Kabanata 3: DRIVER

1705 Words
KABANATA 3: DRIVER °°°°°°°°°°°°°••••••••••••••°°°°°°°°°° MJ's POV “Uhmm… Nandyan ba si Tito Rois?” “Bakit? Anong kailangan mo kay Sir?” Tinaasan ako niya ako ng kilay at pinagkrus ang kamay sa dibdib niya. Ngumisi na Lang ako. “Ah, baka pwedeng makuha yung i-n-order namin kay tito na mesa?” “Ano bang name mo miss?” Tanong nito at humarap sa computer. “Mj…” nakangiti kong sabi. Pinangunutan nkya ako ng kilay pagkabaling niya sa akin. “Mj?” mataray na tanong niya. Sa utak ko sobrang tawa ko na. “Caldiviar…” Mabilis na napabaling ang cashier. Umawang ang bibig nito at nanlaki ang mga mata… “Ikaw y-yung… p-pamangkin ni Sir Rois?” hindi makapaniwalang tanong niya. Nginisihan ko lang siya. Yan ang nakukuha sa pagiging judgemental. At ikaw hindi? Nagpakawala ako ng hininga. Syempre may exemption kasi siya yung masama. Like duh! “Pwede ka nang pumunta sa waiting area…” Sabi niya sabay turo kung saan naka upo sina kuya Andruis at ate Zandra. “Uhmm… Miss pwedeng tawagin mo si Tito?” Kanda-utal pa ito sa pagsagot. “S-sure Miss!” Sabi nito at nagmabilis na iniwan ang cashier. “Maupo na muna kayo doon miss baka mangalay po kayo.” Hindi pa man ako nakaupo ay umalis na ito. Napailing na lang ako at tsaka bumaling kay kuya Yohan. “Kuya ikaw na lang muna dito ha? Nakakagigil kasi yung asungot na-“ nabitin sa ere ang sasabihin ko ng nakita na nasa harapan ko yung asungot na yun. Takte! Nakakaloka ha?! Nagkasalubong ang kilay nito, he pursed his lips to hide a smile. What the?! Bakit ang hot niya tignan habang kinakagat niya ang lips niya? “Asungot ha…” he bit his lips trying to stifle a smile. “As for you I would call you Ms. Sungit…” Bumaling sa cashier na naka ngiti!! Parang sira to! Para tuloy akong kinikilig… Shocks! Unti-unting lumaki ang mga mata ko sa naisip. No… No, no… This can’t be. I’m just imagining things! Malanding impokrita! Oh f**k! I look at him. At ngayon ay busy na siya sa pakikipag usap sa cashier na halatang nagpapacute. Tss… Parang tubol na man tong cashier nato. At para hindi na madag-dagan ang nakaka-panindig balahibo na mga iniisip ko ay dumeritso na ako sa inupuan nila kuya. “Oh, ano na Mj? Magkano ba?” Salubong sa akin ni ate Zandra. Umiling na lang akong sa kanya. Nang dahil sa pagka-irita ko hindi ko na natanong sa cashier kung magkano ang babayaran sa mesa! Ang landi rin kasi! Dapat siya yung magsabi sa akin nun! How incapable of her work! Yawa naman siguro yun! Nasaniban ng kalandian, kahit kalagit-naan sa trabaho ay naglalandi! “Hay nako pag gwapo talaga ang hirap iwasan… Lalo na pag ganyan ka gwapo diba Mj?” Pasaring sa akin ni kuya Andruis. Inismiran ko na lang. Kahit kailan talaga, ang dumi ng utak ng isang ito! Napaka malisyoso. At saka, hello?! Ipapares ako dun? Sa asungot na iyon? How insolent?! “Di naman siguro tutulad yang si Mj sa mga babae na yan.” Si kuya Yohan na ang nagtanggol sa akin. Yan! Ganyan dapat! Hindi yung ipagtutulakan ka doon sa hambog na asungot na iyon. Kala mo namang kung sinong gwapo, hot din naman—I mean hotdog! “Ha?” napalingon ako kay kuya Yohan. Nakatingin ito sa aking may pagtataka. “Bakit kuya?” insenteng tanong ko. Syempre, alangan namang magtanong ako na narining ba nila yun o ano, hindi ko naman nasabi iyon ng malakas—. “Anong hotdog?” —oo malakas na. Peke akong tumawa. Hindi ko alam kung anong itsura ko dahil sa pagtawa pero dahil sa mukha nila kuya, mukha siguro akong natatae na ewan sa tawa ko. “Ahaha… wala kuya, gutom lang siguro to. Hehe.” Napakamot ako sa ulo ko. “Tsaka kuya, walang-wala sa kalingkingan yung asungot na yun sa crush ko.” Lie. “Baka kuko niya lang yun eh.” And lie. Jusko! Ang dami ko na talagang kasalanan kay Lord. Mukhang kailangan kong magpamisa para mabawasan din ‘tong kademonyohan ko. Hayst. Hoooh! Parang aatakihen ako sa puso do’n ah! Nagkibit balikat na lang si kuya Andruis “Sabagay… Ang taas ng standards rin nito eh.” At tsaka na man bumaling sa akin si kuya. “Diba Mj?” “Oo naman noh! At tsaka ang bata ko pa, ba’t ko iisipin ang paglalandi?” Baling ko kay kuya. Strike three. Strike three na ako kay Lordi. Nako naman eh. Pero on the second thought. Bakit ako maglalandi? Ang batang-bata ko pa, ‘noh. At tsaka hindi pa ako nakakapagtapos ng high school, not just high school at college, pati narin yung MBA. YES! Oo nga naman! Ba’t ako mag-lalandi kung ang taas ang pangarap ko? Kailangan ko pang mag-aral sa lungsod para makapagtapos ako. Kaysa unahin ang pag-bo-boyfriend, sagabal lang yan ‘noh. “Sabi mo ha! Pagmay nakita akong lalaking umaaligid sayo… Tingnan natin kung kakayanin niya ang batas ko.” Maangas na sabi ni kuya Andruis. Tuloy nabatukan ni kuya Yohan. Kasi naman baliktad sila. Dapat si kuya Yohan yung batas siya yung parusa. Ang gago lang. Nagkakatuwaan kaming magkakapatid ng bumukas ang pintuan ng opisina ni Tito Rois. “Kaya pala ang ingay dito. Akala mo naman may nag-aaway, may nagpipikunan lang palang magkakapatid.” Naiinis na sabi ni tito pero alam naming tinutukso niya lang kami. “Pasenysa na tito, di na mauulit.” Hingi ng tawad ni ate Zandra. “Oo na, maniniwala na lang ako. Sa susunod na lang siguro na bakasyon niyang mga kapatid mo kayo mag-iingay dito.” Napailing-iling pa ito habang nakahawak parin sa may hamba ng pinto at kalahati lang ng katawan ang nakasungaw doon. “Hindi naman Tito. Kayo po talaga, gumagawa ng kwento.” Napakamot sa ulo si kuya andruis. Mabilis ko namang sinang-ayunan. “Oo nga tito. Hindi naman kami ganito palagi. Minsan lang. hehe.” Inungusan lang kami ni tito. “Ewan ko sa inyo. Kung anu-ano ang pinasasai ninyo. Pasok na nga lang kayo dito…” iminwesta nito sa amin ang opisina. Mabilis kaming tumalima. Pagkapasok naming sa loob ay agad akong namangha. Napakaganda noon. Ang likuran ng mesa ni tito ay pader na gawa sa glass. Kitang-kita doon ang magandang view ng dagat. “Upo kayo.” Iminuwesta sa amin ang dalawang coach doon. Umupo si tito swivel chair at pinagsalikop ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. “Mukhang kanina pa kayo nag-aantay doon.” Imbes na sagutin si tito ay natuon ang atensyon ko sa pagkain na nasa harapan ng kinasasadlakan naming upuan ngayon. Agad na naglaway ang bagang ko sa nakalatag. Pansit na may hiniwang nilagang itlog sa ibabaw na may shrimp din at karne ng manok. May iba pang pagputahe doon pero mas nakatoon ang pansin ko doon. Paborito ko kasi ang pansit. Mukhang gutom na din ang mga kapatid ko dahil hindi din naming na sagot si tito. “Tamang-tama Tito, gutom na gutom na ako.” Turan ni kuya Andruis. Hinihimas pa ang tiyan nito, para lang ipakita na gutom na talaga ito. Tunawanan na lang siya ni Tito. “Well, nagpabili ako ng pananghalian kanina dahil alam ko naman na ka-kain na naman ‘tong si Andruis dito.” “Grabe naman po kayo tito sa akin. Hindi po pwedeng kaming dalawa ni Mj?” aba’t dinamay pa ako nito. “Sino ba ang unang nagsandok dyan?” sita ko sa kanya na ngayon ay ngumu-nguya na ng pansit sa bibig. Hindi na nahiya at kinamay na lang dahil sa gutom. “Wug mu kung ushturbuhon!” sagot niya kahit puno na ang bibig. Babarahin ko pa sana siya ng may kumatok sa pinto at iluwa doon ang cashier. “Yes Amanda?” Tanong ni Tito Rois. “Uhmm… Kasi Sir, nandito po yung driver na nirekomenda ni Don Costodio. Papapasukin ko na po ba?” Tanong nito at bumaling sa kinaroroonan namin. Kita ko sa mata nito ang takot at kaba. Ngumiti ako sa kanya. Takot itong nag-iwas ng tingin. Nagtatakang napatingin sa akin si tito dahil sa inakto nung Amanda na iyon. “Sige papasukin mo.” Utos ni tito. Tumalima naman agad si Auntie Amanda. Oo, auntie! Kasi nasa twenties na yun! At mukha din namang gurang na din iyon. Bumaling naman sa amin si Tito. “Gutom na ba kayo?” “Ako Tito, kanina pa gutom” sabad ni kuya Andruis. Kahit kailan talaga! Patay gutom! Kakakain nga lang at may pagkain pa ito sa plato nagsasabi pang gutom pa iyo. Grabe namang tyan yan. Tito chuckled at my kuya’s response. “Don’t worry in no time, it will be here.” Mas lumapad ang ngiti ni kuya sa sinabi nito. “May iba pa po?” nangingiting tanong niya. Binatukan na lang siya ni kuya na binalingan nkya ng masamang tingin pero mas tinaliman lang siya nito ng tingin. Natatawa kami ni ate at tito dahil mabilis na tumiklop si kuya andruis kay kuya Yohan. Binalingan kami ni tito. “Kayo naman dyan, kumain na din kayo. Mamaya na lang yung pinunta ninyo.” Sa sinabi ni tito ay kumuha kami ng paper plates at pares ng tinidor at kutsara, bago sumandok sa pagkain sa mesa. Nag-kakatuwa-an pa sila ng kumatok you yung cashier ni Tito. “Sir nandito na po siya…” Binuksan ng malaki ni Auntie Amanda ang pintuan. Mula sa naka-awang na pintuan ay pumasok doon ang matangkad na pigura ng lalaki. Mababakasan sa katawan nito na hubog na hubog ito. Lumukob sa loob ng opisina ang mabangong perfume nito. Napakapanlalaki. Pagpapantasyahan ko n asana ito kaso pag-angat ko ng tingin. Nanlaki ang mata ko. Literal na nanlaki. Tang’na. There’s no f*****g effing way! Siya! Siya yung driver? Angeleño? Puta?! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?! Dios Mio! Kailangan bang ganito?! ALUMPYLOVESTORY All rights reserved 2021. Ikatlong Kabanata, DRIVER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD