Mula ng sumakay kami dito sa kotse ay isa lang ang kuda ng kuda, walang iba kundi ang maarteng ibon na nakaupo sa harap. Dito ako umupo sa backseat para hindi siya magkaroon ng chance na kausapin ako. Nahuhuli ko pa siyang pinupukol ako ng masasamang tingin mula sa rearview mirror niya, ay irap lang ang sagot ko dito. "Ibaba ko niyo nalang ako sa susunod na kanto. May balak pa kaming mabuhay ng anak ko."-pahayag ko habang nakatingin sa labas. Paano kasi bara-bara magdrive pati ang kotse ay dinadamay niya sa galit niya. Galit-galit tapos hindi ako ang awayin. Kasalanan ko bang laging siyang wala at busy kaya ayon may iba ng masayang nakikinig ng kwento ko. Mabuti nga at mabait si Seb at napagtiyagaan ako kahit mas marami akong kinain kesa sa kinuwento sa kanya. Nagkaayaan pa nga kami ne

