FOR ERICA, Jeff was the safe choice. Bukod sa walong taong history na nila ni Jeff na nakakahinayang namang bitawan, alam niya ring hindi siya mawawasak ng lalaki. Oo, nasaktan siya sa panloloko nito. Pero ang totoo kasi niyan, mas nangibabaw ang pagkainsulto kaysa sa sakit. Kaya nga mabilis siyang naka-recover. Alam niya na kung sakaling magkamali uli ang lalaki, kakayanin niya. Alam na niya kung ano ang magiging reaksiyon kung hindi man maging maayos ang relasyon nila ni Jeff. Sigurado na siya na makakabangon siya. Hindi rin naman magiging ganoon kasama iyon dahil kahit paano, naroon pa rin ang pagmamahal niya para sa binata. Hindi naman siguro kailangan na sobrang lalim ng damdamin nila para sa isa't isa. Pareho sila ni Jeff mag-isip. Alam niyang sapat na sa kanila ang magkasama na

