:/
••••°°°••••
A busy street in a busy city. This place have been a shelter to me.
Nakakapanibago parin ang lugar. Matagal na mula nung umalis ako at dito na naglagi pero parang hindi pa sanay ang katawan ko sa lugar.
This place should be a mark of the beginning of the end, but every time I roam around and try to explore new things my body keeps on bringing me in places where the island looks like.
I watch the people walk past where I was seated. Puro mga nakasuot ng office attire. Pormal na pormal, di kagaya ko nakasuot ng pajama sa loob ng isang five star restaurant. Wala pa sa kalingkingan ko ang kahihiyan dahil naka leopard print pa ito. Hindi nadin ako nagtataka kung panay ang tingin ng mga tao sa akin ngayon sa loob ng restaurant.
"Hey." Tawag sa akin ng taong pinunta ko dito.
Nilingon ko siya at nakitang hindi man lang mukhang nagmamadali at nagawa pang maglakad na parang nagfi-flex sa kakisigan niya.
Kanina ko pa siya tinawagan bago ako pumunta sa restaurant na ito malapit sa kompanya niya pero sobrang tagal niyang dumating.
An annoyed and pissed expression were plastered in my face. As when he saw my damn expression he suddenly plastered an annoying smile.
I was on the edge, holding my fork tightly before I throw it into his damn face.
"What's with the face, babe?" He asked. Even though it was so pure of concern but it still annoyed her because there was a hint of playfulness the way he deliver it.
"Face my ass." Pinagcross ko ang braso ko sa dibdib ko at pinatong ko sa isang binti ko sa kaliwa at nag-iwas ng tingin.
"Amp bastos." Tinakpan niya pa ang tinga niya. Mas lalo tuloy akong nagalit sa kaniya.
Natatawa niya akong tinignan at saka naupo sa upuang nasa harapan ko.
"Gusto mo?" May diin kong sabi at ipinakita ang kamao ko.
"Babe, chill." Natatawa niya pang sabi at ininuman ang shake na inoder ko. Malakas ko siyang tinampal dahil dun.
"Akin yun, ano ba?! That's mine!" Hindi niya pinansin ang mga pinagsasabi ko at inenjoy niya na lang ang shake ko.
Bwesit. Ba't nga ba ako nandito? Bakit nga ba ako nakipagkita sa bugok na to? Ay, oo nga pala. Uuwi na pala ako sa Pilipinas.
"Uy!" Tawag ko sa kanya.
He might be my boyfriend pero wala akong ka sweetan na nananalaytay sa dugo ko. Kung maging sweet man ako baka may gagawin akong masama.
"Hmm?" Sagot niya sa akin ng hindi lumilingon.
Hindi ako sumagot, sa halip ay kinuha ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang notes ko. Nakakunot noo niga itong tinignan at pagkatapos basahin ay nagtataka niya akong binalingan. Nagtatanong.
"And?" Tinaasan niya ako ng isang kilay at sumimsim sa iniinom.
"Are you f*****g serious?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Parang ginagago ako ng tukmol eh.
"Joke lang. Ito naman hindi mabiro."
I snorted. "And then?"
"Ay uma-attitude ka, babe." He make a puppy face. I only glared at him at hindi na siya pinansin.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pang-di-delete ng mga notes. Wala naman ding silbi dahil hindi naman din siguro kami aabot sa birthday nung inaanak ko.
Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi ko na lang siya binalingan. Mas tinuon ko ang pansin ko sa pag-rereschedule dahil mas madali iyon sa akin. Wala pa man din akong self descipline. Hayst.
"Babe." Tawag niya sa akin. Ramdam ko na pagtitingin ako sa kanya magpapa-awa na naman ito.
"Babe." Sa pangalawang pagkakataon ay tinawag niya ako. Base sa boses niya ay papaiyak na ito. Medyo gumaralgal na din ito. Inipit ko ang laman ng pisngi ko sa loob just to sniffle my smile. Mas tinuon ko pa ang paningin ko sa cellphone ko kahit wala naman akong ginagawa.
"Babe naman, eh!" Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Sobrang lakas na halos mahulog na ako sa kinauupuan ko. Mas lalo akong natawa dahil nagpapadyak na siya.
What a sight. Haayy!
"Ano? Happy?" Sarkastong tanong niya. Mas lalo tuloy akong natawa.
Tinanguan ko siya at natatawang sumagot. "Yes."
"Satisfied?" Tanong niya kahit hindi na maipinta ang mukha niya. Tumango na lang ako sa kanya at pilit na nilalabanan ang tawa ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagpuksa sa tawa ko ng banggitin niya ang lugar na iniiwasan ko na nang matagal na panahon.
"Sta. Fe." Sabi niya. Nawala na ang kaninang kaaya-aya kong disposisyon at napalitan iyon ng lungkot at pangungulila. Nilingon ko siya. Kahit hindi niya sabihin ay nag-dadalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya ang lugar na iyon.
Matagal na panahon na man din iyon pero hindi ko makalimutan lalong-lalo na ang taong nakahimlay doon. Napakatagal na panahon na din na hindi niya mabanggit ang lugar na iyon. It's almost ten years pero alam kong nasa puso parin namin ang sakit na inukit ng iisang taong kilala namin.
"Kaya mo?" Tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya. Nakatuon sa iba ang paningin niya.
"Ikaw?" Nilingon niya ako at binigyan ng nagtatakang tingin. "Kaya mo ba?" Napaiwas siya ng tingin sa akin. "Ako kasi, kaya ko. Matagal na yun—"
"Matagal na pero alam ko na siya parin." Putol niya sa sasabihin ko. Gulat akong napatingin sa kaniya. Malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa akin at bumuntong hininga.
"Tss..." Maangas kong sabi peri sa kaloob-looban ko ay natatakot ako. Natatakot ako sa katutuhanang ginagamit lang namin ang isa't isa para panandaliang madivert ang pansin namin sa nakaraan.
"Totoo naman, diba?" He stared at me with a glint of sadness in his eyes.
Napayuko ako at napalabi. "I don't deserve you." Yun lang ang masasabi ko.
Hindi ko alam kong anong plano ng Diyos at naging kami. Dahil sa totoo lang, hindi kami compatible. Siya, mas matanda sa akin at naghihiganti sa taong gusto ko at sa pamilya niya, habang ako, gusto yung taong paghihigantihan niya at ang pamilya nung taong yun.
Hindi ko bakit nasisikmura pa niya ako kahit na ganito ako kabaliw.
"Neither do I." Sabi niya at tumayo at inayos ang pagkakabutones ng coat niya. He already paid the bill at hinalikan ako sa noo bago nagpa-alam na babalik na sa kompanya.
"Gotta go, babe." Sabi niya at humalik sa noo ko. "Take care and don't forget to your meds, okay?" Masuyo niya ako tinignan, tumango ako sa kaniya pero hindi ako ngumiti.
Tumalikod na siya at naglakad palabas ng restaurant habang ako ay sinusundan siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Napatitig na lang ako sa dinaanan niya at kunukwestyon ang sarili.
Do I really deserve him? Hindi ba sobra naman yata na ibigay siya ng Diyos sa akin matapos niyang kunin ang taong yun?
Napabuntong hininga ako sa naisip ko. God may have a plan at alam ko iyon pero ang isang to ay hindi ko maintindihan. Hinding-hindi ko maiintindihan ang rason kung bakit kahit kailan man.
"BABE PAKIKUHA please nung box na yun sa may drawer." Pakiusap niya sa akin. Kinuha ko ang tinutukoy niya and I handed it over.
We are already packing for the flight tomorrow morning. Nakaschedule na iyon at hindi na namjn ma-aatras yun dahil baka sapilitan na kami nilang isakay sa eroplano dahil palaging na momove ang araw ng kasal nila Jeanne dahil sa aming dalawa— not necessarily na kaming dalawa but parang ganun na nga.
Naimbitahan kasi kami for the upcoming wedding niya kaya mahirap tumanggi lalo na at best friend ko yun.
Pagkatapos naming mag-impake ay natulog na kami para hindi kami ma late sa flight bukas.
When the morning strikes mabilis kaming nagbihis at bumaba sa condo naming dalawa at nagpahatid sa driver nila sa airport.
Habang papunta doon ay nagsimulang manlamig ang kamay at ang talampakan ko. At alam ko kung bakit. The island.
Pagkarating namin sa airport ay may 30 minutes pa kami bago ang flight kaya hindi kami nagmamadali papuntang emigration. Nang okay na kami at pwede na kaming sumakay sa eroplano ay pumunta na kami.
Habang nasa himpapawid kami ay nawawala ako ss isip ko at sa daming pwedeng sitwasyon na dadatnan ko sa isla. Ang port, kung nag-iba na ba ito? Ang mga tao doon, kung umasenso na ba? Kung mas lumawak na ba ang resort at mas marami na ba ang maa-accomodate nila? Ang bahay namin. Ang mga kaibigan ko.
I scoffed at my self. Sinong pinagluluko ko? Alam ko sa sarili ko kung bakit ganun na lang ang reaksyon patungo sa isla.
Sa tagal na panahon ay hindi ko malilimutan ang araw na iyon kung kailan nawasak ang puso ko at ang isla lang na iyon ang nakakita noon.
Ang isla iyon ang nakakita, huling nakakita sa dating ako. Sa isla ding iyon nawalan ako ng kapatid at karamay sa buhay. Doon ko din nalaman ang totoong ako at kung sino talaga ako bago ang aksidente.
Ang lugar kung saan pinangakuan kong hindi ako babalik pero heto ako ngayon, nakasakay sa eroplanong papunta sa bansang iniwan ko na nang matagal na panahon.
Tss... Sadyang mapagbiro ang buhay. You don't know if your life is full of mystery or full of lies.
Tumunghay ako sa gilid ko kung saan naroon ang bintana. Nangako akong babalik ako, kaya heto ako, pero masakit padin sa akin ang nangyari.
TRIXIE_JM
Please like, comment and share. Kindly share your thoughts and opinions about this chapter. Your opinions are very much appreciated.?