Nagising ako na parang may humahalukay sa sikmura ko. Dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta ng banyo. Halos yakapin ko na ang inidoro kakasuka ko. Kulang nalang hugutin ko ang lalamunan ko para maisuka ko ng lahat. Dahil sa totoo lang wala naman ng lumalabas, basta naduduwal lang ako. Ganito ba talaga ang buntis? Kung ganito kada mabubuntis ka? Parang huwag na lang, dahil itong umpisa pa nga lang parang susuko na ako sa dami ng nararamdaman ko. Diretso na akong naligo dahil parang nagmamantika na ang katawan ko sa init na nararamdaman ko. Saktong paglabas ko ng kwarto ay tumawag na din si Kuya. Aantayin daw kami sa malaking villa dahil doon na kami mag-aalmusal. Namili na lang ako ng susuotin ko. Isang floral sleeveless dress ang napili kung suotin. Maluwag naman ito kaya kompo

