Kabanata 1: THE START

1466 Words
Kabanata 1: The Start °°°°°°°°°°°°°••••••••••••••••••°°°°°°°°°°°°° MJ’s POV “Mj! Hapunan na!” “Opo ma! Susunod na…” Kahit kanina pa tinatawag ni mama, ay di ko magawang lingunin. Ang nag-aalab na kalangitan, ay unti unting nilalom ng bundok kung saan ako nakatanaw. Summer na ngayon kaya kailangan kong magtrabaho sa bukid namin. Si mama ay nagmamahala sa mga sinasaka sa dalawang ektaryang lupain namin. Maingat akong bumaba sa batuhan kung na saan ako dahil baka mahulog ako… Ang lalim pa man din ng kweba na nasa ibaba nitong mga bato na aking pinatungan. Baka mapano pa ako, madilim pa man din ang buong paligid. Habang papunta sa amin nada-anan ko ang mga tanim naming mais, kamote, at ibat iba pang klase-klaseng panananim. Sa Sta. Fe kasi ay mahal ang mga gulay dahil iba ang lupa dito sa kadalasang lupa na tinataniman. Mabuhangin ang lupa pero ang sa parte sa amin mapula ang lupa pero may buhangin parin. Ang Isla ay kilala dahil sa poultry products at isda na inaangkat pa dito dahil sa pagiging sariwa nito. Hindi kalayuan sa bahay ang batuhan na palagi kong pinupuntahan para matanaw ang papalubog na araw. Mga limang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay. Pagkapasok ko ay kita ko kaagad si kuya na nasa sala nanonood ng NBA. Hindi kalakihan ang bahay namin, pero hindi rin naman ito maliit. Tatlong kwarto, isa sa aming mga babae at isa sa mga lalaki, at kila Mama at Papa. May sala na kasya sa ganito ka laki na pamilya, katulad namin. “Ma, nandito na si Mj!” Tawag ni kuya Yohan kay Mama. Dumungaw lang si Mama galing sa kusina, habang nagluluto ng hapunan. “Manghugas ka ng pinagkainan kanina, Mj. Sabi mo kanina na huhugasan mo ang mga ito, pero di mo pa nagawa. Akala mo siguro na nakalimutan ko…?” Napakamot ako sa ulo. Di ko na naman kasi nagawa dahil sa gustong magliwaliw. Kaysa na magdabog, naghugas na lang ako ng pinggan. Pagkatapos ko doon ay agad kong ni lagyan ng pinggan at kutsara mga baso ang mesa. Para narin hindi mapagalitan… pambawi ko na lang to. “Tapos na po ako Ma!” imporma ko kay mama na may kalakasan ang boses dahil maingay ang sala. “Tawagin mo na ang mga kapatid mo malapit na din naman itong maluto, at ng makakain na tayo ng maaga.” utos ni Mama. Pumunta muna ako sa kwarto para magbihis.. Pagkapasok ko ay nakita ko si ate Zandra na nasa kama natutulog. “Ate…” yinugyog ko siya para magising agad. “Hmm?” ungol niyang sabi nakapikit pa. “Punta ka na daw sa hapag at kakain na. Mauna kana at magbibihis pa ako.” Umungol lang din siya sa at bumangod na nakapikit. Iiling-iling ko siyang tinignan bago kumuha ng pambahay. Dali-dali akong nagbihis at lumabas na din. Pagkalabas ko ay tinawag ko na din sina kuya para kumain. “Dapat talaga ginagawa mo muna yang gawain mo sa bahay, Pagkatapos nun saka ka pa lang maglakwatsa bunso.” sabi ni kuya Andruis sa akin. Sinimangutan ko na lamang si kuya. “Hmmp.” Humalakhak na lang si kuya. Nakakagigil talaga pag may makulit na kuya. “Oh, Mj ba’t nakabusangot yang mukha mo?” Tanong ni Mama ng makita ang busangot kong mukha. “Inaway ka na naman ba ng kuya mo?” nagbaba na lang ako ng tingin at hindi sinagot si mama. “Eh kasi naman ma, itong si bunso imbes na yung gawain sa bahay ang unahin iba na naman yung pinagkaka-abalahan” pasaring na sabi ni kuya sa akin. Di ko na lang siya pinansin para di na ako mawalan ng gana nang tuluyan ay nagconcentrate na lang sa pagkain ko. “Tama na nga yan, dapat di mo na kulitin tong kapatid mo Andruis, aba’t ang laki na nito, may sarili na itong pag-iisip” Turan ni mama, kaya imismiran ko si kuya. Pinanlakihan na lang niya ako ng mata. Tss… Akala siguro na matatakot ako sa kanya. “At ikaw naman Mj…” Ito na naman ang mahabang litanya ni mama. Benilatan pa ako ni kuya na para bang mas kinakampihan siya ni Mama. As if it matters to me. Pag si Mama magsimulang mangaral matapos na Lang kaming kumain, di parin tapos. Kaya gaya ng inaasahan matapos ang hapunan doon lang matapos ang litanya ni Mama. Sina ate Zandra naman at kuya Yohan ay tahimik lang habang kumakain. Pagkatapos kong manghugas ng pinggan ay pumunta na ako sa kwarto namin ni ate Zandra. At dahil malapit nang magsimula ang susunod na school year… Ay kailangan naming ihanda Ang kwarto para maging komportable sa pag-aaral, dahil kapag sa sala kami lahat mag-aaral ay di kami makakapag concentrate. Mag-aasaran lang kami roon at di na namin matapos ang mga pag-aaral namin. Kaya magsimula na naming bakantihin ang isang pader para doon ilagay ang mga lamesa naming dalawa ni ate. Inusog namin ni ate ang double deck sa isang side nung kwarto. Alternate yung kama at kung saan namin ilalagay ang mga mesa namin. Ang pwesto ng paanan namin ay sa banda ng pintuan. Yung cabinet namin ang pagitan namin para walang isturbo. Ang pwesto ko ay malapit sa bintana kay ate ay yung malapit sa pintuan. Bukas ay kukunin na namin ang lamesa na ipinasadya nila Mama at Papa sa Tito namin na taga gawa ng mga kagamitan lalo na kung ito ay gawa sa kahoy. Pagkatapos kong magtoothbrush ay natulog na ako. Gaya ng plinano namin, kami lang na magkakapatid ang pumunta doon sa shop ni Tito, nagpaiwan lang sa bahay si Mama, si Papa naman ay nasa trabaho. Isang Manager Ng isang Law Firm sa Manila. Sumakay kami ng isang tricycle papuntang bayan ng Sta. Fe. Twenty pesos papunta roon. Katabi ko si ate Zandra sa isang side ng tricycle. Ang style ng tricycle ay Jeep type kaya magkaharap lang kami ng apat. Yung driver naman ay nasa harapan at siya lang Doon. Dahil na rin sa malimit ang sasakyan dito kaya ito ang transportation sa buong Sta. Fe. Papuntang bayan ay hindi ko parin malaman kung bakit kahit taga Sta. Fe naman ako, ay palagi akong namamangha sa tanawin. Kahit palagi namin ito madada-anan papuntang sa school na malapit sa dagat… Maybe, because it was known as Virgin Island of the Philippines. Iba ang dagat sa dito, ang tubig ay nakakahalina. Nang isang pagkakataon nga na napagalitan ako ni mama dahil basang-basa dahil na ligo ako pagkatapos ng schedule ko… Kay ayun, sermon ang abot. I wouldn’t get over all about this little town. Even if it’s away from the City of Cebu, where the party’s always boost every night. There’s something that make me feel like I was only made in this peaceful little town. Naputol ang pagmumuni ko ng may napansin na isang black Lamborghini. Nagtataka akong lumulingon saan iyon papunta. Kata-taka kung bakit napunta dito ang isang ganito ka garang kotse sa isang islang katulad nito. Hindi ko inaasahan na isang sports car na dadaan sa isang masikip at makahoy na national road. This kind of car should not be here. Not because of the peacefulness of the environment, but because it’s so out of place! For God’s sake! Kahit may mga magagarang sasakyan ay, di maikakaila na may kaya ang kung sino man ang nag-d-drive nito. Karaniwan kasing sakay sa barko papunta dito galing sa Hagnaya Port kung saan ang mga sakayang pangdagat mangggaling papuntang Bantayan island sa Cebu. Kahit sa ilang balik ko sa Pier para mag muni-muni ay hindi ko pa nakita na may isang ganito ka garang kotse sa sebilisasyon, na nangahas tumawid papunta dito. Karaniwang isasakay na sasakyan sa barko kasabay ng mga pasahero ay ang mga bus, van, tricycle, may kotse man ay hindi katulad ng isang Ito na sports car. Kung may roon mang magagarang sasakyan ay yung karaniwang look ng isang sasakyan. This one is quiet… No, not really quiet…. It’s RARE! Ito ay masyadong agaw pansin. Imagine a Lamborghini… not just the ordinary Lamborghini! It’s the latest! And it’s f*****g sexy because of its black color. And that was even first released in the foreign country! Pagka overtake ng sasakyan ay mabilis na humarurot ito papuntang sentro. Iba talaga pag mayaman ang mga magulang, kayang bilhin kahit ano. Kahit siguro mga tao ay kayang bilhin para masunod ang gusto nila. TRIXIE_JM Please like, comment and share. Kindly share your thoughts and opinions about this chapter. Your opinions are very much appreciated.?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD