Simula ng umalis ako sa hacienda hindi pa sumusulpot dito ang walang hiyang lalaking 'yon. At take note kahapon pa 'yon! Paano niya ako nagagawang ipagpalit sa higad na 'yon? Nagagawa niya talaga akong tiisin at ang anak niya para sa babaeng 'yon? Sabagay ginagawa niya na pala. Bwesit siya wag talaga siyang magpapakita sa akin nasa gate palang siya ng Villa baka batohin ko na siya. Ang dami niya pang sinasabi may dumating lang na impakta nalihis agad ang atnesiyon niya at nakalimot ako. Eh, hindi naman kagandahan ang babae niya malaking ang hinaharap nun. Noong nasa Manila may Nana na laging nakalingkis sa kanya. Tapos kung sino-sinong babaeng nalilink sa knaya. Pero wala akong sinabing kahit ano tapos hanggang dito ba naman meron pa ring mga sawa na nagkalat? Gusto ko na talagang tumawa

