Ilang araw na akong lumabas mula sa ospital pero wala man lang kahit isang anino ng mga Montedillo. Ilang beses ko nang sinubukang tawagan si Rina pero ang bruha hindi man lang ako pinapansin. Si Crista naman ay ayaw akong bigyan ng sagot pag hinahanap ko si Rina. Ang kapatid ko naman hanggang ngayon ay ilag pa rin sa akin. Ang lagi ko tuloy kasama ay si Mike, heto nga at binibida na naman ang sarili niya tungkol sa pagiging mabuti daw niyang ama balang araw. Gustohin ko mang mainis sa kanya kasi madalas talagang sumusobra ang pagka assuming niya hinahayaan ko nalang din. "Teacher Iya, does he really that talkative?"-kalabit ni Justin sa akin. Isa sa mga estudiyanteng tinututor ko pagkatapos ng klase. "He talks a lot, and most of them were about himself." I wanted to laughed. "Justin,

