SIX

2162 Words
Third Person's POV "There!" Turo ni Dexter sa screen ng kanyang laptop nang makita nya sa cctv footage na pumasok na si Alesandro sa loob ng isang hall na kanina pa nila sinusubaybayan. "Ang tagal naman nyang pumasok. Kanina pa sya umalis rito ah," komento naman ni Exael. "Baka kasi may naka-encounter na namang chicks yun," sambit naman ni Vanilli. "Shut up." May bigla namang nagsalita na narinig ng tatlo sa mga earpiece na suot suot nila. It's Alesandro. "Let's talk after Im done here, Vanilli," sambit pa ulit ni Alesandro. At napalunok naman ang isa sa narinig na kaseryusuhan at lamig sa boses ng kaibigan. Na parang may nagawa itong napakalaking kasalanan. "About what?" tanong naman ni Vanilli at nakita nila ang pagtingin ni Alesandro sa gawi ng cctv kaya nagmukha itong deretsong nakatingin sa kanila. "Dont look at me like that Sandro. Its scary," sambit naman ni Vanilli sa kaibigan at inalis na ni Sandro ang pagkakatingin sa cctv at nagsimula nang nag-ikot ikot ito sa loob ng hall. Kaya medyo naibsan ang kaba na naramdaman ni Vanilli kanina. Nakita nya naman ang pagngisi ng dalawa pa nilang kaibigan at ang kuryusidad sa mga mukha nito kung ano ang pag-uusapan ng dalawa mamaya. Napailing lang si Vanilli, signus na wag na silang magtanong dahil hindi nya rin alam kung ano ang paguusapan nila ni Alesandro. ******************************************* "Did you find something unusual in the hall.?" tanong ni Alesandro sa mga kaibigan thru the earpiece. "Nothing. Its clear... ang linis ng location nila. May mga secret passages din ito na siguradong exit door if ever magkaroon ng raid ang kapulisyahan o ng kaguluhan sa loob..." tugon naman ni Dexter habang naka-focus sa bawat side ng cctv footage ng buong area. "Sandro! Get out of there!" biglang sambit naman ni Vanilli nang makita nya ang pinasukang kwarto ni Sandro. Its like a mini laboratory but Vanilli knows better. "It's a trap!" sambit pa muli ni Vanilli sa kaibigan. At naging hudyat iyon para magkaroon ng sunod sunod na putok ng baril kasabay ng pagkawala ng koneksyon ni Dexter sa system ng Underground Organization. "Damn!" hiyaw ni Exael at kaagad silang napatayo at inayos ang mga kagamitan nila. They need to get out of that place. Kung hindi mako-corner sila ng mga tauhan ni Sen. Garry Fontanilla or worse by the armed forces. "Hey Sandro!" Pagtawag naman ni Dexter sa kaibigan na hindi na nila alam kung ano na ang nangyayari rito pero isa lang ang sigurado, Sandro can get out of there alive. He will not became the Big Boss of Costa Nostra, the top leading Mafia group in England and Great Britain for nothing. "Wala ng signal ang earpiece nya, Dex." Tanging nasabi lang ni Vanilli kaya wala na silang ibang magawa kundi ang tumakas na lang sa lugar na iyon. At hindi rin nila maaaring puntahan ang kinaroroonan ni Sandro dahil yun ang pinaka-instruction nya. Kahit anong mangyari, his group needs to get out of that place. Actually the Underground Organization is not there territory anymore. Siguro 5 years ago, Alesandro ruled the area but because of the encounter they had with the La Familia, ang grupo ni Sen. Garry Fontanilla. Kinailangan nilang i-give up ang lugar na ito. That's why Sandro did his very best to build his own empire sa loob ng limang taong nawala ang Costa Nostra sa mga mata ni Sen. Fontanilla. But then, he is a big fish that so hard to catch. At marami syang galamay kaya nalaman nya ang existence ng grupo ni Alesandro Estevan. At alam nyang babalikan sya ni Sandro, thats why he was plotting issues for his group to be captured. Habang lakad takbo ang ginagawa ng tatlo na sina Dexter, Vanilli, at Exael kasama ang ibang myembro nila palabas ng Underground Organization. Kaguluhan naman ang sumalubong sa kanila ng marating nila ang labas ng mismong gusali at nagkalat na rin ang mga pulis, SWAT, at mga sundalo sa labas. Tanaw ang mga taong galing sa loob na nagsitakbuhan na rin para iligtas ang mga sarili at reputasyon, pero may mga nahuli na ang mga Kapulisyahan na mangilan ngilang personalidad. **** Vanilli's POV "Damn! Hayop na Fontanilla!" Bulalas ni Exael, andirito na kami ngayon sa hide out ng Costa Nostra na itinayo ni Sandro rito sa bansa, 2 years ago. Oh well, naka-base talaga kami sa England at Britanya para malayo sa mata ng La Familia na sakop na ang Asia at Amerika. Kaso Alesandro Estevan, our dearest friend and the Mafia Boss badly wants revenge, he was thirsty for the great fall of his favorite enemy, Sen. Garry Fontanilla and his group, La Familia. He was aiming for it to happen in the time he sets. We are all waiting for him, hindi namin sya kasamang umalis sa Clandestine, the Underground Organization/ Secret society that was build a long time ago of the great Mafia Boss, Carlos Copernicus in the 1970's na isinalin salin sa ibat ibang grupo ang pangangalakad base sa impluwensya at lakas ng mga angkan. And Alesandro Estevan once ruled the Clandestine before the bloody incident happened 5 years ago that made the La Familia get the rulership of it. "Ganun. Ganun ang gagawin nya sa Falcon University when the time comes." Biglang komento naman ni Dexter na tinanguan ko lamang bilang pagsang-ayon. Ang dumi nya talaga makipaglaro, just thinking of it and watching the breaking news right now in the national television. BREAKING NEWS: THE BIGGEST UNDERGROUND ORGANIZATION IN ASIA HAS BEEN MOBILIZED BY THE POLICE JUST AN HOUR AGO. CLANDESTINE - A SECRET SOCIETY THAT WAS BUILD BY CARLOS COPERNICUS IN 1970'S HAS ALREADY FACED ITS GREATEST FALL TODAY WHEN THE ARMED FORCES FOUND OUT THE MAIN LOCATION OF THE SAID ORGANIZATION. MANY KNOWN PERSONALITIES AND FAMILY WAS CAPTURED AND NOW DETAINED BECAUSE OF THEIR INVOLVEMENT OF THIS SECRET SOCIETY THAT WAS OPERATING THE ILLEGAL TRANSACTIONS, IN AND OUT OF THE COUNTRY. AND THANKS TO SEN. GARRY FONTANILLA FOR BEING PART OF THIS "OPLAN: TOKHANG" THAT CATCHES NOT JUST THE ILLEGAL DRUG TRANSACTIONS BUT ALSO THE BIGGEST CONTRADICTIONS IN THE GOVERNMENT. Bigla naman akong napatayo ng may maalala akong isang tao, at tama namang may pumasok na malamig na presensya sa loob ng hide out. Kaya napatingin kaming lahat sa bumukas na pintuan. It's Alesandro, wearing his infamous cold aura and poker face. Kasama nito ang kanyang pinagkakatiwalaang tao maliban sa amin, ang isa sa loyal na bodyguard ng kanilang pamilya. "Sandro!" turan ni Exael at tumayo sa pagkakaupo. Habang kami ni Dexter ay tahimik na nakatingin lang sa kanya at pasensyosong naghihintay ng sasabihin nya. I know may nakalap itong impormasyong maaaring magamit namin sa tamang oras. Dahil kapag si Alesandro Estevan ang gumalaw, siguradong win-win situation ito. Pero nakatutok lang ito sa television habang patuloy pa din ang live coverage sa site ng Clandestine. "Teka. Nasaan ang fiance ni Master Alesandro?" Bigla namang napatingin ang lahat sa nagsalita, si Pierre, ang loyal na tauhan ni Sandro na kasama nyang bumalik rito. At kahit si Sandro ay napatingin din sa kanya ng nakakunot ang noo. "Bakit ganyan kayo makatingin? While I am assigned to be the security in charge sa entrance ng hall kanina ay nakaharap ko sya, she even entered the area. Sigurado akong suot nya ang simbolo ng pamilya Estevan, the golden mask with the green crystals. At sigurado din akong totoo yun at hindi replica lang. I once saw it ng nasa pangangalaga pa ito ni Madam Estevan." Paliwanag naman ni Pierre na ikinatayo ko na lamang nang maalala ko si Dominica! s**t! Kinuha ko kaagad ang cellphone ko, at hinanap ang number nya. Ilang ring pa at may sumagot rito, pero bago pa man ako makapagsalita ay may humablot na nito. Paglingon ko ay si Alesandro pala at sobrang seryoso ng mukhang nakatingin sa akin. Damn it! Nakakatakot sya. T*ngina! ************************************************************************************** (Dominica's POV) Napamura ako ng ilang beses nang mapanood ko ang balita ngayong gabi. T*ngina! Sobrang swerte ko pala at bago nagkagulo sa Black Market ay nakaalis na ako sa lugar. Pero di mawala sa isipan ko ang lalaking may deep dark blue eyes! He is consuming my whole system real good. And I should also be thankful to him, he was a blessing in disguise for me there! Dahil its just a matter of minutes lang eh, at biglang nagsidatingan ang kapulisyahan at sundalo at halos na palibutan na nila ang buong lugar ng underground organization bago pa man makatakas ang lahat ng taong naroroon. Ang saklap lang din dahil maraming mayayaman at kilalang tao ang nabunyag na kasapi pala sa secret society. Kaya ito ang pinakamalaking tagumpay ng armed forces na operation. Dahil natimbog nila ang matagal ng namamayagpag na organisasyon sa history. Pero t*ngina talaga, di ko mapigilang mapamura ng malutong dahil bidang bida ngayon si Ninong Garry! Hindi ako pwedeng magkamali sa mga narinig ko last time na paguusap nila ng isa sa Board Member ng F.U. It's clear na sangkot sya sa illegal drugs, pero bakit nya pinakalulong ang organisasyong paniguradong kinabibilangan nya rin? Bigla naman tuloy akong nakaramdam ng takot para sa katayuan ng Falcon University na pinakamamahal ni Daddy. Bigla namang tumunog ang telephone na nasa side table kaya iniabot ko kaagad ito. "Hello?" "Hoy, DOMINICA FALCON! Are you alright?" It's Ysabel. "Yeah. Don't worry." "I heard the news about the Underground Organization and such, at naisip kaagad kita dahil sabi mo kanina ay nasa isang auction ka sa black market." Halata sa boses nito ang pag-aalala. "Im fine, Ysa. Nasa condo ko na ako ngayon. And luckily before the incident happened, naka-uwi na ako," sagot ko upang di na sya mag-alala, andami ng iniisip ni Ysabel at ayaw ko ng dumagdag pa doon. Napaigtad naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ko lang. At nakita ko ang caller ID, it's Vanilli Sefero. "Oh cge na Ysa. May tumatawag sa phone ko, I'll hang up this na." Paalam ko kay Ysabel. Pagkababa ko naman ng telephone ay ang pagsagot ko naman sa cellphone ko. "Hello?" Wala akong naririnig sa kabilang linya. Kaya tinignan ko ang screen ng phone ko kung naka-on going call pa din ito and yes, it is kaya nagsalita ulit ako,. "Hello, Van?" "Who's this?" Huh? Bigla naman akong natigilan sa narinig na tinig sa kabilang linya. Hindi ito si Vanilli, its someone na familiar ako dahil sa ilang beses ko na itong narinig this past days. That cold and serious tone of the arrogant man that was consuming my system this whole time. Magkakilala sila ni Vanilli? O baka na-kidnap yun at itong lalaking to ang kumidnap rito. "T*ngina ka ba? Bat di mo tignan sa caller ID. At bakit nasa iyo ang cellphone ni Vanilli Sefero? Did you?" Inis kong sagot sa kanya, he is really getting in my nerves. "I did what?" Pabitin din nyang sambit like he is waiting for something amusing na sasabihin ko. Pero s**t! Hindi pwedeng.... "Abducted him? My goodness! VANILLI, can you hear me? Nandyan ka ba sa tabi ng hunghang nato? Damn! Van! Di ka pwedeng mamatay ngayon, may utang ka pa sa akin. T*ngina mo! Nagpa-kidnap ka pa na alam mong may utang ka pa sa akin. Hayop to. Nasaan yan? I need my money now. Wala na akong pera, naka-freeze pa ang budget ko for next month. At may utang pa ako sa kaibigan ko." Hysterical kong tugon, Oo totoo yun. Simula ng umalis ako sa puder nina Daddy, nag-limit lang sya ng amount na pwede kong gamitin sa isang buwan. Malaki din naman ito pero dahil sa hilig ko sa mga baril, laging ubos ang budget ko kapag may auction, at nangungutang na lang kay Ysa kapag walang wala na talaga. And Vanilli?, nangungutang yan sa akin. Hindi man kami madalas magkita pero tumatawag yan kapag kailangan nya ng pera. Ewan ko kung bakit ganun na need nya pang mangutang na mayaman naman sya. At yun nga dahil mabait akong kaibigan, pinapautang ko sya kapag meron ako. Pero isipin nyong nag-aalala ako para sa kanya kung na-kidnap man sya? Well maybe, unti lang, pero hello?, ang tanga naman nyang magpa-kidnap diba? Tss. Kasalanan nya na yun at labas na ako don. I just need my money now. "Enough, woman! And yes, I abducted him. Can we meet?" sagot naman ng nasa kabilang linya and its still the man I know by his guts but not by his name. Pero siguro ngayon makikilala ko na sya kung sakaling pumayag akong makipagkita. "Bakit kailangan pa nating magkita? Tapos na tayo! Hindi pa ba sapat sayo na hindi na kita mahal? Please layuan mo na ako. Enough of this shits! --and sure, let's meet! Send me the details." Pabiro ko pang sambit at binaba na ang tawag, wala lang feel ko lang kasi sagutin sya ng ganun. Natawa na lang ako bigla sa kagagahan ko. Pero bakit ganito? I feel excited --to meet him again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD