ONE

1869 Words
YEAR 2021 Dominica's POV "Hey! Nica let's play... I have my new set of princess dolls. Mama bought it from Japan, they look pretty," bungad sa akin ni Ysa, pero di ko sya pinapansin. Alam nya namang ayaw ko ng mga manika... I better read books. "Com'on Nics! Here. (sabay abot ng isang manika, pero di ko ito tinanggap.) Sge na, kahit labag man sa loob ko... sayo na si Belle, alam ko namang naiinggit ka lang kasi kompleto ko ang mga princess dolls. Tsk, ito na oh." Tinignan ko sya, wow ha! binibigay nya nga sa akin pero nakasimangot naman nitong iniaabot sa akin... maldita talaga ng bruhang to. Kinuha ko nga ang manika sa pagkakahawak nya atsyaka itinapon sa kung saan, tss. "Waahh!! Grabe ka Nica! (Kinuha nya naman ulit yun sa sahig... at sinuklay suklay ang buhok... tss) Grabe ka kay Belle! Alam mo bang si Belle ang pinakamagandang babae sa lugar nila? But she's odd, weird and so fascinated in reading books just like you... kaya nga gusto ko syang ibigay sayo eh... tsk!" daldal nya pa... tss. Hindi ko nga sya tinitignan, pero nakikinig ako, as if I have a choice not to... sa kadaldalan ni Ysabel, di ka nya titigilan. "Saang fairytale story sya galing?" out of nowhere na tanong ko. "Beauty and the Beast." Beauty and the Beast? I cant remember watching or reading those stuff. "What's the story?" I asked again... wala lang. Nakita ko namang tinignan nya ako ng may pagkagulat. "Seriously Nica? Hindi mo alam ang kwento na yun... ako nga 3 years old palang ako, alam ko na ang kwento ng mga disney princesses. Oh well... she was locked up by a beast in a magical castle in exchange of her father's release. At first, she hated the beast for locking her up but then she falls in love with him, despite of ugliness and monstrous attitude of the beast --the end, thats all." Pagmamadali nya sa pagkukwento... tss. Anong klaseng istorya yun, posible ba yun? Mahalin ang taong nanghamak sayo... kalokohan. Mabilis nya namang inilagay sa lalagyan nya yung mga dolls nya. Problema nya? Mukha syang nagmamadali. "Saan ka pupunta, Ysa?" tanong ko. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti... at inabot uli si Belle na manika. "Oh... gift ko sayo, alagaan mo sya ha," sambit nya at hindi ko alam pero tinanggap ko na iyon. Bigla kasi akong nacurious sa kwento ng beauty and the beast eh. "Bukas na ulit tayo maglaro, Nics. I need to be with my prince charming eh. Babye!" Tinignan ko naman ang direksyong pinuntahan nya. Kaya naman pala, hahabulin nya na naman si Daniel at kukulitin... tsk! Napailing na lang ako. Nagkatitigan naman kami ng manikang hawak ko. Ito ulit ang unang beses na nagkainteres ako sa isang manika... Belle is her name. ****************************** YEAR 2026 "Hoy!" Paggulat sa akin ni Ysabel... hays, as usual andito na naman sya sa bahay namin.. Sunday ngayon kaya andito na naman sya manggugulo.. Hindi ko na lang sya kinibo at ibinalik ang focus sa laptop ko. Naramdaman ko naman syang umupo sa tabi ko.. "Guns?" sambit nya, tumango lang ako... at isinusulat sa journal ko ang mga pangalan, gamit, at origin ng mga ibat ibang klase ng baril/ firearms, from pinakaunang nadiskubreng baril sa pinaka-latest kind. At dinidikitan ko din ito ng mga litrato para mas ma-familiarize ako. "Why Nics?" she asked again. "Nah... I just love them, and I will buy and collect this someday..." sagot ko naman. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng fascination sa mga baril, toys that can protect and save you. "Just be careful, Nics! It looks dangerous," sambit naman ni Ysa, at nginitian ko lang sya. "Don't worry. This world is more dangerous as you know it," tugon ko naman na ikinibit balikat lang nya. "Sabagay," sambit nya at tumayo na, at sumubo ng cookie na inihanda ng kasambahay kanina para sa snack namin. "Oh... saan ka na naman?" tanong ko pero ngumisi lang sya at kumindat. "Nagpapasama si Daniel eh. Bibili daw sya ng materials para sa project nya... bye!" At kumaripas naman ito nang paglabas ng kwarto ko, tss... napailing na lang ako. Basta tungkol kay Daniel, ang bilis nya lagi. Sasaktan lang sya nun eh, sayang lang ang pagmamahal na inilalaan ni Ysa, pati ang oras at panahong iniaalay nya sa taong di naman sya mahal. Halata namang tine-take for granted lang din sya ng isa, kainis. Barilin ko talaga yang si Daniel pag may baril na ako... tsk! ******************************* YEAR 2033 (Present Time) Nasa klase ako nang makatanggap ako ng tawag kay Hani, anak ni Tito Edward at Tita Hana. "Oh? Andito ka na naman sa Pilipinas?" bungad ko, gala din itong batang to eh. "Yes, Ate Nica at andito ako sa University nyo, kasama ko si Ate Ysa. Gala daw tayo dahil hindi sya papasok sa afternoon class nya." Binaba ko naman kaagad ang tawag at nagpaalam sa Prof ko na pupunta lng ako sa clinic, dahil masama ang pakiramdam ko. At syempre, naniwala sya at pinayagan akong lumabas. Aba, kung may masamang mangyari sa akin, lagot sila kay Sen. David Falcon na may-ari ng University na to... tsk! Dali dali akong pumunta sa parking area, at mas nauna pa akong nakarating doon kesa sa dalawa. And ayan na nga sila approaching... "Hey! Saan tayo gagala?" Pagbungad ko sa kanila, at ngumisi naman si Ysabel. "Amusement park?" sambit nya. Wahh! nakakamiss din pumunta doon. Tamang tama, stress ako dahil naubos kasi ang pera ko sa last auction na pinuntahan ko eh, tsk. Ang ganda kasi nung Smith & Wesson Model 29 , its a N-frame revolver chambered in .44 magnum and was first introduced in 1957. So alam nyo yun? so old kind... nakaka-excite makuha yun. That's why I spent a lot of money just to win it. "Libre mo to ha, wala akong pera eh..." sambit ko naman. Ang sama tuloy ng tingin ni Ysa na pinupukol sa akin, alam nya na kasi yan kaya nginitian ko na lang sya. "Seriously, Ate Nica?? Ikaw mauubusan ng pera? Siguro..." singit naman ni Hani, tss... tinignan ko nga ng masama. "Lagot ka talaga sa tatay mo! Dominica Falcon! Kailan mo ba ititigil yan?" Medyo napalakas ang pagsambit ni Ysa kaya hinampas ko sya sa balikat nya at tumawa. Baliw din to eh. "Oh com'on. I just love buying guns and such... and please, hinaan nyo lang ang mga boses nyo. Baka may makarinig, its a top secret you know." Kibit balikat na sambit ko na lang sa kanila... ganyan lang sila na yan, lakas maka-concern lalo na si Ysa but then she never meddle with my hobbies... as long as I am happy with it. "Eh bakit kailangang sa Black Market pa? Nako. Just be safe, Dominica, alam mo namang may katungkulan ang tatay mo sa gobyerno. Its not good you know..." pangaral nya pa sa akin, nag-pout lang ako at ngumiti. Umalis na nga kami pa-Laguna. Pupunta nga kasi kaming Enchanted Kingdom. Yehey! Halos puro extreme rides ang sinakyan namin, ang saya lang yung adrenaline rush na naidudulot nun --lalo na sa roller coaster akala mo final destination mo na eh... pero pinakagusto ko talaga ay ang EKstreme Tower, yung dahan dahan kayong iaakyat pataas ng 40 meters high tapos biglang bagsak ng mabilis, damn! Parang nagmahal ka tapos biglang iniwan ka lang... halos malaglag ang puso ko. Ang saya kaya, mukhang naiwan pa nga kaluluwa ko sa taas eh. Tawa lang ako nang tawa habang ang dalawa halos maiyak na sa takot. Pero nung sumakay silang carousel, hindi ako sumama... alam nilang di ko tipo ang mga ganong ka-child like na mga rides. I don't like magical feeling stuffs! Its killing me... pinapaalala lang nun ang nawalang parte ng kabataan ko... tsk! Kaya nag-decide akong maglibot libot muna... medyo padilim na din nang madako ako sa isang part na wala masyadong tao... ang creepy! Kaya agad akong umikot pabalik sa kinaroroonan nina Ysa nang may bigla akong nabangga, hindi binangga nya talaga ako... pero s**t! Ang bango nya nang madampi ang mukha ko sa dibdib nya, he smells so good... nakakaakit. "Are you lost baby girl?" Napatingala ako nang magsalita sya... damn! nakaka-hypnotize ang lalim ng boses nito... a bedroom voice, nakakamasa... char! But seriously, boses palang at built ng katawan nya, nakakaakit na. Pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang feeling... di ko alam kung takot o kung ano man. I feel chills, hindi ko maaninag ang itsura nya. Dahil na rin sa medyo madilim ang parteng kinaroroonan namin. But I saw his eyes, its blue... and so deep, nakakalunod --nalulunod ako sa mga tingin nya sa akin. Para akong nahuhulog sa isang kawalan just by staring at his beautiful deep blue eyes. I am about to say something, nang biglang humangin at napuwing ako... kaya napakurap kurap ako. Nung maayos na ay tumingin ulit ako sa harapan ko pero... he suddenly disappear... yung lalaki, bigla nalang syang naglaho... damn! ano yun? totoo ba sya o imahinasyon ko lng. At syempre nakaramdam din ako ng biglang takot kaya agad akong umalis roon... s**t talaga! "Oh Nics... dito!" Nakita ko naman kaagad sina Ysa, nakaupo na sila sa isang bench... waiting for the fireworks display. Kaya naupo na rin ako at binalewala ko na lang ang nangyari kanina... hays. Napatingin naman ako sa gawi ni Ysa, napapagitnaan kasi namin sya ni Hani... nakangiti ito. "You should smile often, Ysa. Mas lalo kang nagiging attractive, kapag nakangiti ka..." pahayag ko. Alam ko, she's really hurting inside... dahil sa sobrang pagmamahal nya kay Daniel. Gago din kasi yun eh... kasal na nga sila tapos binabalewala nya lang ang best friend ko. Ysabel is already one of a kind... pero ano pa bang hinahanap ni Daniel. s**t din yun eh... kaya ako? kung masasaktan lang rin ako dahil sa punyetang pagmamahal na yan, mas pipiliin ko na lang mamatay... tsk! "Siguro Ate Ysa... andami mong stress ngayon kasi nagyaya kang mag-amusement park? Ganun ba nakaka-stress mahalin ang isang Daniel Apolonio Jr.? Hays..." sambit naman ni Hani. Baliw din ito eh, tatanungin pa... eh obvious naman na ang sagot. Mas lalo nya lang ginagatungan yung sakit na nararamdaman ni Ysa. Bigla namang nagliwanag ang kalangitan, napuno ito ng ibat ibang kulay --fireworks, parang putok lang ng mga baril ang tunog nito... tss. Ito yung mga best part na magandang bumaril ng tao eh kasi hindi mahahalata at hindi aakalain ng iba na may napatay na pala... hays, mga naiisip ko din minsan... sabagay, ganun naman talaga ang buhay --its a matter of life and death. Napabuntong hininga na lang ako. Bigla namang nagsalita si Ysabel, "Medyo gumaan ang pakiramdam ko, ang bigat kasi.. ang bigat bigat na ng pagmamahal ko kay Daniel. Parang gusto... gusto ko ng i-release yung bigat na ito. I just want to set him free." Nasasaktan na talaga ang best friend ko, kaya niyakap ko na lang sya --to atleast maramdaman nyang, I am just here supporting her in every decision she will makes. Napapikit naman ako sandali pero napamulat rin kaagad dahil bigla na lang nag-pop up ang mga mata ng lalaking nakabangga ko kanina... damn! --Those deep blue eyes!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD