Hindi ko alam kung nakailang beses na akong pabalik-pabalik dito sa hallway. Kahit nananakit pa ang mukha at katawan ko kailangang nandito ako sa oras na magising si Iya. Kahit pa lumpohin nila akong lahat mananatili parin ako dito. Nang tawagan ako ni Karina at Crista at ibalita ang nangyari halos paliparin ko ang sasakyan ko makarating lang dito. Hindi ko maatim na mag-antay nalang ng balita tungkol sa nangyayari sa mag-ina ko. Pero hindi ko akalain na ganito ang bubungad sa akin. Ang matang mapanghusga ni Zav at ang mga kamao niyang nagsasabing hindi ako karapat-dapat sa kapatid niya. Kahit anong sakit sa katawan ay kaya kung tiisin makita ko lang ang mag-ina ko at malamang ayos lang sila. "Kuya, stop it will you? Hindi naman gagaling si Iya sa kakalakad mo at pag-aalala."-sita ni Rin

