Kabanata 2: KID

1441 Words
Kabanata 2: KID °°°°°°°°°°°°°••••••••••••••°°°°°°°°°°°° MJ’s POV “Tss…hambog yang anak ni Don Costodio. Spoiled kasi kaya ganyan. Kahit sa tahimik na lugar na ito naghahasik ng—" Hindi na tapos ang dapat na idudugtong ni kuya Andruis dahil binatukan siya ni Ate Zandra. “Wag ka ngang ano dyan Ruis. Baka may makapag sabi kay Don” pabulong ngunit Kay diin na turan ni ate, sabay baling sa driver. Tama si ate, kapag may manglalait o kayay kakalabanin ang gusto ng pamilya ng Don ay tiyak na mapapalayas sa Sta. Fe at sa buong isla ng Bantayan. Lahat ng napatalsik ng Don, kagaya ni Coal. Kasintahan ng bunsong anak na babae, ng dahil lang sa pinagseselosan nito ang best friend ni Yohan ay pinatalsik ito ng don at di na nakabalik. Kahit man lang na linisin ang kanilang mga pangalan ay hindi nila magawa dahil sa kautusang iyon. Ilang taon na ang lumipas at ni isa sa mga malalapit na kamah-anak nila ay walang alam kung nasaan na sila. Ito din ang rason kung bakit kahit na malupit ang don at minsan ay baluktot ang paniniwala, sinusunod na lamang ng mga mamayaman upang hindi na maghirap ang kani-kaniyang buhay. That’s how powerful the Costodio’s are… Kaysa maparusahan ng Don ay iniba na lang namin ang usapan. Kaya ang kuya na lang namin na si kuya Yohan ang pinag-diskitahan namin dahil sa pagiging tahimik nito. Naghiwalay na siguro sila ng girlfriend nito. Sa sobrang low key kasi ng relasyon ng dalawa, kahit nga kami nung ipakillala niya sa main na may girlfriend na siya ay mukhang hindi naman sila mag jowa dahil casual lang naman ang trato nila sa isa’t isa. Kaya siguro ganyan. Hay, pag-ibig nga naman… Pagkarating namin sa shop no Tito Rois ay pumasok na kami at pumila sa counter para narin mabayaran ang lamesa. Habang naka pila ay may bigla na lang sumingit sa harapan ko. Hindi ko makita dahil matangkad at natabunan na rin nito ang harapan ko, because of its built. “Excuse me Mister” tawag ko sa sumingit. Nilingon naman ako, pero nag pang-abot Ang kanyang kilay. “Yes Miss?” Aba! Englishero! Mayaman! At iba rin ang accent nito… Aba’t galing sa ibang bansa. “Uh-uhmm…” Puta! Bat ako nagkakanda-utal?! Hindi ko alam kong ngumisi ba siya dahil sa pagkaka-utap ko o ano? Ano ba Mj! Ba’t mo pinoproblema yan… Shocks, at ang tanda na niyan. Mga lampas limang taon na siguro ang tanda niyan sa kin. Joke! Hindi naman siguro nalalayo ang edad naming, mas mature lang siguro siya tignan. “What?!” Inis na tanong nito. Aba’t siya patong may ganang mainis… Kapal! I cleared my throat before answering him, parang may nakabara kasi baka pumiyok ako pagnagsalita. “Anong wina-what-what mo diyan?!” Eksaherado siyang nagpakawala ng hininga at nakapamewang na humarap sa akin, giving me his full attention. “Look lady, I’m asking you why because your calling my attention. Hindi ko naman alam na tinawag mo lang naman ako dahil gusto mong bigyan kita ng attention.” A smug look was on his face. AGHHH! Nakakairita siya! Pukengina! “Do I need to explain? You cut into to the line. Kanina pa kami dito nakapila, pero ikaw SISINGIT LANG?!” diniinan ko ang salitang ‘sisingit’ at ‘lang’ para mas magets niya ang point ko. Natutuliro pa ako dahil parang bawat bigkas ko ay magkakandautal ako. “Tss…” Ngumisi lang ito at tinalikuran na ako. Tangna! Hindi man lang natakot sa sigaw ko? “Excuse me Mister!” Nilakasan ko para madinig niya. “Hindi lang ikaw ang nakapila uy! May mas nauna pa sayo dito. Hindi ka man lang ba tinuruan na maging gentleman ng mga magulang mo-“ “Wala kang alam.” Malamig na ani niya at tinalikuran ako. Sa sinabi niya ay nagsita-asan ang balahibo ko sa katawan. Pero hindi ako magpapa-apekto sa sinabi niya sa akin. Galit ako at tinapakan niya ang pride ko! “Bakit? Siguro sobrang pangit ng pag-uugali ng mga magulang mo kaya ganyan ka kung umasta…” “Mj!” Kuya Yohan’s voice thundered. Napabaling ako sa kanya. My face lit up. Sa wakas may kakampi na ako! “Kuya!” mabilis kong pinulupot ang kamay ko sa braso niya at nagpa-awang tumingin sa kaniya. “Kuya, inaaway niya ako!” umiiyak kunyare kong sabi sabay turo sa ka-away ko ngayon. Tiningnan lang ako ni kuya at bumaling sa lalaking tinuro ko na ngayon ay nakatingin na sa amin. “Anong ginawa mo sa kaniya?” kaswal na tanong ni kuya na hindi ko matanggap dahil sa tuwing may umaaway sa akin ay pinagtatanggol niya agad ako. “She’s the one you should ask that question.” Kaswal na sabi niya habang magkrus ang braso sa dibdib. Binalingan ako ni kuya, nagtatanong ang mga mata. “Anong ginawa mo?” tinaasan niya ako ng kilay. “Anong ako?! Wala naman akong ginawa ah!” sagot ko kay kuya. “Baka siya!” tinuro ko yung antipatikong lalaking iyon. Umiling lang si kuya at tsaka bumaling sa kaharap namin. “Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko Angeleño, ganyan talaga yan.” Mapagpa-umanhing sabi ni kuya. Hindi ako makapaniwalang bumaling kay kuya dahil sa sinabi niya. Did he just sided a stranger? WTF?! Seriously? Masama ang tingin na ipinukol ko kay kuya na sinagot lang niya ng nagbabalang tingin. I rolled my eyes at him. Ang sama! Nakakasama talaga ng loob. Ako yung kapatid pero hindi ako yung kinampihan? Ano yun?! Binalingan ko naman ang asungot na kaharap namin at binigyan ng nakakamatay na tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro matagal na itong pinaglalamayan. Nginisihan ako ng asungot ng makita ang asar na asar kong mukha. Aba! “Kuya, bakit ka ba humihingi ng tawad sa walang modo na yan, ha? Siya kaya yung sumingit dito. Hindi dahil sa gwapo— ay tangina!” nabilaukan ako sa sinabi ko. Narinig kong tumawa yung asungot na tinawag kanina ni kuya na Angeleño. Napanganga pa ako dahil sa tawa niya. Ang sarap sa tenga. Pero mabilis kong sinuway ang sarili ko dahil baka mahalata niya na natigilan ako dahil sa tawa niya at biglang naging blanko ang utak ko. “Gago! Hehe, yun nga, gago.” Panay ang kurot ko sa kamay ko dahil masyado akong nadidistract sa kaniya. “Hindi dahil sa gago siya ay sisingit na siya. Alam ba niyang first come, first serve?” At dahil masyado akong ukupado sa pagsasalita ay hindi ko namalayan na kanina pa niya ako tinititigan gamit ang tingin na mayroong emosyon na hindi ko mapangalanan at ayokong pangalanan sa rasong masyado akong ASSUMERA! Tinitigan ko din siya para ipakita na hindi ako natatakot sa kanya. Pinanlakihan ko pa ng mata at matalim na tinitigan, habang siya ay sobrang itim ng titig sa akin at hindi man lang natitinag sa matinding galit na ipinapakita ko sa mga mata ko. “Ah… Uhmm… Sir ikaw na po” Sabi nung cashier. Kaya naputol ang titigan namin. May panghihinayang pa akong nararamdaman pero mabilis ko lang iyong pinalis. Bumaling siya sa harapan saglit at ibinalik rin ang tingin sa akin. “Ikaw na ang mauna” Sabi niya sabay lahad sa daanan niya. “Ikaw naman talaga ang nauna diba?” hindi ko alam pero base sa tuno ng pananalita niya ay nanunuya ito. Inismiran ko siya. Psshh! Hindi naman. “Syempre… Sumingit ka lang” Sabi ko at nilagpasan na siya. Kala mo ha?! Bumaling ako sa cashier na may ngiti sa labi. “Ah—” bago pa ako makasalita ay inunahan na ako ng cashier na ang pangit ng tabas ng mukha at mukhang pinagsakluban ng lupa purong lupa walang langit. “Ah ma’am, si Sir po yung nauna sa inyo.” Binalingan na naman nito si Mr. Asungot, nag pa cute pa! Kapal! “Siya na muna miss” nakangiti itong sumagot sa cashier. Ang harot! Nanlumo naman agad yung cashier sa sinagot niya. Ha! Buti nga sayo haliparot! “Ay ganun po ba? Okay po sir.” Masama ang tingin sa akin nung cashier nang bumaling sa akin. “Ano po sa inyo ma’am?” May himig ng galit sa tuno nito. Napailing na lang ako sa inasta nito. Kung malaman ‘to ng Tito ko patay ka talaga sa kanya. ALUMPYLOVESTORY All rights reserved 2021. Ikalawang Kabanata, KID.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD