Ilang linggo na kami dito sa villa ni Crista. Halos araw-araw din nandito ang magpinsan yung tatlo naman ay umuwi na ng Manila dahil marami pa raw naiwang trabaho. Halos ayaw niya akong palabasin ng Villa dahil baka daw mapano ako. Dito ko lang rin nalaman dahil sa kadaldalan ng tatlo na wala naman daw talaga akong trabaho. Isa daw kasi sila sa major stock holder ng school kaya ginamit nila 'yon para mapapunta ako dito. Noon hindi pa ako gising ay nandito na siya at tumutulong kay Yaya Saling para sa pagkain ko. Ngayon pangalawang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Halos mangawit na ang leeg ko kakaantay sa kanya pero ni dulo ng buhok ay hindi ko man lang maaninag. "Besh, baka naman maging gising-gising na sitaw ang ulam natin imbes na adobong sitaw ah!"-kunot noo kung tiningnan

