Ilang beses kung pinilit ang sarili kung pigilan ang ginagawa niya kay Bel. Lalo na at nagdadalang-tao ito. Pero mula sa kinatatayoan ko ay hindi ko na maigalaw ang mga paa ko dahil sa naririnig ko. Dahil sa mga sumbat at paratang na naririnig ko na parang hindi para sa kanya kung hindi ay para sa akin. I tried to make another step to stand for her, but my coward feet walk away and run from reality. Reality that I never imagined it would happen. Napabuntong-hininga ako habang nakatunghay sa mga ulap na nasa labas ng bintana. Pagkatapos kung marinig ang sinabi ni Zav ay agad akong bumiyahe papuntang hacienda. Pero kakapasok ko palang sa airport ay sinalubong na agad ako ng tatlong kurimaw na nasa tabi ko. Nauna pa silang dumating kesa sa akin at kanina pa daw namumuti ang mata nila sa

