NAKAHIGA si Erica sa kama niya, nakatitig sa kisame. Mayamaya, darating si Jeff. Nagpasabi ito sa kanya na dadalaw sa condo niya na may dalang dinner. Kaya hindi na siya nag-abalang magluto o bumili ng pagkain. Pero sa totoo lang, mukhang hindi rin naman niya kayang kumilos ngayon. Actually, wala siyang ganang gumawa ng kahit ano. Saan ba nagsimula ang matinding takot niya sa pagmamahal kay Josh? Ah, siguro noong nabalitaan niyang nasaksak ang binata. Sa buong buhay ni Erica, noon lang niya naranasang matakot para sa buhay ng iba. Pakiramdam niya, dinukot ang puso niya at mamamatay siya kapag may masamang nangyari sa taong hindi niya namalayang mahal na pala niya. Nabigla si Erica sa intensidad ng pagmamahal niya para kay Josh. Hindi siguro maiintindihan ng iba. Pero iba pala ang pakira

