FOUR

2146 Words
Dominica's POV Three weeks have passed... Naging busy ako sa school after that day na na-encounter ko ang aroganteng hayop na iyon na may deep dark blue eyes na parang hinuhubaran ako... chaar. But damn! Kahit anong inis ko sa pagiging full of himself aura nya, di ko talaga maiwaksi ang angking kagwapuhan nito sa aking isipan... may mga times ding napapanaginipan ko sya, nasa isang dungeon daw kami... and its not a sweet dream... its a total nightmare. Mabuti na lang talaga at naging busy ako ng mga nakaraang araw dahil graduating na ako, at sina Ysa, Daniel at Anthony din kasabay kong ga-graduate. And today is that day... The 25th Graduation Ceremony of Falcon University. Hindi sana ako aattend, dahil paniguradong maraming pupuntang media na makikiustsuso dahil as usual present na naman ang mga politiko roon. Mula presidente hanggang sa mga congressman... dahil kay Daddy, magka-senador ka ba namang ama eh... tss. Pero something is pushing me to go... kasi parang... parang may malalaman akong mahalaga concerning my school... pero ikinibit balikat ko na lang ito dahil baka wala lang iyon. Nag-ayos na lang ako... simpleng white lacy dress lang ang suot ko at three inches silver stiletto kasi papatungan naman ito ng toga. Baccalaureate Mass kasi namin ngayong umaga... and tumawag si Mommy na pupunta daw sya with Daddy and Kuya Dom... and she wants me to see wearing a black toga, meaning a degree holder... kaya pagbibigyan ko na. Naglalakad na ako sa hallway sa likod ng gymnasium. Oh well, sa likod kasi ako dumaan... sa secret passage ko rito sa University na ako lang ang nakakaalam... kasi umiiwas nga ako sa mata ng media na nakatambay sa main gate. May mga celebrity at mga estudyanteng galing sa mamayamang angkan din kasi ang gagraduate kaya lagi talagang present ang media every may ganap sa University. Pakaliwa na sana ako sa isang pasilyo papasok ng gym when I heard voices sa di kalayuang silid. At sa pagkakaalala ko its the storage room... memorized ko ang blue print ng school na ito because this would be mine someday... di ko na sana pagbibigyang pansin ang ingay na naririnig ko kasi baka mga janitor lang ito na may kukuhanin sa storage room. But something is pushing me to check it out... at dahil sa isa akong pusang puno ng kuryusidad sa katawan kaya dahan dahan akong naglakad patungo roon. "Boss... sa susunod na linggo na ang auction sa underground. At paniguradong maraming pupuntang elites doon... kaya magandang pagkakataon yun maglabas ng bagong droga." Droga? "Osge. Handle it, Simon! Siguraduhin mo lang na malinis ang mangyayaring bentahan." Napakunot noo ako. Hindi ako pwedeng magkamali... boses iyon ni Ninong Garry. Sen. Garry Fontanilla. Is he? a drug syndicate? Naramdaman kong papalabas na sila... kaya agad akong nagtago sa likod ng isang drum na naroroon. I need to confirm it... kung sya nga talaga ang nasa storage room. Nanlaki ang mga mata ko! T*ngina! Sya nga... ang isa sa kababata at matalik na kaibigan ni Daddy. Kasabayan nyang pumasok sa politika... Mayor si Daddy habang sya ang Vice Mayor. Naging Congressman si Daddy, habang sya ang Governor, at ngayon nga ay parehas na silang nasa senado. Isa din ito sa benefactor ng Falcon University kaya hindi ako makapaniwala! He is a drug dealer. Damn it! Alam ba to ng Daddy ko? Is my Dad also part of this? Nako... wag naman sana, hindi ko kakayaning malaman na sangkot si Daddy sa mga ganoong klase ng illegal. Oo, I am a famous highest bidder of guns/firearms in black market. But I never deal with drugs, I never tasted it... kahit halos lahat ng kaibigan ko sa black organizations ay mga high. Hindi ako nagsubok tumikim nun. But damn it! Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko maatim na malamang ang Daddy ko ay sangkot sa isang sindikato. I need to find answers to this. Hindi pwede! Hindi maaari. Ikakasira ito ng tatay ko and kahit may tampo ako sa kanya. Never kong hiniling masira ang pangalang pinakaiingatan at pinangalagaan nya ng halos ilang dekada ng buhay nya. ****************************** Yakap. Yakap ang sinalubong sa akin ni Mommy nang makita nya ako. "I miss you, Baby ko!" Maririnig ang masayang tono sa pagsambit ni Mommy kaya ngumiti lang din ako at niyakap sya. "Kamusta Mommy? I miss you too." Lumapit na din si Kuya Dom at kinurot ang pisngi ko... na ikinasimangot ko naman. "Hey, Baby sis! Bat di mo sinabi ha!" sambit ni Kuya Dom sa himig na parang nagtatampo. "Na ano! Aray kuya. (Binitawan nya naman ang pisngi ko.) Peste ka talaga!" tugon ko naman. "Na ikaw ang SumaCumLaude ng batch nyo! Kung di ko pa nakita sa program. Kaya pala congrats ng congrats ang Dean at ang Council kay Daddy kanina." Masayang sambit nito... so? I just rolled my eyes. "Bakit? Ano akala mo sa akin? Bobo? Tss..." iritang tugon ko na lamang. Kahit naman nagsi-skip ako sa klase at hindi masyadong pinapakitang nag-aaral sa mata ng iba. It doesnt mean hindi na ako nag-aaral ng mabuti. I need it for the future use. Kung bobo ka sa mundong ito. Kawawa ka... kaya kailangan mo ng good education kung gusto mong hindi ma-left behind. Hindi ko lang inasahang sumubra yung akin. Char. Yabang eh no. Kasi si kuya, MagnaCumLaude lang ito nung grumaduate. Oh well... lahat naman ng kaibigan ko CumLaude. Si Ysabel, Magna pero kung mas naging focus ito sa pag-aaral, sya siguro ang Suma sa batch namin. Kaya lang naging focus kasi ito sa marriage nila ni Daniel... kaya ayaw ko sanang umattend ngayon dahil may speech speech daw. Tsk. Ano naman kaya ang sasabihin ko? As you all know. Im not prepared... hindi ako naghanda ng speech, for what? Tsk. Bahala na kung anong lumabas sa bunganga ko mamaya. Nag-uusap lang kami nina Mommy and Kuya Dom nang lumapit si Daddy... grabe! Ngiting ngiti itong nakatingin sa akin. I know right! Paniguradong proud na proud ito sa anak nyang babae which is ako, dahil ga-graduate ang anak nyang suwail with flying colors, tsk. Naka-poker face lang ako. Kinokunsomo pa din kasi ako ng mga narinig ko kanina sa storage room. Pero hangga't wala akong ebidensya na sangkot sya sa sindikato. I will not judge my own father... tatay ko pa din ito, at naging mabuting ama din naman ito sa amin ni kuya at asawa kay Mommy. Kaya lang nawalan sya ng oras ng last term nito sa kongreso... kasi nga ay tatakbo syang senador after, yun yung panahong umalis ako sa bahay. "Congrats Dominica, anak. I miss you." Nakangiting bati nito sabay yakap sa akin kaya ngumiti na lang din ako at yumakap pabalik. Nakita ko namang papalapit ang mga reporters, tsk. Here it goes! This will be the first time... na makikita na ang mukha ko sa TV news at dyaryo... hays. "Thanks Dad. I miss you too..." sambit ko naman. Napatingin naman ako sa mukha nito... may signs na tumatanda na rin ito pero andon pa din ang ganda ng postura nito... pero hindi kayang tanggapin ng sistema ko na ang tatay ko na sobrang mahal ang bayan ay parte ng sindikato na sumisira ng buhay dahil sa illegal drugs. I cant take it... I need to find out the truth, the sooner the better. Nang makalapit ang mga reporters agad itong nagtanong about sa akin. "Sya na po ba ang nag-iisang anak nyong babae, Sen. Falcon?" tanong ng isa. Nakita ko naman ang magandang pagkakangiti ni Dad habang pinapakilala ako. "Yes. This is my only daughter, Dominica Falcon." Maraming mga reporters na namangha ng makita ako in person. Dami ko ding natanggap na papuri like maganda daw ako, matalino, at nakaka-proud na maging anak. Sarap nga mag-roll eyes pero pinigil ko lang. Pero syempre may mga magtatanong talaga bakit ngayon lang daw ako humarap sa media... as if I wanted it or dreamed to be the center of attention of the public, tsk. Hindi ako sumagot... Dad did that for me. "Noong mag-senior highschool kasi si Dominica ay pinili na nitong maging independent... kaya hindi na ito masyadong na-expose sa mata ng publiko. At yun naman ang hiniling nya noon... to have a private life. But not until now..." sambit ni Daddy... tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nya. "Siguro nga po. I cant really escaped the eyes of the public being a Falcon." Charot ko namang dugtong... tsk! Mabuti na lang at tumigil na din sila... at ayun nag-request lang sila ng isang family picture sa amin... kaya pose naman kami ng pose, kakaumay. Nakita ko din si Kuya Dom, feel na feel nya talaga ang atensyon ng media sa kanya... ang kapal. Marami ding nag-congrats sa akin like the President? Wala eh, malakas tayo! Nakamayan ko ang Presidente ng bansa. "Dad, Mom... punta--" naputol ang pagpapaalam ko kina Mommy at Daddy nang biglang may masamang hanging sumulpot sa gawi namin. "Hello, Iha. Long time no see. Madami na tuloy akong utang sayo, and congrats for being the best of the best in your batch... ang swerte talaga nitong kaibigan ko sa mga anak nya. sana ganyan rin si Grace at Gilmore... hays. Mga pasaway." Pagbati nito at ngumiti lang ako ng medyo pilit. Its Ninong Garry... kung di ko siguro narinig ang mga narinig ko kanina hindi siguro ako maiilang sa presensya nya. "Thanks po, Ninong..." sambit ko lang. Bigla namang may sumulpot sa gilid nito. Ngumisi ito nang mapatingin sa akin. Hindi ko na napigilang magrolyo ng mata. "Hi babe!" pagbungad nito. Gilmore Fontanilla, patay na patay sa akin. Ugh! He even suggested to be engaged with me when we were just 13 years old... nakaka-badtrip lang. Buti di pumayag si Daddy. I know Dad, ayaw din nito kay Gilmore na maging jowa ko... asawa pa kaya?, pinapakisamahan lang naman ito ni Daddy dahil magkaibigan sila ni Ninong Garry... kaya sobrang iwas ko talaga rito. Mabuti na nga lang at hindi ito nag-aral rito sa FU nong college. Ang dalawang anak kasi ni Ninong Garry ay pinaaral nya sa ibang bansa... kaedad ni Kuya Dom si Gilmore habang si Grace ay kaedad ko pero balita ko andon sa Paris at nag-aaral ng fashion designing, tss. Ambisyosa rin nun eh... inggit yun lagi sa akin, kaya hate na hate nya ako... and wala akong pakialam kung hate nya ako dahil mas ayaw ko sa kanya. Nasabunutan yun dati ni Ysabel eh. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang mga panahong yun. "Babe your face!" Irap ko sa kanya. "Dominica..." warning naman ni Daddy, tsk. Tinignan ko naman si Mommy saying na pupunta lang ako sa mga kaibigan ko... kina Ysa. Alam naman na nila ang ugali ko... kaya tumalikod na ako. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Gilmore. Ugh! "Hey! Kahit anong gawin mong pagiwas sa akin, Nica. Sisiguraduhin kong tayo pa din ang magkakatuluyan..." litanya pa nito na akala mo siguradong sigurado ang gago. "T*ngina mo! Just keep on dreaming Gilmore!" tugon ko rito at mabilis na naglakad patungo sa mga kaibigan ko, dahil sigurado ako di yan lalapit sa akin kapag kasama ko ang tropa. Kung ayaw nyang mabugbog nina kuya. Matinding kaaway nina kuya ang grupo nina Gilmore noong highschool days... pinapakisamahan lang sya ni kuya minsan dahil anak siya ng Ninong namin na kababata ni Daddy. Pogi naman si Gilmore... kasing tangkad din nina Kuya Dom. Pero di nakakalaglag panty... walang feels, kulang sa charms. At ang taas ng tingin sa sarili... dahil politiko ang ama kaya akala nya hawak nya na ang nasa paligid nya... na kaya nyang bayaran na gawing mali ang tama. Ganun sya ka mandurugas... using his money to manipulate things and people for his personal gain. "Si Gilmore ba yun, Sis?" tanong agad ni Kuya Dom na nakatingin sa gawi na pinanggalingan ko... tumango lang ako. "Bumalik na pala ang gago!" sambit naman ni Anthony... sabi sa inyo eh. Nag-aalala namang tumingin si Ysa sa akin. "Okay ka lang, Nics? Hindi ka ba nya hinarass?" tanong nito. Umiling lang ako at ngumisi. "Subukan nya lang. T*ngina nya... tsk," tugon ko naman. "Aba? Ang lakas na ng loob ng hayop na bumalik rito pagkatapos tumakas sa mga awtoridad noon..." sambit din ni Daniel. Yes! Kaya pinatapon din yan ni Ninong Garry sa ibang bansa para maglaylow, nahuli kasi itong nagpupuslit ng droga... and now thinking of it... baka galing din yun sa tatay nya. Speaking of what I've heard kanina... hindi ko muna ito sasabihin sa barkada hanggat wala pa akong sapat na ebidensya. Mahirap kalaban si Ninong Garry... lalo na at kung totoo ngang myembro ito ng isang sindikato. Wag nya lang idamay ang tatay ko... kundi lintik lang ang walang ganti. I know my Dad is innocent with this. ang kinakatakot ko lang ay baka ginagamit nila ang university as a pawn to his games.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD