"ELEANOR texted me. She's having coffee with Josh right now." Biglang nagpreno si Erica. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakalabas ng car space ng condominium building nila kaya nang huminto siya, hindi naman bumunggo ang kotse niya sa kung saan. "What?!" hindi makapaniwalang tanong niya kay Penelope na kausap niya sa kabilang linya. Inayos pa niya ang earpiece sa kanyang tainga na konektado sa phone. Baka kasi namali lang siya ng dinig. "Pa'no nangyari 'yon?" "Medyo mahabang kuwento—" "May time akong makinig," sansala ni Erica sa sinasabi ng kaibigan. "What happened? Bakit magkasama sila?" "Ka-chat ko si Isabella ngayon," sagot ni Penelope sa halatang nag-aalangan na boses. "According to her, she and Flynn Fletcher brought Eleanor to YouTopia to have fun. Mukhang nag-decide na si El

