FIVE

1394 Words
"ArmaLite AR-18 is a gas-operated assault rifle chambered for 5.56×45mm NATO ammunition. A successful failure in history." Intro ng auctioneer about the firearm to be sold, and nag-start na nga ang bidding. "1000 dollar bid, now 1150, now 1150 will ya give me 1150? 1150 dollar bid, now 1200, now 1200, will ya give me 1200?" mabilis na pag-chant ng auctioneer. Andito nga ako ngayon sa isang auction sa black market. Tinignan ko ang mga taong nandirito... halatang mga bigatin ito at malakas ang proteksyon sa gobyerno. "Going once, going twice, sold!" Sigaw ng auctioneer ng may manalo na sa bidding ng firearm na nakasalang. And its not me, kung nung una ang plano ko ay pumunta rito para makabili ng bagong baril para pandagdag sa koleksyon, hindi na. Nagbago ang mga plano ko nang marinig ko ang paguusap na iyon sa pagitan ni Ninong Garry at ng isa sa Board Members ng Falcon University. I am here to spy... gusto kong malaman kung gaano katalamak ang bentahan ng illegal drugs dito. At higit sa lahat, makilala ang mga galamay ni Ninong na nandirito sa Black Market. I want to be familiar with them. Gusto kong malaman kung sino ang kakampi at kung sino ang tunay na kalaban, ang dapat pagkatiwalaan, at ang hindi dapat. Nakasuot ako ng red fitted long gown, backless ito as usual to my style. Ang maganda lang din rito ay lahat nakasuot ng maskara, to secure one's identity. Ganyan ang laro dito sa Black Market, iniingatan din ng mga operator ang katauhan ng bawat isa. But you are just allowed to wear a same mask every time may auction party. Kaya familiar na din ako sa halos mga taong nandirito, at ganun din sila sa akin. "Hey, the untamed one!" Napalingon ako sa nagsalita at napangiti ako. "Why are you here?" I asked him. "Why? I am not allowed here anymore, lady? Hindi mo ba ako na-miss? And wow, you still wearing that mask I lend to you 5 years ago," sagot naman nito sa akin. Vanilli Sefero, the heir of Sefero Shipping Lines. Gwapo, mabait, at naging kaibigan ko nang mapadpad ako rito sa underground organization or let say the Black Market. Siya ang nagturo sa akin ng mga dapat kung malaman tungkol sa galawan rito. At sya din ang nagbigay sa akin ng mask na ginagamit ko hanggang ngayon bilang identity ko. Naalala ko pa ang mga sinabi nito nung pinasuot nya ito sa akin, 5 years ago. "Ingatan mo to ah. Kasi... hindi ito akin. Nagkataon lang na dala ko. Hindi ko nga din alam bakit nasa akin to. Basta ingatan mo to. Kasi mahal yan, and kukunin ko to sayo pag nagkita tayo ulit." Tinignan ko naman si Vanilli. "Bakit? Kukunin mo na ba to? But I am loving wearing this na, Van. Limang taon na din naman ang lumipas eh, baka nakalimutan na ito ng kaibigan mo." Umiling lang ito bilang tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. "No. Sandro will never forget what he owns. Mahirap makalimot ang taong yun. Lalo na at ang maskara na iyan ay simbolo ng...." "Wait... I need to go, sorry Van. Talk to you some other time." Pagputol ko sa sasabihin pa sana ni Vanilli. Kasi may nakita akong pamilyar na imahe ng isang tao. Hindi ito nakasuot ng maskara. And he is heading somewhere, I need to follow him. *************** Third Person's POV "Saan ka galing?" tanong ni Dexter sa kakabalik na kaibigan. "Just bumped to someone I knew a long time ago," sagot naman ni Vanilli at prenteng umupo sa isang pang-isahang upuang naroroon. "Talaga lang ha. Chicks ba?" sambit naman ni Exael na nakangisi pa. Ngumisi lang din si Vanilli bago sumagot. "No. She's for a lifetime woman." Tinapunan naman ng unan ni Dexter si Vanilli dahil sa naging turan nito. "Nasaan si Sandro?" sambit ulit ni Vanilli sa mga kaibigan. "He went there," sagot naman ni Exael at sumeryoso ang mukha. "Bakit? Nag-uumpisa na ba?" tanong ulit ni Vanilli. And this time di sya sinagot ng mga kaibigan nya. Kundi may ginalaw si Dexter sa kanyang laptop at pinaharap ito sa mga kaibigan. Isa itong cctv footage na nakakonekta sa isang hall na matatagpuan din sa Underground Organization na kinaroroonan nila. Naka-focus lang ang tatlo sa screen ng laptop, waiting for something unusual to happen in the area. ***** Dominica's POV "Clandestine." Narinig kong sambit ng sinusundan kong tao sa entrance ng isang hall rito sa Underground Organization. Nakita ko namang pinapasok sya kaagad ng bantay na nakaabang sa entrance. I think its something like a password or what para makapasok. Pero napansin ko ding may mga invitations ang iba na binibigay roon. And wala ako nun, that's why I tried my luck. Isang tao na lang at ako na ang susunod na papasok. "Invitation, madam?" bungad agad sa akin ng man in black na nakabantay. Hindi ako ngumiti, but I said the word I heard from Gilmore awhile ago. Yes! it's Gilmore Fontanilla, ang anak ni Ninong Garry ay ang taong sinusundan ko kanina. "Clandestine," sambit ko na akala mo ay alam na alam ko talaga ang ibig sabihin ng salitang iyon. Pero nakita ko naman ang pag-iba ng aura ng nagbabantay. Mukhang natakot ito na ewan, ganun ba ka-powerful ang salitang isinambit ko, para mag-react sya ng ganyan. "Sorry po, Madam." tanging naitugon lang nito at nagbigay daan sa akin para makapasok sa loob. Yun lang yun? But atleast nakapasok ako ng walang kahirap hirap. Pero kanina, kahit sinabi na iyon ni Gilmore ay may ilang katanungan pa sa kanya ang lalaki bago ito makapasok ng tuluyan. Habang sa akin nag-sorry pa ito, parang natakot sya na bakit hindi nya ako kaagad pinapasok. Oh well, ikinibit balikat ko na lang iyon. But damn! Napamangha naman ako sa nasaksihan ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng hall. Ang engrande, sobra at mangilan ngilan palang ang tao. Pero mukhang mga malalaking personalidad ang nandirito. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong lugar, trying to find that bastard, Gilmore Fontanilla. At hindi naman ako nahirapan dahil natanaw ko sya kaagad sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Sinundan ko ito sa paraang hindi nya mahahalata ang presensya ko. Buti na lang at medyo maraming mga tao na din ang pumupunta sa direksyong iyon. Ilang liko, deretso, at liko ulit ang dinaanan nyang mga pasilyo bago sya tumigil at pumasok sa isang pintuang naroroon. Nagdadalawang isip naman ako kung papasok ako doon o hindi, dahil hindi ko naman alam ang maaaring sumalubong sa pagpasok ko sa pintuang iyon. Pero natagpuan ko pa rin ang sarili ko na nasa harap na ako ng mismong pintuan, and I am about to open the door nang may biglang humila sa akin papalayo. Napasinghap naman ako nang bigla akong isinandig sa kung saan ng hudyong nanghila sa akin. "Aray naman!" "Are you lost baby girl?" Napatingin ako bigla nang magsalita ito. And again I saw those deep dark blue eyes, naka-maskara ito kaya di ko maaninag ang kanyang buong itsura. Pero ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. "No. Im not." Yun lang ang tanging nasambit ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na hanggang dito ba naman ay mae-encounter ko sya. Napansin ko ang paggalaw ng eyeballs nito, he is like examining my face but no! Its the mask I am wearing. Biglang kumunot ang noo nito at hinawakan ang suot suot kong maskara. "Why are you wearing this?" Kalmado pero seryosong tanong nito na parang nagsasabing sagutin mo ako ng tama kung hindi... patay ka. "Because its mine," sagot ko at mabilis na umalis sa pagkaka-corner nya. Damn it! Ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko sigurado kung dahil tumatakbo ako ngayon o dahil sa nararamdaman ko pa din ang init ng presensya nya. Mabilis ko namang narating ang parking area kung saan naka-park ang kotse ko. Napahampas naman ako sa manubela, "Sayang! Andon na sana ako eh. Pero ng dahil sa hinayupak na lalaking iyon, nasira tuloy ang mga plano ko. And I dont know kung kelan ulit ako magkakaroon ng pagkakataong makalikom ng impormasyon! But I will not stop until I find the answers to the questions running in my mind. At isa doon ang identity ng lalaking lagi kong nae-encounter! I want to know him."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD