit sila ay kinikilig sila. Inisip ko na lang na baka may gwapo silang nakita sa loob. Pero may lalaki kaya na nagtatrabaho dito? Kung meron man ay mukhang good idea ‘yon para makarami sila ng pasyente. Isang oras na akong naghihintay at nakakaramdam na ako ng antok. Pumikit na muna ako dahil wala pa naman. Marami pa rin ang nasa unahan ko. Iidlip na lang muna ako. ******* “Miss, gising.” “Miss, hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya sa akin. “Ha? Uuwi?” nagtataka na tanong ko sa kanya at tumingin ako sa paligid. Paalis na ang iba. Tumingin ako sa relo ko at alas singko na. “Bakit?” tanong ko sa babae. “Cut off na, Miss at isa pa ikaw na lang ang huli,” sagot niya sa akin. “Hindi na ba talaga puwede?” “Naku, hindi nag-oovertime si dok,” sagot niya sa akin. “Baka naman puwede mo siyang kausapin. Busy kasi ako sa school at ngayon lang talaga ako nagka-time,” sabi ko sa kanya. “Okay, sasabihan ko siya,” sabi niya sa akin at nakahinga naman ako ng maayos dahil ayaw ko ng bumalik ulit dito. Baka kasi maghintay na naman ako ng matagal. Tulad ngayon ay nakatulog na ako sa kakahintay pero hindi naman ako umabot. Ang dami pa lang mga babae ang may sakit. Nandito kasi silang lahat. Kaya masasabi ko talaga na sikat ang clinic na ito. Tama nga talaga ang kaibigan ko. “Miss Aurora, pasok ka na. Pumayag si dok,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Thank you, Miss,” nakangiti na sabi ko sa kanya at naglakad na ako para pumasok sa loob. Nang makapasok na ako ay hinintay ko muna si dok. At may lumabas sa isang pinto na hindi ko talaga inaasahan. “U–Uncle Ninong?” nauutal na sambit ko. “Aurora?” halatang nagulat rin siya na makita ako. “Okay na po pala ako,” sabi ko sa kanya at akmang aalis ako ng bigla na lang niya akong….

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Six Months Rule

read
29.4K
bc

Sin With You

read
5.2K
bc

My Cousins' Obsession

read
190.9K
bc

Daddy Granpa

read
285.3K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
54.9K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
35.2K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
253.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook