(DOMINICA'S POV)
It's been a week...
Walang phone and video call from Sandro.
Ni kamusta, wala. walang kahit ano.. At nasasaktan ako, bakit kayo ganun. Hindi naman sya ganito noon, dahil kung wala sya sa tabi ko lagi nyang sinisigurado na okay lang ako rito, at hindi nya nakakalimutang kausapin ako sa isang araw.
I also tried calling him, but I got no answer. Di nya ito sinasagot, at hindi ko rin masasabing dahil walang signal o kung ano man dahil nagriring naman ito.
what's wrong with him?
And again I tried my luck this time... I called him again, and still its just ringing. Kaya nakapagdesisyon na ako, I will go wherever he is now.
********************************
"Madam! Saan ka po pupunta ?" Pagtawag sa akin ni Pierre, ang loyal bodyguard ni Sandro na nakatokang magbantay sa akin habang wala sya.
"I will go where Sandro is.." Simpleng sagot ko lang rito. At dumeretso na sana palabas ng Mansion dahil naghihintay na ang maghahatid sa akin sa airport.
Pero bago pa man ako makagawa ulit ng hakbang ay nakita ko ang pagsenyas ni Pierre sa ibang kasambahay at mga guwardya roon, at napansin ko ang pagsarado ng main door ng bahay. Kaya napalingon ako sa kanya.
"Hindi ka po pwedeng lumabas ng Mansion, Young Miss. Yan ang kabilin bilinan ni Young Master sa akin" paliwanag nito.
"Pero pupunta lang naman ako sa kanya, I miss him.." sambit ko pa rito na maiiyak na, pero kinuha lang ng mga kasambahay ang dala dala kong maleta.
"Wait.. I just want to go to Sandro, I want to see my husband!!!"
"Pero bawal nga po.. Bawal ka pong lumabas ng Mansion na ito." -Pierre.
Napatahimik ako sandali at napatingin lang sa kanya.
"Anong hindi pwede? What do you mean Pierre? Anong Bawal?" litong tanong ko, bakit hindi ko alam iyan? Kung sabagay, never naman ako lumabas ng territory ni Sandro, andito lang ako sa Mansion o sa garden. Pero bakit hindi ko ito alam? Ganun ba ako nakuntento sa buhay kong nakadepende lang kay Sandro, na hindi ko na pala hawak ang kalayaan ko.
"Yun po ang kabilin bilinan ni Young Master, bawal ka sa labas ng teritoryo nya. Kung hindi magagalit sya sa akin, sa amin kapag lumabas ka." paliwanag pa ulit ni Pierre.
"No! It cant be! Kailan pa nya ako kinukulong dito? Bakit hindi ako aware!" hysterical ko kay Pierre, naguguluhan na ako sa mga nangyayari.
"Hindi po, Young Miss. Hindi naman sa kinukulong nya kayo. Gusto lang ni Young Master na safe kayo. Lalo na at isa kang Estevan at hindi lang basta bastang Estevan kundi asawa ka ng isang Alesandro Estevan," paliwanag pa ni Pierre pero hindi ayoko na makinig, isa lang ang naiisip ko, kinukulong ako rito ni Sandro! And ayoko ng ganitong feeling. Hindi ako nabuhay sa mundong ito para lang makulong sa Mansion na ito.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, galit, inis, at pagdududa. Ang gulo gulo na ng utak ko, bigla na lang akong nakaramdam ng doubt kay Sandro. Bakit nya ako kailangang ikulong rito! And I feel hate because of it.
Tinalikuran ko si Pierre, umakyat ako pabalik sa kwarto. At nilock ko ang pintuan, I need time to be alone and think things over. Mabuti na lang at hindi nabubuksan ito sa labas, wala ring spare key ang mga kasambahay o kahit si Pierre sa kwartong ito. It's my fingerprint and Sandro's fingerprint lang ang nakakapagbukas ng kwartong ito. Which is better!
***************************************************************
(VANILLI'S POV)
Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ni Alesandro pero hindi nya ito sinasagot. What's wrong with him, bat di nya sagutin I think it's Dominica. At kami lang naman ang magkakasama ngayon, naiintindihan ko naman kung di nya sagutin ito kapag kasama namin sina DOminic at ang iba pang kaibigan ni Nica pero ngayon? Hindi ko sya gets.
Nagring ulit ito, and this time nagsalita na ako.
"Sandro, wala ka bang planong sagutin yan.?" sambit ko kaya napatingin na rin sina Dexter at Exael sa gawi namin, busy kasi sila sa pinapaayos sa kanila ni Sandro na mga papeles ng Falcon University na maaaring gawing ebidensya na hindi na si Sen. Falcon ang nagpagawa ng underground facility kundi ang mga tauhan na ni Fontanilla. Habang ako ay nagchecheck ng ibinigay na ebidensya ni Capt. Vergara, isa rin sa nagbigay tulong para makakalap ng ebidensya na walang sala si Sen. Falcon. At si Sandro? Ewan ko kung anong ginagawa nakatanaw lang ito sa ceiling to floor na glass window ng ECC, oo andito kami ngayon kompanya nina Sandro.
Hindi ako sinagot ni Sandro, T*ngina namang gago to. Tss. bahala ka sa buhay mo.
Narinig ko namang nagring ang cellphone ko, at ng tignan ko ang caller.. it's Pierre. Kaya sinagot ko kaagad baka importante ito, minsan lang kasi ito tumawag sa akin.
"Hello?"
"Sir Vanilli, kasama nyo po ba si Young Master?" medyo naghahangos na tanong nito kaya napakunot ang noo ko.
"Oo, bakit may nangyari ba?" Tanong ko din naman.
"Pakisabi naman po sagutin ang tawag ko. Salamat po" at ibinaba na nito ang tawag.
What's wrong with him? Tungkol ba ito kay Dominica? Kaya tinignan ko kaagad si Sandro na nakatingin na din pala sa akin.
"Who's that." sambit nya.
"It's Pierre, sagutin mo daw ang mga tawag nya. I think it's important." sagot ko rito at kaagad din namang tumunog ang cellphone nya na dinampot nya kaagad.
"What is it?" malamig nyang sambit sa kabilang linya.
"WHAT? Yan lang ang gagawin nyo di nyo pa magawa." malamig pero galit na sagot ulit nito at ibinaba ang tawag at biglang tumayo.
"San ka pupunta Sandro?" tanong ni Dexter nang papalabas na si Sandro ng opisina nya.
"Home." maikling sambit lang nito at di na kami nakasagot pa dahil malaki ang hakbang na ginawa nito palabas.
Anong nangyayari?
*******************************************************************************
(THIRD PERSON'S POV)
Buong magdamag lang na nakahiga sa kwarto nila ni Sandro si Dominica, hindi ito lumabas at hindi rin ito kumain. Halos nagaalala na ang lahat ng tao sa kanilang Mansion kaya walang ibang nagawa si Pierre kung hindi tawagan si Sandro dahil sya lang ang may kakayahang makapagbukas ng kanilang kwarto ni Dominica.
Ilang beses na ding kinakatok ng mga kasambahay ang kwartong kinaroroonan ni Nica pero wala silang sagot na narinig rito at hindi man lang nya binuksan ang pintuan.
"What's wrong?" biglang napahawi ang mga kasambahay ng may magsalita na isang malamig na boses, it's Sandro.
Si Pierre ang sumagot.
"Young Master.. hindi pa po lumalabas si Young Miss at mag-iisang araw na."
Makikita ang inis sa mukha ng isang Alesandro Estevan dahil sa narinig. Tumabi silang lahat at binigyan ng daan si Sandro na makapasok sa kwarto nila ni Dominica na kaagad naman nyang nabuksan.
At isang natutulog lang na Dominica ang tumambad sa kanya.
**********************************************************************
(DOMINICA'S POV)
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa aking labi. At pagmulat ko, it's Alesandro kaya bigla akong napalayo rito. Ano to panaginip? Pati ba naman sa panaginip ko kasama sya. tss.
"Anong problema?" sambit ni Sandro kaya napakunot ng noo si Dominica.
"Totoo ka? Hindi ka panaginip?" sagot naman ni Nica rito at lumapit kay Sandro. Hinwakan nito ang mukha ng lalaki at hinaplos haplos.
"Ofcourse, I am real. Ano bang nangyayari sayo, Dominica." -Alesandro.
Umiling lang si Nica at lumayo ulit kay Sandro, naramdaman naman ito ng lalaki na parang dumidistansya sa kanya ang babae. Kaya napakunot ang noo nito at hinawakan sa braso si Nica para mapaharap ito sa kanya.
"Mahal mo ba talaga ako, Sandro?" tanong na lang out of nowhere ni Nica.
"Ofcourse I do. Kaya nga ako umuwi rito kaagad ng malaman kong hindi ka lumalabas ng kwarto natin. ano bang nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?" sagot, tanong naman ni Sandro sa babae.
"Eh, bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko." -Dominica.
"Im just busy. Marami lang akong inaasikaso." - Alesandro
"At ano naman yun? Ganun ba yun kahalaga at binabalewala mo na ako." nagtatampo namang litanya ni Nica sa asawa.
"Dominica..." tanging nasambit lang ni Alesandro dahil hindi nito masabi na it's about her father's case. Kailangan na kasing mailabas ni Sandro si Sen. Falcon bago pa man mag-eleksyon sa susunod na buwan.
"Enough, Sandro. Ano ba talaga ako sa buhay mo? At bakit... bakit mo ako kinukulong rito!" Sigaw ni Dominica.
"Hindi kita kinukulong, I just want you safe." tanging sagot lang ni Sandro.
"Safe?? Kanino? Kanino ba dapat ako mag-ingat? SObra sobra naman atang ikulong mo ako rito sa Mansion mo. Oo asawa mo ako, pero bakit parang hindi? bakit parang may kulang... may mali.." litanya pa ni Nica na mapapansin na ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"That's why! That's why gusto kong manumbalik ang alaala mo. Dahil ang hirap hirap magmahal ng isang taong walang maalala. Nakakapagod na umintindi." malamig na sambit ni Alesandro na nagpahagulgol na lang kay Nica.
"So sinasabi mong........ ang hirap kong mahalin."