GALAXY BAR
Dominica's POV
"Hey!" tawag pansin ko kina Ysa at Hani nang makapasok ang mga ito sa bar ni Tito Art.
Kumaway naman si Hani habang napansin ko ang pagkabalisa ni Ysabel.
"Hala! Buti na lang pinapasok ako..." sambit naman ni Hani sabay halik sa VIP pass na card nya. Sabagay 16 palang kasi sya kaya hindi dapat sya nakakapasok pero dahil may VIP cards kami na binigay ni Tito Art, anytime pwede kami rito, oh well... special ang VIP cards na iyon, with names namin yun at may serial number... parang credit card ang itsura and having that card also means free drinks and foods sa kahit saang bar na pag-aari ni Tito. And kami lang sa barkada ang meron, depende na lang kapag may gustong bigyan si Anthony o si Tito.
Naupo naman na kami sa bar counter at umorder ng drinks. Tamang alcohol lang pangpalakas ng loob mamaya sa dance floor.
"Hoy Hani mag-shake ka lang ha..." paalala ko rito at tumango naman sya. Mahirap na baka malaman pa ni Leyson, patay ako don. Nakakatakot pa naman ang aura ng lalaking yun, grabe. Kung kilala nyo lang talaga sya. Tindig palang nun nagsusumigaw na ng "I AM THE KING", kaya wag kang haharang harang sa dinadaanan nya. Si Ysabel at Hani lang di natatakot dun eh.
Oh well... Tinignan ko naman si Ysabel, ang tahimik nya.
"Problema?" I asked her... alam kong may problema na ito, hindi sya pupunta rito kung wala. Tinawagan kasi nya ako kanina kung nasaan daw ako. Hindi naman kasi ma-night out na tao si Ysabel, pumupunta lang yan sa bar kapag may family gatherings kami na dito ginaganap o nagkayayaan ang barkada. Pero sabihing sya mismo? Iinom gabi gabi rito? Ako lang yun... ako lang ang ganun.
Tinungga naman nito ang inorder na alak bago sumagot.
"Nag-usap kami ni Daniel kanina pagkauwi natin galing sa EK and nag-suggest ako ng divorce." What? tsk. Malungkot ba sya dahil pumayag ang gago?
"Pumayag ba sya?" tanong ko... pero umiling lang ito.
"Hindi naman pala... so ibig sabihin ayaw nyang maghiwalay kayo. Eh dapat maging masaya ka diba?" komento ko pa, nakita ko ang paghigpit ng hawak nya sa baso.
"Sino ba ang sasaya... kung ang dahilan kaya ayaw nyang pumayag ay siya? He is staying with me because he wants to protect the woman he loves... ang sakit, ang sakit sakit Nics!" kwento nito at yumakap sa akin... naramdaman ko ang pag-iyak nito, damn that jerk! Gago talagang Daniel na yan... t*ngina nya. Niyakap ko naman din si Ysabel. I patted her back. Nakatingin lang din si Hani sa amin, alam ko malungkot rin ito sa nakikitang kahinaan ng soon to be Ate nya.
"Enough! Tara, sayaw na lang tayo. Isayaw na lang natin ang heartbreak na iyan..." yaya ko sa kanila kaya tumayo na ako at hinila ang dalawa sa dance floor.
We are enjoying the party music. Kembot rito, kembot roon. We are like a party animals. Walang pakialam sa paligid. Kahit halos tyansingan na kami ng mga lalaki roon. But then, alam kong safe kami rito sa bar ni Tito. Not until mapadako ang paningin ko sa second floor. Bigla akong napadahan dahan sa paggalaw ng bewang ko habang nakatanaw pa din sa itaas, sa lalaking nakatingin din sa akin. Well, hindi ko sure kung ako talaga ang tinitignan nito but my guts are saying so, tumungga ito sa hawak hawak nyang kopita habang hindi rin iniaalis ang tingin sa gawi ko. I have this feeling that I know him... deep inside me is shouting that I know the man. Hindi ko masyadong maaninag ang hitsura nito dahil madilim sa parte nya. Pero... bigla akong napapikit and suddenly I saw that deep dark blue eyes again. Nag-flash ito sa isipan ko... sya ba yun? Kaya bigla akong napamulat and sa pagmulat ko, wala na ang lalaki sa taas. What the? Am I hallucinating things?
Tsk! Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Lumapit naman ako sa gawi nina Ysabel nang may humablot rito. Damn!
It's Daniel... at nakasunod rito sina Kuya Dom at Anthony. I am about to say something nang umalis na lang ito bigla dala dala si Ysabel. Susundan ko sana nang hawakan ako ni Kuya Dom. I look at him.
"What?" sambit ko.
"Don't follow them, Sis. Alam ni Daniel ang ginagawa nya..." sagot naman ng magaling kong kuya, tss. I just rolled my eyes.
"Alam? ang alam lang nun ay saktan at paiyakin ang best friend ko. T*ngina nya," inis kong sambit. Galit talaga ako kay Daniel kahit noon pa mang mga bata kami. Dahil nakita at nasaksihan ko kung paano nya paglaruan ang damdamin ni Ysabel... ito namang gagang kaibigan ko sige pa din ng sige kahit sobrang nasasaktan na, hays. But still I can't stop her for loving Daniel so much... kasi doon sya masaya, ayaw ko namang kunin ang sayang nararamdaman nya dahil sa ayaw ko lang syang nasasaktan.
Ironic, right? Yung kung ano pa ang nanakit sayo doon ka pa nakakaramdam ng sobrang saya, hays.
"Nica... watch your words," suway pa ng Kuya ko, tsk. Kainis din tong isang to eh. Pa-goodie goodie pa akala mo santo, demonyo din naman. Inirapan ko lang sya. Hindi naman sa may galit ako o kung ano sa Kuya ko pero s**t lang. Nakakasuka kaya ang kabaitan nyan, eh alam na alam ko namang galing din sa empyerno yan. Kaya nga kami magkapatid, diba.
"Ms. Hanibella!"
Napatingin naman kami sa gawi ni Hani nang may tumawag rito na galing sa second floor.
Men in black. Napasapo ako sa noo ko! Patay! Mga tauhan yan ni Frederik Leyson Wilford.
Mabilis na yumakap sa bewang ko si Hani.
"Ate! Ayaw ko pang bumalik sa Spain. Ang boring doon! Araw araw kong kasama si Leyson... nakakaumay na ang pagmumukha nya. Buti sana kung nakangiti... eh halos talunin na si Mona Lisa sa pagkaseryoso," paawang sambit pa ni Hani, tsk. Eh pagtumakas kami sa mga yan... ako naman ang patay kay Leyson, the coldhearted monster!
Lumapit na rin ang mga men in black sa amin. Buti dalawa lang ito kaya hindi nakakaagaw ng atensyon masyado.
"Ms. Hanibella! Mr. Wilford ordered us to bring you home this instant. Please come with us." Pagsusumamo din ng mga ito... halatang natatakot ang mga itong bumalik sa Spain na walang dalang Hanibella Custodio!
"Hani... sumama ka na. Mas magagalit si Derik sa amin kapag di ka pa umuwi," sambit naman ni Anthony.
Tumango lang din ang Kuya ko bilang pagsang-ayon rito.
I look at Hani.
"Sge na little girl..." pagtudyo ko rito na sumama na sya sa mga tauhan ni Leyson. Malungkot lang itong tumingin sa akin at nag-pout.
Pero bago pa man sya makaalis sa tabi ko... binulungan ko pa sya.
"Takas ka na lang uli kapag may chance.. Have a safetrip." At ngumisi rito.
"Ate Nica naman eh! tsk. Sige na. I'll text na lang din si Ate Ysa na umuwi na ako. Bye!" Nakasimangot at bagsak balikat na paalam nito at sumama na sa mga men in black ni Leyson.
Ako naman? Aalis na ako rito... andito kasi ang kapatid ko kaya nakakawalang gana ang ambiance.
I am about to make a step nang magsalita sya, "Saan ka na naman pupunta, Nica? Sabay ka na sa kin. Lets go home. Namimiss ka na ni Mom..." sambit nito... pero di ko sya nilingon at naghakbang na palabas. Pero hinablot pa nito ang braso ko.
Kaya iwinaksi ko lang iyon at nagsalita ng hindi nakatingin sa kanya.
"At sa tingin mo sasama ako sayo? Tsk. Dream on, santo kong kapatid."
*****************************
Andito ako sa isang beach resort sa Cavite. Dito ako dinala ng guts ko nang umalis ako doon sa bar. Tamang tambay lang sa dalampasigan. Medyo malamig ang simoy ng hangin, dahil na rin naka-backless fitted casual dress pa din ako. I didnt even bother to wear my jacket, iniwan ko ito sa kotse ko. Okay lang din naman dahil may dala akong canned beers, pangpainit lang ng lalamunan.
Nakaupo lang ako sa buhanginan at nakatanaw sa madilim na dagat.
"If I have experienced a happy normal life when I was 5? Ganito din kaya ang kahahantungan ng buhay ko ngayon?" tanong ko sa sarili ko.
Tss... napailing na lang ako. Nangyari o hindi man ang nangyari noon. Hindi pa din magiging normal ang buhay ko being with this family. Walang salitang "normal life" sa pagiging Falcon. Buti na nga lang at bago naging senador ang tatay ko ay wala na ako sa puder nila... kaya medyo naging normal ang buhay ko. Walang sunod sunurang bodyguards na magbabantay sa bawat galaw mo dahil wala namang magtatangka ng masama sayo dahil hindi ka naman kilala ng mga tao, by name siguro pero ng dahil nga umalis ako sa bahay namin... hindi na ako nasasama kapag may mga TV guestings o interviews si Dad sa mansion bilang isa ito sa pinakamayaman at magaling na senador ng bansa... tss.
Inisang lagok ko ang natitirang beer in can ko.
"Kakainggit naman ang mga taong pinagsisilbihan ng tatay ko. Buti pa ang ibang tao, inuuna nya at pinaparamdam na mahal nya ang mga ito, tss..." monologue ko, at tumayo na... makauwi na nga lang.
Habang naglalakad ay nakatungo ako at pinapagpag ang buhangin na kumapit sa damit ko nang biglang naramdaman ko ang pagdampi ng ulo ko sa isang medyo matigas na bagay, pero hindi malakas ang impact kaya hindi naman masakit.
Napatingala ako. Ops! Dibdib pala iyon ng isang tao.
"Sor--" naputol ang paghingi ko ng sorry nang magsalita ito... napasinghap naman ako nang marinig ko ang isinambit nito.
"Are you lost baby girl?"